Chapter Eight

1.1K 178 23
                                    


"OMyGod! So ibig sabihin, inatake ka ng asthma mo tapos si President ang tumulong sayo?" Tanong agad ni Dannah sa akin.

Alas nuwebe na ng gabi pero andito pa rin kami sa may park, alas dyis naman ang curfew dito ye, meron pa kaming isang oras. Medyo marami pa ring mga estudyante na pagala gala, yung iba nga ata nasa mall nitong BA. Gusto ko rin sana pumunta doon, pero saka nalang, para akong tinatamad na ewan.

"Malamang. Siya naman ang may kasalanan kaya umatake nanaman asthma ko." Sabi ko naman.

Bwisit 'yon,  hindi talaga siya marunong mag sorry, parang walang pakealam.

Nga naman Leslie, ano nga namang pakealam niya sayo?

Ah basta! Buti nalang maski wala akong dalang inhaler ay nakaraos pa rin ako, in fairness ha.. Alam niya kung ano ang gagawin kapag ganong may inatake ng asthma. Sobrang hirap talaga akong huminga kanina, pagkatapos kasi no'n ay pumunta pa rin ako sa clinic.

"Pero tinulungan ka niya.. Kung alam mo lang kung ano talaga ang ugali niya. Kapag iba, baka hindi niya 'yon tinulungan." Aniya na ikinalaki ng mata ko.

"Seriously?! Kahit na malapit na talagang mamatay?!" Hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.

"I don't know? Pero knowing Mr. President Seth.. Wala talaga siyang pake sa iba." Sabi niya at nag kibit balikat pa.

Naawa lang siguro siya sa akin kaya niya ako tinulungan? Damn. He's a President! Tama lang na ganon ang gawin niya 'no.

"Baka ginawa niya lang 'yon dahil ako ang kapartner niya." Sabi ko naman, napatingin siya sa akin.

"Siguro? Hindi naman siya ganon sa dati niyang kapartner. At saka, hindi niya nga pinag tiyagaan na turuan ng archery 'yon e."

"Ah basta! Kapag namatay ako kanina, siya ang sisisihin ko." Sabi ko na ikinatawa niya.

"Baliw ka talaga, paano mo pa siya masisisi kung patay ka na?" Tumatawa tawa niyang sabi.

Ay ang tanga, Leslie.

"Edi mumultuhin ko siya!" Awkward ko nalang na sabi. Mas napatawa pa siya, mas baliw ata 'to e?

"Yeah yeah. Whatever you say, Leslie." Natatawa pa rin niyang sabi.

Expected ko talaga na hahayaan niya lang ako kanina. Kasi nga diba, inasar ko siya? Pero hindi e, tinulungan niya pa ako.

"OMyGod, Lesliiiie! Are you okay? Nalaman kong inatake ka daw ng asthma kanina?" Nagulat naman ako ng biglang may magsalita.

Si Scherina.

"Okay na ako ngayon." Nakangiti ko namang sagot sa kanya.

"Loko talaga 'yang si Seth! Sasabihin ko siya kila mommy." Aniya.

"No need, Scherina. Hindi naman niya alam." Nakayuko ko namang sabi sa kanya.

"Woah woah woah. Pero kanina sinabi mo lang na kapag nama--" Hindi na natuloy ni Dannah yung sasabihin niya dahil nilakihan ko na agad siya ng mata, takang tumingin tuloy sa amin si Scherina.

"By the way, kapag may ginawa o ginagawang masama sayo si Seth, don't hesitate to tell me." Sabi pa niya. Ngumiti at tumango lang naman ako sa kanya.

Buti pa 'to ay napakabait sa akin, samantalang yung kapatid niya ay saksakan ng sungit, napaka cold pa. Magkamukha nga sila pero magkaibang magkaiba naman yung ugali.

Nagpaalam na si Scherina dahil pinapabalik na daw siya ng kuya niya sa building niya. It's already 9:30 na rin naman kasi, thirty minutes nalang ay papapasukin na kami sa kanya kanya naming building.

Birthstone Academy: School of RíogaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon