Chapter Six

1.2K 177 27
                                    


Pagkatapos ng Archery game ay na cancel lang rin ang pasok hanggang hapon. And guess what, nag second pa kami. At siyempre, si Seth ang may gawa non. Masaya na rin ako dahil nakatama ako ng isa, yung iba ay sa lupa na o sa labas na ng target tumatama. Tsk. Nakakahiya, nakikita ko pang tinatawanan ako ng sarili kong kuya. Sila kuya ang nanalo kasama yung ka-partner niya this year, third naman si Scherina na kapatid ni Seth. Haaaaay..

"Good job, Leslie. Ang galing mo kanina. Bravo!" Pang aasar ni Dannah habang pumapalakpak pa, tawa pa siya ng tawa. Hayst.

Sobrang palpak ko kanina. Bakit ba ang pangkal ko? Tsk.

"Aish! 'wag mo na ngang ipaaala yung nangyari kanina, Dannah." Sabi ko at napatakip pa sa mukha ko.

"Shit, kung nakikita mo lang yung mukha ni Seth kanina." Tawa pa rin siya ng tawa. Halos mamula mula na siya. Loka loka 'to.

"Hindi ko alam kung naiinis o ano. Isama mo pa si kuya mo na halos mamatay matay na kakatawa." Dagdag pa niya, kulang nalang ay hampas hampasin na niya ako habang tumatawa.

"Bwisit siya, hindi man lang niya ako sinoportahan." Nakalabi kong sabi habang siya naman ay tinatawanan pa rin ako.

Mayamaya ay tumigil na rin siya sa pagtawa, hingal na hingal pa siya. Daig pa ata ang nakipagtakbuhan.

"Pero pansin mo kanina? Magkatabi yung kuya mo tapos si Scherina?" Kinikilig niyang tanong sa akin.

"Oo nga e. Ano bang meron sa kanila, Dannah? Sabihin mo na, na cu-curious talaga ako!" Pagpupumilit ko sa kanya.

Kapag kay kuya ko tatanungin ay baka magalit lang sa akin 'yon, o kaya baka hindi niya sagutin ng maayos yung tanong ko.

"Hindi ko alam. Alamin mo." Aniya at kinindatan pa ako bago iniwan, tuwing hapon kasi ay dumidiretso muna siya sa Student Council Office, malay ko ba kung ano ang ginagawa nilang mga officer doon.

So eto, mag isa nanaman lang ako. Wala rin naman si kuya dahil officer rin siya. Ramdam ko nanaman ang mga tingin ng mga estudyante sa akin, ano ba ang ginawa ko sa kanila at ganyan sila makatingin?

"Ang swerte niya, siya ang kapartner ni President ngayon."

"Yeah. Ewan nalang kung gagawin rin sa kanya ni President yung ginawa niya doon sa dati niyang kapartner."

"Naging personal alalay. Pfft. Siguro papahirapan rin siya, ewan ko nalang rin kung makakatagal siya."

Ganyan ang mga naririnig kong bulungan sa kanila. Halos tumayo nanaman ang balahibo ko dahil sa mga pinag uusapan nila. Papahirapan? Ghad. Pwedeng umuwi nalang? Pero hindi! Tapos si Sab ang mananatili dito? Nononono.

Binilisan ko nalang ang paglalakad hanggang para maiwasang mapakinggan yung mga bulungan nila, mas lalo akong natatakot e. Tss.

Hanggang sa makarating na ako sa lugar kung saan walang masyadong tao. Paktay, hindi ko pa naman memorize yung mga pasikot sikot dito. Nasaan na ba ako?

Ghad. Why so stupid, Leslie?

"Where the hell are you going?" Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang may magsalita sa likuran ko kaya napaharap ako dito.

"N-Naliligaw ako?" Patanong na sagot ko sa kanya, napakamot nalanga ako sa ulo ko samantalang siya naman ay nag kunot lang ng noo sa akin.

Lumapit siya sa akin kaya napayuko ako. 'diba may meeting sila ngayon? Ba't andito pa siya? President siya ah.

"We'll talk later." Aniya at umalis na ulit.

Ganon? Lalapit siya tapos saka aalis lang rin. Asa ka naman Leslie, e sobrang cold 'yang si Seth. Aish. Hindi man lang sinabi sa akin kung nasaan ako ngayon, malay ko ba.

Birthstone Academy: School of RíogaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon