Chapter Twenty Eight

931 114 0
                                    

"Ano ba? Let me go!" Pilit akong kumakawala sa pagkakahawak ni Seth sa braso ko habang hinihila niya ako palabas ng bar.

Hindi niya ako pinansin at patuloy pa rin sa paglalakad habang hawak ako.

"Nasa loob pa si Dannah, hindi ko siya pwedeng iwan do'n!" I hissed.

"Nathaniel's already there, sinabihan ko siya." Walang pakealam niyang sabi.

Ganon na ba ako ka-lasing na hindi ko man lang namalayan na andoon na pala si Nat? Buong lakas kong binawi sa kanya ang braso ko, I glared at him. Napatigil rin siya sa paglalakad at matalim na tumingin sa akin.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo, ha? Nag e-enjoy ako do'n tapos bigla bigla kang susulpot saka ako hihilain palabas!" I hissed.

He closed his eyes and massaged the bridge of his nose na parang stress na stress siya sa'kin before he looked at me, he placed his both hands in my side, cornering me, hindi naman ako makaatras pa dahil pader na ang nasa likuran ko. Shit.

"What the hell do you think you're doing? If you have problem, you should've just called me." He said softly while looking in my eyes.

No, hindi ka manlalambot, Leslie. You already decided.

"Why do you even care, Seth? You're not even my boyfriend, ano ba kita?" I said, bawat salitang binitawan ko ay ramdam ko ang kirot sa puso ko.

Napatigil siya do'n, natanggal niya ang dalawang kamay niya na nakapwesto sa both side ko.

"Hindi na ba talaga? Hanggang kailan mo ako itataboy, Leslie?"

I saw how he holds back his tears. Oh shit, baby, no.. I can't bear to see you like this. Parang nawala bigla ang lasing ko dahil sa pinag uusapan namin ngayon.

"Sinabi ko na sayo no'n, ayaw ko na Seth. Please naman." I still refrained myself.

"Then just tell me your problems.. I'm worried." He said. Kitang kita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya.

"It's not your business anymore."

"Baby, don't be like this, please." He tried to hold me pero umiwas ako.

The light from the outside door of the bar reflecting in his eyes because of the tears he's trying to hold, nasasaktan ako na makita siya ganto. I swear to God, hindi rin ganon kadali sakin lahat. Siya yung taong gusto ko masandalan sa lahat ng problema ko ngayon, at alam kong gusto niya na ganon ang gawin ko. I don't even know kung alam na niya problema ko ngayon, about daddy.

Naalala ko na naman si daddy, doble dobleng sakit ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na napigilan ang luha ko at kusa na itong tumulo.

"I just want to end all of these, I just want to go home.." I said, almost whispering. Humikbi ako bago pinunasan ang luha ko sa pisngi ko.

He held my face and he wiped my tears using his thumb, mas lalo akong naiyak dahil sa ginawa niya. Nasasaktan ko siya pero he's still here, embracing all the pain just to make me feel better. I want to hug him so bad, I want to bury my face on his chest and cry, but I can't.

Bumuntong hininga siya bago nagsalita.

"Let's go, come with me, after this I won't bother you anymore." He said.

Kita ko pa rin na bakas ang sakit sa mga mata niya habang sinasabi iyon, bahagya pa itong namumula.

Nagdadalawang isip akong tumingin sa kanya.

"I promise."

Wala sa sarili akong sumunod sa kanya at sumakay sa golf cart niya. Where are we going? It is already 10pm.

Birthstone Academy: School of RíogaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon