Chapter Twenty Three

936 130 7
                                    


Hindi ko alam kung anong una kong gagawin nang makita ko siya sa doorstep nitong kwarto, huli na ng maisipan kong saraduhan siya dahil mabilis agad siyang nakapasok.

"Anong ginagawa mo dito?" I asked him. Sinubukan kong hindi maging malamig ang tono no'n, pero ganon ang kinalabasan.

"I'm here to pick you up." He answered.

Damn. Naalala ko yung natagusan ko. Nilagay ko yung dalawa kong kamay sa likuran ko para itago yung blood stain, kita ko naman ang pagkunot ng noo niya.

"You can go. I'm okay here, susunod nalang ako mamaya." Sabi ko.

Tatalikuran ko na sana siya, buti nalang ay naalala kong hindi nga pala pwede kaya paatras akong lumayo sa kanya. I know na nagtataka na siya. I was expect na sasabihin niyang 'What the hell are you doing?' with matching kunot noo pa, but he never ask and he never did.

Sa halip na lumabas siya ng kwarto ko ay umupo pa sa upuang nasa tabi ng side table nitong kama. Tinaasan ko siya ng kilay. Mukhang hindi naman niya papatulan ang pagkainis ko sa kanya ngayon.

"Did you cried last night?" He asked na ikinataas pa ng kilay ko.

At talagang tinatanong niya pa talaga kung umiyak ba ako kagabi? Matalino si Seth, oo, alam ko. But where is his brain right now? Nasa balls na ba niya? Tss. Malamang I cried last night!

Inirapan ko lang siya.

He gently sat beside me na ako namang si tanga hindi alam na umusog pa ako para bigyan siya ng mauupuan. Stupid.

"Stop crying, you know that when you cry it triggers your asthma right?" He said.

And now he's worrying about me? Samantalang kung makapangloko siya kagabi.

Damn. I can feel the blood coming out form my.. argh, can't help this anymore, I need to change! Napansin niyang hindi ako mapakali kaya naman nagtanong agad siya.

"Is there something wrong? Baby, please, forgive me na." Pagpapacute niya pa. Lintek na 'yan, kailangan ko pa atang ipaliban muna ang pagkainis ko dahil tinatagusan na ako!

How stupid am I? Alam ko na ngang tinatagusan ako pero umupo pa rin ako sa kama!

"Tigilan mo nga pagpapacute mo." Naiirita kong sabi sa kanya.

He chuckled. Tss. This guy..

"Why? 'cause I'm really cute? Oh, scratch that, I don't want to be cute. Because I'm handsome and a hot guy." Pagyayabang niya. Inirapan ko lang siya ulit.

"Stop na muna pwede? Kasi ano.." Nahihiya kong sabi, I know my cheeks are burning red right now.

"Why? Look, you're blushing because you know in yourself that I'm really handsome and hot, baby." Sabi na naman niya.

Hinampas ko siya ng malakas saka sumigaw na agad kong pinagsisihan.

"Tumigil ka na sa kabulastugan mo! Mas lalo akong tinatagusan!"

Kita sa expression ng mukha niya ang pagkagulat, napalunok pa siya. Oh crap, I know this is awkward. Alangan namang utusan ko siyang bumili ng napkin 'diba? He's a guy, man.

"What do you need?" He asked kaya napatingin ako sa kanya. Is he serious?

Don't tell me..

"Just tell me." Mahina niyang sabi.

"Napkin." Nahihiya kong sagot.

He sighed, kinuha niya yung cellphone niya sa back pocket niya saka may tinawagan doon, lumayo pa siya sa akin kaya hindi ko masyadong naitindihan yung mga sinasabi niya.

Birthstone Academy: School of RíogaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon