Chapter Nine

1.1K 161 42
                                    


"Sasama ka sa akin mamaya." Sabi ni kuya.

Alas otso ng umaga nang ipatawag niya ako. Life saver ko talaga si kuya Luke kahit kailan, kung kailan kasi ako na ang mag re-report ay bigla niya akong pina excuse kaya yung kasunod ko na ang nag re-report ngayon.

"Bakit nanaman?"

"We'll be having lunch together." Aniya.

Aba. Himala, dati kasi ay ayaw niya akong sabayang mag lunch dahil hindi pa alam nung iba na magkapatid kaming dalawa.

"Are you sure, kuya?" Naninigurado kong tanong sa kanya habang tinataasan pa siya ng kilay.

"Yeah." Aniya. Napatango nalang ako.

"So.. Ano na yung sa inyo ni Scherina?" Nang aasar kong tanong sa kanya. Huh.

"Leslie.." He said using a warning tone. Ayan nanaman siya, baka sungitan nanaman lang niya ako.

"Okay okay. Imma shut up na." Natatawa ko pa ring sabi pero inirapan niya lang ako. Pfft.

"E kayo ni Seth?" Tanong niya.

Napahinto ako na siya namang ikinatawa niya. Bwisit. Nagbabawian lang kaming dalawa e.

"Wala namang kami." Sabi ko na ikinagulat ko agad kaya napatakip ako sa bibig ko.

"Wala naman akong sinabi." Tawa siya ng tawa habang sinasabi 'yon.

Anong nakakatawa? Ano na ba ang nangyayari sa kuya ko? Nababaliw na ata. At saka, bakit niya ba ako inaasar kay Seth? We're just partners lang naman. Sila nga ni Scherina partner rin e, ang ipinagtataka ko lang ay bakit hindi sila ang magkapartner noong Archery Game?

"Why so bully, kuya?"

"'cause I love you my li'l sis." Aniya na tila ba nakakauto, inirapan ko lang naman siya. Tuktukan ko na 'to e.

Yung mga tingin sa akin nung ibang estudyante ay parang balak na nila akong lamunin dahil sa sama ng tingin nila. Hayst. Hindi nila alam e kuya ko 'to! They're getting into my nerves rin ha.

"Una na ako, may klase pa ako e. See you later." Pagpapaalam ni kuya Luke at hinalikan ako sa ulo, rinig ko pa ang mga iba't ibang react nung mga estudyante, mga malisyosa.

Hindi ba nila mahalata na magkamukha kami ni kuya Luke?! Mukha nga kaming kambal e, kung hindi lang siya mas matanda ng isang taon sa akin. Carbon copy niya kaya ako, I'm his female version.

Pagkatapos no'n ay dumiretso na muna ako sa park dahil vacant time naman namin ngayon. Nakakalungkot lang dahil wala si Dannah ngayon, sinasakit. Pinadalhan ko nalang siya ng gamot dahil hindi naman ako makapunta sa kanya, una sa lahat ay bawal pumasok ang ibang sezione doon sa building nila, at saka may pasok pati ngayon.

"Tignan mo nga naman, andito yung malandi." Napatingin ako gawing kanan ng biglang magsalito.

What the f? Malandi?

"Ano nanamang problema mo, Sabrina?" Sabi ko at tumayo na.

"Nilalandi mo si Seth!" Galit niyang sabi, namumula na siya habang sinasabi 'yon.

Ano namaman ang ikinapuputok ng butsi nito? Pwede bang kahit isang araw lang, 'wag kaming magkita, nakakairita na rin e. Hirap magpigil ng inis.

"Wala akong nilalandi." Walang emosyon kong sabi habang nakatingin lang sa kanya, mas lalo namang naging matapang ang mukha niya dahil doon.

"Anong wala? Ang dami kong naririnig na mga sabi sabi na nanggaling nanaman daw kagabi si Seth sa kwarto mo, at madaling araw pa ha. Kalandian mo rin e, 'no?" Naiinis niyang sabi.

Birthstone Academy: School of RíogaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon