Chapter Thirty

1K 79 5
                                    

“Hayop ka!” I gritted my teeth when I saw her smirking while watching me here, nakatali ako sa isang upuan habang pilit kumakawala.

“Don’t you miss me my dear stepdaughter?” Aniya saka tumawa na parang demonyo.

Yes, she kidnapped me. Isa lang ang alam kong dahilan kaya niya ‘to ginawa, she want money. She’s standing in front of me while holding a gun. Andito kami sa isang abandonadong building, hindi ko alam kung saan banda ito pero sigurado akong tagong tago ‘to kung sakali.

“Ano na namang gusto mo, Liv?” I hissed.

I really can’t believe na magagawa niyo ‘to, I never know that she’s an evil. Napaka anghel ng mommy ko, samantalang siya ay ganito.

“Simple lang naman, money.”

As I said.





“How the fuck that she’s missing?!” Galit na galit na sigaw ni Luke.

Napatingin ako kay kuya Seth, kitang kita ko sa mga mata niya ang pinaghalong pag aalala at galit, naka kuyom lang ang mga kamao niya na parang anytime ay sasabog na rin siya.

“Check all the surveillance camera, now.” Madiin niyang utos kay Alec, isa sa Student’s Council.

Agad namang lumabas ng silid ang iba pang mga guard nitong academy para hanapin kung sino ang huling kasama ni ate Leslie bago siya makalabas ng campus. Nakita kong may tinawagan si kuya, siguro ay mga tauhan iyon ni daddy para tulungan kami sa paghahanap.

“Paano siya nakalabas ng ganon ganon lang?” Inis na tanong ni Luke.

Humahangos na pumasok si kuya Nathaniel, galing siya sa area ng mga guard, mga nagbabantay sa main gate.

“There’s some gate crashers, hindi sila tiga dito. Nagawa nilang pasukin ang academy gamit ang isang ID ng isang estudyante na tiga dito rin.”

“What? At sinong estudyante naman ‘yon?”

Lahat ng guards ay tulog at wala pa ring malay hanggang ngayon, malamang ay pinausukan sila ng pang patulog. Naiwang bukas ang main gate ng campus kaya tumunog ang mga emergency alarm dito.

Matalim ang mga mata ni kuya Seth nang tignan ko siya, na parang kilala niya agad ang tinutukoy na estudyante ni kuya Nathaniel.

“Sabrina.”




Nang umalis sa harapan ko si Liv ay nakita ko naman si Sab na prenteng nakaupo lang habang nakatingin sa akin na masayang masaya makita akong ganito.

“Like mother, like daughter nga naman. Parehas nakakaawa, gagawin talaga lahat para sa pera.” Kahit na natatakot ako ngayon ay nagawa ko pa rin mang asar, I should be brave.

Alam kong ngayon ay alam na nila kuya na nawawala ako, ilang oras na akong wala sa campus at halos mag a-alas onse na ng gabi.

“Shut up, bitch!”

Hinagis niya sa’kin ang paso na malapit sa kanya, bahagya akong ngumiwi nang tumama iyon sa tuhod ko. Kinagat ko ang labi ko nang makita kong dumudugo na iyon, at alam kong mamaya ay magkakapasa. Naiiyak ako sa hapdi pero pinipigilan ko lang.

Nahigit ko ang hininga ko nang itutok sa’kin ni Liv ang baril na hawak niya.

“Manahimik ka kung ayaw mong mauna ka pang mamatay sa tatay mo.”

“’wag na ‘wag mo idadamay si daddy dito, he loves you for pete’s sake!”

Doon na tumulo ng tuluyan ang luha ko, nag aalala ako kay daddy. Wala siyang ibang kasama doon, hindi ko rin alam kung nakalabas na ng campus sila kuya.

Birthstone Academy: School of RíogaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon