Chapter Twenty Seven

926 127 7
                                    


Ilang buwan na ang nakalipas, pero heto pa rin ako ngayon puro problema.. nalaman namin na may colon cancer si daddy. Kuya and I don’t know what to do, nung una ay gusto ko pa lumabas ng campus para i-check ang kalagayan ni daddy, personally. I’m angry at him because of Liv and Sab but he’s still my dad, and I still love him no matter what.

Hindi na rin kami masyadong nagpapansinan ni Seth, after the night that he slept in my room kinaumagahan no’n pag gising ko ay wala na siya.

Nagulat rin ako nang wala ng nangungulit sa’kin, maybe he’s tired.. to fix our relationship. Hindi ko siya masisisi do’n, dahil in the first place ay ako ang umayaw. But I miss him so much.. Dannah said na these past few days ay sobrang busy niya, naaabutan pa nila na sa Student’s Council room na siya nakakatulog. It must be so hard for him, para magampanan ang mga tungkulin niya dito sa academy, kaya ayaw kong mawala sa kanya lahat ng pinaghirapan niya.

Siya nalang pwede ko panghawakan dito maliban kay kuya, tapos tinaboy ko pa..

“Leslie, are you listening?” Napakurap ako ng dalawang beses nang magsalita si kuya at bahagya pang kinatok ang table sa harapan ko.

“Sorry kuya, what is it again?” I asked.

“What are you thinking that makes you didn’t even focus about what I’m saying?” Sabi niya at napapailing pa, natahimik lang naman ako.

“Si Seth na naman ba? Leslie, if you rea—“

“Kuya, no, I’m just thinking about dad.” Putol ko sa kanya, totoo naman iyon, pati nga lang si Seth.

Nagulat rin si kuya nang marinig niya ang balita about sa amin ni Seth. Kinausap niya agad ako no’n and he asked me why, I told him the truth and hindi siya sang ayon sa akin nung una pero sinabi niya lang rin na he will support me whatever my decision is. Kaya everytime na nakikita niyang malalim ang iniisip ko ay ineexpect niya na agad na dahil kay Seth ‘yon, saka niya ako sasabihan na makipagbalikan nalang.

I can’t..

“So what’s your plan?” He asked then he sipped on his milktea. Napairap naman ako, ako pa talaga tinanong niya.

“I have no choice, I have to wait na matapos ‘tong school year para makalabas na ng campus at umuwi para maalagaan si daddy. Hindi talaga ako kampante na kasama niya si Liv ngayon, kuya, wala na ba talagang ibang paraan?” Nagbabaka sakali kong tanong.

“Dad will not be happy ‘pag hindi mo natapos itong schoo l year na ‘to, Leslie.”

“But he need us!”

“Dad already told me na hintayin nalang natin na makalabas tayo dito.”

I really can’t undersatand it,  wala man lang ba excuse dito sa academy? Maski emergency?

“He will be okay li’l sis, he wants you to focus on your study.” He said, napairap na naman ako. Hihintayin pa ba naming lumala sakit ni daddy bago kami umalis o bago kami payagan?

“Irap ka ng irap, ‘pag ‘yan hindi na bumalik. Napaka grumpy mo mula nung nag break kayo ni Seth.” Naka ngisi niyang sabi. Nice, napaka gago talaga ng kapatid ko.

“Whatever, kuya. Aalis na ako.” Sabi ko sabay padabog na kinuha bag ko sa upuan.

Bago pa ako tuluyang makalabas sa milktea house netong BA ay may sinabi pa siya na mas lalo kong kinaasar.

“Okay, ingat, makasalubong mo sana si Seth.”

Kuya’s really getting into my nerves, ang dami ko na nga lang pinoproblema ay nang aasar pa siya. Palibhasa ay nagkakamabutiha na naman sila ni Scherina, ang pagkakabalikan nila ay siya namang paghihiwalay namin ni Seth. Gusto ko munang i-set aside ‘yon dahil gusto ko muna mag focus sa condition ni daddy pero pumapasok pa rin talaga siya sa utak ko. Dad said na always naman siyang nagpapa check up, I really want to be with him everytime na magpapacheck up siya to know his condition, nawalan na kami ng mommy, and ayaw ko na pati siya ay mawala sa amin.

Birthstone Academy: School of RíogaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon