Chapter Eleven

1.2K 165 39
                                    


Pagkatapos ng pangyayari na 'yon ay parang mas gumaan ang araw ko ngayon dahil wala na gaanong nakatingin sa akin. Ganon pala talaga nila sinusunod si Seth. Dapat ba akong maging kampante na o hindi? Baka mamaya ay may sumugod na sa akin.

They respect him. Kung hindi kaya siya gwapo ay magagawa pa rin nilang sundin siya?

What the? Did I jus called him 'handsome'? Tsk. Fine, gwapo naman talaga siya at hindi ko maitatanggi 'yon. Kamusta naman kaya ang ugali? Naalala ko yung ginawa niya sa akin nung nakaraang mga araw, bwisit.

"Hellooooooooooo!" Sa lakas ng boses niya ay kilala ko na kung sino, si Dannah.

"Maingay."

"Aba! Napakasungit. Meron ka ba ngayon?" Pang aasar niya pa, sinamaan ko lang siya ng tingin, nag peace sign naman ang loka.

"Tsk. Hindi pa rin kasi ako tapos sa mga reportings, gumagawa pa rin ako ng mga presentation." Naiinis kong sabi sa kanya habang patuloy na nag ta-type dito sa laptop.

Sabado ngayon pero imbis na makapasok na ako sa mall nitong BA ay eto ako, andito lang sa park at puro reportings pa rin ang pinoproblema at ginagawa. Ngayon sana ako mag ta-try na pumunta doon dahil nauubusan na rin ako ng stock sa kwarto ko, pero naalala kong may mga reports pa pala ako na kailangan gawin. Kainis kasi yung lalaking 'yon. Kung hindi siya presinta ng presinta sa pangalan ko ay hindi sana ganto!

Tumawa naman 'tong isa dito.

"Grabe bes, hanggang ngayon ba naman? Let's go shopping!" Pag aaya niya, mukha ngang may balak siya ngayon dahil naka bihis siya at naka sling bag pa.

"Madami pa 'to, ayaw ko namang magpuyat nanaman mamaya para tapusin 'to." Sabi ko habang hindi pa rin siya tinatapunan ng tingin, alam kong napairap nanaman siya.

"May bukas pa. 'wag mong abusuhin utak mo, hoy."

"Edi para wala na akong iisipin at gagawin bukas!" Sabi ko naman.

"Sige na, Leslie. Samahan mo na ako. Pleaaaaaaase. " Pagmamakaawa niya.

Aba, ano ba'ng nakain nitong isang 'to? Para siyang bata na nagmamakaawang bigyan ng candy.

"Dannah, kung gusto mo ikaw nalang. Sorry, bawi nalang ako next week."

"Pretty please."

This time ay napatingin na ako sa kanya. Pfft. Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako sa mukha niyang nagmamakaawa.

May naisip tuloy akong kalokohan na itanong.

"In one condition." Sabi ko. I smirked.

"A-Ano 'yon?"

"Sagutin mo muna 'tong itatanong ko. Yung totoo ha."

"S-Sige."

Lol. Halatang kinakabahan ang loka. Dapat talaga siyang kabahan dahil i-ho-hotseat ko siya ngayon.

"May lumapit kasi sa akin, his name is Nathaniel. Hinahanap ka niya sa akin nung time na may sakit ka. So.. my dear friend, what is his position in your life?" Tanong ko sa kanya.

Kita ko pa ang pagkagulat sa mukha niya dahil sa tanong ko pero mayamaya ay namula iyon. Hala. Kinilig na ata ang loka.

"He's my f-friend?"

"Patanong talaga?"

"He's my friend." Diretso niyang sabi na ikinatawa ko. Defensive.

"Ano nga? Ako lang naman 'to." Sabi ko pero pinipigilan ko pa rin talaga ang tumawa dahil sa mukha niya ngayon na parang hindi alam kung ano ang isasagot.

Birthstone Academy: School of RíogaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon