Chapter Nineteen

1K 139 21
                                    


"What the fuuuuck." That was the first thing that left my mouth when I fell from my own bed.

Damn it. What's going on? Sobrang lakas nung alarm clock ko na nakalagay sa side table. Halos mapatayo agad ako nang ma-realize na may party pala. Ghad, It's already 5:00pm. 6:00pm ang simula ng party, pero for sure hindi naman 'yon magsisimula agad. Pupunta na sana ako sa comfort room ng may makita akong box sa side table ko.

Hey, babe. Wear this dress for the party. See you later.
-S

What the? So pumasok siya dito sa room ko kanina? Ni hindi ko nga alam kung nakanganga ako at naglalaway na natutulog kanina e. Tsk. Meron na ring heels doon.

Naligo nalang ulit ako at ginawa ang mga routine ko. I'm facing the mirror right now, hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa mukha ko. Sure akong puno ang parlor ngayon sa mall ng BA. Si Dannah rin ay magsasariling make up lang rin sa mukha niya.

I was going to start ng biglang may kumatok sa pinto, so I stand up and opened it.

Bumungad sa akin ang isang maputing babae, shoulder length lang yung haba ng buhok niya.

"Hi. I'm Louise from the Aquamarine, pinapunta ako ni President dito para ayusan ka." Nakangiti niyang sabi. Hindi pa siya nakaayos tapos uunahin niya akong ayusan?

"Ah, eh, pasok ka." Awkward kong sabi.

Pimaupo niya na ako sa inuupuan ko kanina at nagsimula na akong ayusan.
Marami siyang ginawang keme keme sa mukha ko, pero sigurado akong napakagaling niyang mag ayos. Pati buhok ko ay siya rin ang nag ayos, ilang minuto lang ata ay natapos na pero napakaayos nito.

"Wow. Ang galing mo." I said while smiling at her.

"Thanks. I really love cosmetics, that's why pumayag ako na ayusan ka." Aniya.

Nag thank you na ako sa kanya nang magpaalam na siya dahil kailangan niya ring mag ayos. Ako naman ay isinuot na ang ibinigay ni Seth. May isusuot na sana ako, bigay pa ni mommy iyon, pero dahil sa makulit si Seth, kakatanggap ko lang nung message niya na 'yon daw ang isuot ko.

It's a color pastel dress. Not too long, but not too short, katamtaman lang hanggang tuhod.

From: Ethan Dalmore

See you at 15.

Okay? So he's going here within 15 minutes. I really need to look myself at the mirror for the last time.

--

"Woah. I knew it, they really prepared for this night." Sabi ni Dannah na nasa tabi ko ngayon, nasa right side ko naman si Seth na may kausap sa phone.

Well, what can we expect, this is a school for elites, masyadong magarbo.

Habang naglalakad kami ay maraming bumabati sa kanya. Doon ko na naman naramdaman yung masasamang tingin nila, they're mostly girls. And I know the reason why they're acting like that. Siguro yung mga nakakarinig sa kanila tungkol sa akin, type nila si Seth kaya ganon sila. Halos lahat naman ata ng babae dito may gusto dito sa mokong na 'to e.

Pati rin ako..

Tsk. Tsk. Hindi ko naman in-expect na gantong mga tingin ang bubungad agad sa akin dito, pero halos lahat na ata ng babae dito ay sobrang sama na ng tingin sa akin.

Marami rin akong nakilala pero hindi naging ka-close, puro tango at 'hi' lang ang nasasabi ko. Some girls and guys were nice, but some aren't. Makikita mo lang naman 'yon sa way ng pakikipag usap nila o sa body language nila. Lahat nalang ata napapansin ko ngayon, 'cause I feel so uncomfortable, feeling ko ayaw ako ng lahat dito. They're not friendly, 'cuase alam nila na tiga Ruby lang ako. Although pumapangalawa 'yon sa ranking, but still, I'm not from the Aquamarine.

Birthstone Academy: School of RíogaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon