Chapter Five

1.2K 185 44
                                    


"Yiiiiiie! Balita ko kayo daw ni President ang magkapartner buong School Year. Swerte mo girl." Sabi ni Dannah.

Tsk. Mas lalo naman akong pinapakaba neto, makatakot kaya! Baka kung anu ano ang ipagawa niya sa akin. Nung nalaman ng ibang estudyante dito na kami ang magmapartner ay hindi nanaman ako nakatakas sa nga masasama nilang tingin na halos parang kainin na nila ako.

"I'm scared."

"Saan naman? Sa mga fangirls niya? Tsk, go with the flow ka lang! Hayaan mo silang mamatay sa inggit, hindi ka naman nila masasaktan dahil ang President ang kapartner mo." Aniya.

Paanong hindi masasaktan? Nga pala, hindi ko pa nababasa yung handbook dahil nakay Seth iyon, hindi niya ibinigay sa akin dahil mag mi-meet daw kami mamaya. Damn.

"Maliban sa kanila, sa kanya rin ako takot." Nakalabi kong sabi sa kanya.

"OH-OH. Oo nga pala, mukhang ikaw ang trip ni President ngayon. Halaka!" Pananakot niya pa. Argh.

"Tsk. I'm really scared, nakakatakot yung aura niya. At saka, paanong hindi nila ako masasaktan?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

Aish. Kung nabasa ko na sana yung handbook, edi sana hindi na ako nagtatanong pa. Kaynis.

"Basahin niyo nalang ni President mamaya yung handbook." Mapang asar niyang sabi at kinindatan pa ako. Dafuq?

"Nga pala, Leslie. Napag meetingan namin kahapon, magkakaroon ulit ng Archery game mamaya, gaya ng mga nagdaang school year." Aniya.

What? As in mamaya na?

"Agad agad?! Bakit hindi ko alam?"

"Hindi mo ba binasa yung handbook nitong BA? Andoon 'yon ah. Yun nga lang, biglaan dahil kahapon lang namin napag meetingan." Aniy na ikinanganga ko.

"R-Required ba maglaro lahat ng estudyante?" Kinakabahan kong tanong sa kanya.

Ghad. Wala akong alam sa sports, at mas lalong hindi ko hilig 'yon. Fine, ako na ang lampa. Pero may asthma ako kaya hindi ko na rin nahiligan ang maglaro. Fine, I'm a weak girl na may asthma at halos laging tinuturukan ng insulin. Kaya hands on rin sa akin si kuya Luke.

"Yes. Mula Aquamarine hanggang Peridot, lahat required. Every year 'to ginaganap." Aniya. Para akong binuhusan ng malamaig na tubig.

"I-I don't like s-sports. H-Hindi ako marunong no'n." Nakayuko kong sabi sa kanya.

Ngumiti naman siya ng nakakaloko sa akin. Uh. What now?

"Kaya nga andiyan yung kapartner mo e." Aniya.

Kasama ba talaga 'yon? Pati sa Archery, partner pa rin ba kami do'n?

"Isa 'yon sa factor kaya nagkakaroon ng pair up every year, alam mo naman siguro na ginagawa 'yon para magtulungan ang mga estudyante 'diba? Epecially kayong mga Ruby at Aquamarine." Dagdag pa niya. So kasama nga talaga siya.

I feel sorry for Seth, makakasama niya sa Archery game ang isang babaeng weak na katulad ko na walang alam at hindi mahilig sa sports.

"Hindi ba talaga pwedeng hindi na sumali?" Pagmamakaawa ko kay Dannah, umiling iling lang naman siya sa akin.

I'm really doomed.




Nagpaalam muna ako kay Dannah dahil may kukunin ako sa locker ko, pinauna ko na rin siya sa classroom dahil may klase pa kami bago magsimula yung Archery game, hapon daw kasi gaganapin 'yon. Hayst, kinakabahan pa rin talaga ako. Lalo na't kapartner ko si Seth. Tsk.

Nang makuha ko na ang libro ko, aalis na sana ako pero biglang may kumalabog kaya halos mapatalon ako do'n. Nagulat pa ako nang makita kong nasa gilid ko na si Seth, nakatukod yung isa niyang kamay sa katabi kong locker.

Birthstone Academy: School of RíogaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon