Chapter Twenty Five

967 132 49
                                    


Nagising ako ng sobrang hapdi ng mga mata ko. I can't sleep last night, thinking about what Sabrina said. Sobrang nakakagulo siya ng isip. Yes, I love him, and I don't want to let go. Pero ayaw ko rin namang mawala sa kanya lahat ng pinaghirapan niya. He is calling last night pero hindi ko muna siya pinapansin, alam ko rin na pumasok siya rito sa kwarto ko, nagkunwari lang ako na tulog para maiwasan muna siya. Kailangan kong mag isip ng mabuti.

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, ang hirap pala talagang mag desisyon lalo na kapag kailangan mong mamili. Kailangan kong i-sacrifice ang happiness ko para sa kanya. I know that he worked hard for that position and marami na rin siyang nagawa para sa Academy na 'to.

Wala na akong nagawa kundi ang bumangon at mag gayak na rin dahil may pasok pa kami ngayon. And I was so thankful dahil walang Seth na sumalubong sa akin ngayon paglabas ko ng hall namin, but I received his text massage.

From: Ethan

I'm so sorry about last night. And I'm so sorry for not picking you up today, we have an urgent meeting.. again. Don't ever think that you're not important to me dahil mas inuuna ko ang meeting kaysa sayo. You're always my priority, baby. This is for us. I didn't call you because I know that you will not answer it. Forgive me na, please? I'll do everything to make it up to you. Always take care, okay? I'll see you later. Please stop avoiding me, I don't want to lose you. See you later. I love you.

Oh damn, Dalmore. Please don't make this hard for me. I have my decision.. gusto ko ng sulitin 'to. Alam kong mali, pero kung saan man ang kahantungan nito, hindi pa rin mawawala na mahal ko pa rin siya.

Nang magkita kami ni Dannah ay kinawayan niya agad ako, I just smiled back. She's not with Nathaniel today, siguro ay kasama siya sa meeting. Pero bakit hindi nakiki meeting si Dannah?

"So how's your date with Seth last night? Umulan kagabi ah, malamig. Anong ginawa niyo? Nag stay lang ba kayo sa room mo? O baka sa room niya? Yiiiie." Kinikilig niyang tanong.

Halos masamid ako dahil sa tanong niya. I want to laugh but I remembered what happened last night, pati na rin yung mga sinabi ni Sabrina sa akin.

"Ba't hindi ka kasama sa meeting ngayon?" I asked, ignoring her question.

Napasimangot lang naman siya at napairap.

"Change topic." Aniya at umirap pa.
"Kasi naman po, pinapabantayan ka sa akin ni Mr. President." Sagot niya, napakunot noo naman ako do'n.

"For what? Hindi naman ako mawawala dito sa Academy." Sabi ko naman.

"I don't know. Ask your boyfriend kaya." Aniya. Napakibit balikat nalang ako.

Bakit kailangan niya pa akong pabantayan? I was about to enter our room pero bigla kong napansin si Sabrina na mukhang galing sa SBO room, hindi maganda ang timpla ng mukha niya at mukhang nag walk out. Nang makita niya ako ay mas lalong sumama ang timpla ng mukha niya, lumapit siya sa akin, ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang niya.

"What?" Tanong ko sa kanya.

"Alam na ng mga head and relasyon niyong dalawa!" She said that make me feel so nervous.

Parang gusto kong pumunta do'n pero hindi ko magawa, things will be more worst kapag ginawa ko 'yon.

"S-Si Seth?" Kinakabahan kong tanong.

"What would you expect? Malamang nagagalit na sa kanya ang mga head. His father will come here soon. Ngayon alam mo na kung anong gulo ang dinala mo. Anytime pwede siyang mapaalis sa pwesto, Leslie. Hahayaan mo lang ba talaga na mawala sa kanya laha--"

Birthstone Academy: School of RíogaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon