Chapter Seven

1.2K 182 25
                                    


Gusto ko ng magpalamon sa lupa nang bumukas yung pintuan, gulat na nakatingin si kuya sa amin. Hindi ako makagalaw. Biglang umalis si Seth sa ibabaw ko, inalis niya yung kamay niya na nasa ulunan ko kaya nauntog ako sa sahig. Argh! Ang sakit. Napahawak ako sa ulo ko at tumayo na rin.

"What the hell are you doing to my sister, Dalmore?" Naka kunot noong tanong ni kuya dito sa katabi ko.

"Sister? Wait-- What? I didn't do anything to her." Sagot naman niya.

"E bakit ganyan yung pwesto niyo?" Pang aasar na tanong ni kuya. 'di man lang nagalit?

"We're just.. Ahm, playing?" Patanong na sagot ko sa kanya na siya namang ikinatawa ni kuya at ikinangisi ni Seth. Tsk.

"Mga isip bata." Rinig kong bulong ni kuya. Kainis talaga 'to kahit kailan, awkward na nga lang ako e.

"Whatever, Scott. I need to go." Paalam ni Seth at lalabas na sana pero pinigilan siya ni kuya. Ano namang problema nito?

"Nah. Stay here. I just want to check my sister, I guess she's okay so I'll go now. Enjoooooy." Pang aasar ni kuya at nagsimula ng lumakad palabas.

"May ikekwento ka pa sa akin kuya!" Sigaw ko pa sa kanya bago siya tuluyang makalabas ng kwarto ko.

Argh. I-ho-hot seat ko talaga siya bukas, gabi na kasi ngayon e.

Tinignan ko naman si Seth pero tinaasan niya lang ako ng kilay. Eh?

"Kuya, huh?"

Hindi niya pa nga pala alam yung tungkol doon.

"Y-Yeah, he's my kuya."

"How? You're a 'Peralta',  he's 'Sco--Whatever." Aniya. Baliw na ata 'to?

Tumikhim siya bago ulit nagsalita.

"I just want to remind you that we'll meet again tomorrow." Sabi niya kaya tumango tango lang naman ako sa kanya.

Lagi namang ganyan 'yan, puro 'meet' nalang. Haaaaay.. Ano kaya ang kalalabasan nitong pair up na 'to? Naalala ko pala na every month magkakaroon ng Archery game, baka tuturuan na niya ako bukas? Sus. 'wag munang umasa, Leslie.

Lumapit siya sa akin at tinuro pa ako.

"Make sure that you'll wait me. Are we clear?" Ma-awtoridad niyang sabi.

"Yes, boss." Sabi ko at nag salute pa sa kanya na siyang ikinakunot ng noo niya at umiling pa.

Pagkatapos no'n ay tuluyan na siyang lumabas ng kwarto ko, ako naman ay itinuloy na ang pag gawa ng report para bukas. Pambihirang Dalmore, ginulo pa ako.








Wearing my uniform, pumasok na ako sa school. Natutunan ko na rin gamitin 'tong golf cart ko, para hindi na ako nagpapasundo kay Dannah. Sobrang lawak naman kasi nitong school na 'to, ilang oras pa bago ako makarating sa main hall kapag nilakad ko lang.

"We'll practice later, wear your P.E Uniform, miss." Nagulat ako ng biglang may magsalita sa likuran ko, si Seth pala. Tuloy tuloy lang siyang naglakad.

Okay, so tuturuan nga niya ako mamaya. Kaso reyna ako ng kamalasan, nakalimutan ko yung inhaler at lintek na insulin ko. Dami kong sakit 'no? Tsk. More than one is many.

"Seth pala ha." This time ay hindi na ako nagulat, si kuya naman ang nagsalita.

"Heh! May ikekwento ka pa sa akin!" Bulyaw ko sa kanya na siya namang ikinakunot noo niya lang.

"Ano?"

"Yung tungkol sa inyo ni Scherina." Bulong ko sa kanya.

"What?! How did you know that?!" Wow ha, gulat na gulat?

Birthstone Academy: School of RíogaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon