Chapter Thirteen

1.1K 154 27
                                    


"What?! Nag stay ka sa kwarto ni Seth maghapon?" OA na tanong ni kuya Luke.

Wala naman kaming ginawa! Inalagaan ko lang siya, that's all. Sinabi ko kasi sa kanya kung bakit ako absent kahapon.

"Alam mong mainit ang mga mata nila sayo, Leslie." He said.

Wala naman akong ginawa e. Ghad, ba't ba ganon sila mag isip? Hindi ko naman aagawin sa kanila si Seth! Edi maski sa kanila na! Kainin nila.

Eeew, parang pangit pakinggan nung 'kainin'. Fvck.

"You should be careful." Aniya.

"Hindi ko naman sila hahayaang may gawing masama sa akin e." Sabi ko naman pero tinignan niya lang ako at umiling.

"You don't know them, Les. Hindi mo alam kung ano ang mga nasa utak nila ngayon."

Sa dami ba namang nagkakagusto kay Seth dito sa paaralang 'to. E napaka yabang at ang sama naman ng ugali, ganon na ba talaga ngayon? Sa mukha nalang sila tumitingin. Halos ipagtabuyan na nga sila pero okay lang sa kanila. Like what the fvck? Hindi ba sila nahihiya para sa sarili nila? Pilit nilang ipinagsisiksikan yungs sarili nila sa taong ayaw naman sa kanila.

"Ganon ba talaga sila ka-obsessed kay Seth?" Tanong ko na agad naman niyang ikinatango.

"Kaya ikaw--" Aniya sabay tulak sa noo ko gamit yung hintuturo niya.

"--mag ingat ingat ka sa mga kilos mo." Paalala nanaman niya. Ilang beses ko na kasing narinig 'yan sa kanya.

Ilang minuto lang at natapos nanaman ang break time, minsan nakakainis rin kapag parang ang bilis ng oras e.

"Oy!" Halos mapatalon pa ako sa gulat ng may mangalabit sa akin.

Si Nathaniel lang pala.

"Hindi ko kasama si Dannah ngayon." Sabi ko agad sa kanya. Napatawa naman ang loko, sus, kinikilig.

"Kita ko nga." Tumatawa niyang sabi kaya natawa na rin ako. Parang tanga.

"Anong kailangan mo?"

"Dannah. Tatanungin ko sana kung nasaan siya?" Medyo nahihiya niya pang tanong sa akin.

"May meeting silang mga Student's Council e." Sagot ko sa kanya.

Pauwi na ako ngayon sa building naming mga Ruby since hindi ko naman na mahihintay si Dannah dahil baka anong oras pa sila matapos, nagpaalam rin naman ako sa kaniya.

From: Seth Epal

Meet me at the park. Hintayin mo ako. This is a command.

OH-OH, ngayon ko lang 'to nabasa, kaninang alas 3:30 pa 'to, alas singko na ngayon. Ayan nanaman siya sa command-command niya, nag konti nalang mag mu-mukha na talaga akong PA o utusan niya.

Uuwi nalang ako.

"Pauwi ka na ba?" Tanong niya pa.

"Hindi ba halata?" Pang aasar ko naman, nagkibit balikat lang naman siya sa akin.

"Puntahan mo nalang si Dannah, o kaya hintayin mo."

"Baka magalit pa 'yon sa akin."

Napangiti ako dahil do'n. Sus, ano na kaya ang meron sa kanila? Feeling ko sila na e.

"Kayo na ba?" Tanong ko sa kanya habang nakangiti, kinikilig naman na ata ang hinayupak.

"Nah. I'm still waiting for her answer." Sagot naman niya.

Sabagay, feeling ko naman ay sasagutin siya ni Dannah. I can see in her eyes na gusto niya rin Nathaniel.

From: Seth Epal

Birthstone Academy: School of RíogaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon