Chapter Twenty One

1K 139 16
                                    


Pang ilang beses ko na bang nagising na kasama ko si Seth? Pangatlong beses ko na ata 'to. Paano ko nalaman? Andito yung jacket niya, plus naaamoy ko pa yung pabango niya and nag iwan pa siya ng note na lalabas lang daw siya saglit. Wala naman akong sariling kitchen dito, hindi kagaya niya, ako kailangan ko pang pumunta sa Dining Hall ng building namin para makakain.

Napahawak ako sa ulo ko ng maramdaman ko ang matinding pagkirot nito. Wala akong masyadong matandaan sa nangyari kagabi, basta ang alam ko lang nagpunta kami sa bar, kasama ko si Dannah. Sobrang sakit ng ulo ko na parang bininiyak ito. It's not my first time pero mukhang nasobrahan ko ng inom kagabi.

"'yan ang napapala ng hindi marunong magpaalam." Napaangat ang tingin ko sa nagsalita na kagagaling lang sa labas, may dala tray na may lamang breakfast at tig isang basong tubig at gatas.

Si Seth. Hindi nalang ako umimik at pinanood nalang siya na nilalagay yung tray sa katabing table nitong kama ko.

"Eat up then drink your milk." He said. Para tuloy akong bata.

Kinuha ko yung sliced bread saka kumagat doon, kinuha ko rin yung gatas para uminom.

"Ba't hindi ka nagpaalam kagabi?" Tanong niya. Hindi naman gaanong nakakatakot yung boses niya pero alam kong medyo galit siya ngayon.

"B-Because I know that you're busy." Sagot ko.

I heard him sighed.

"Next time, tell me if you're going to somewhere, with or without me. And please, don't ever drink again. You have no idea how turn on I am last night."

Goodness gracious, may ginawa ba akong kahihiyan kagabi?

"Did I make any trouble?" I asked. Umiling siya tapos tumango.

"Anong ginawa ko?" Tanong ko ulit. Tumabi naman siya sa akin.

Sinabi niya mula nung pinuntahan niya kami sa bar hanggang sa makarating kami dito sa kwarto ko. Napapikit nalang ako habang nag ke-kwento siya. Muntikan akong mag hubad ng buo sa harapan niya? Damn it, Leslie, what the hell did you do?

I'm so doomed.

"Pinagtripan mo ba ako kagabi?" Tanong ko sa kanya.

"Of course not, even though I want to kiss you breathless last night, I didn't 'cause I respect you." Sabi niya. Napalunok naman ako dahil do'n.

I know that, nagtanong lang naman ako. Hindi naman sa ganon yung tinatanong ko.. malay ko ba kung anong mga itinanong niya sa akin kagabi habang lasing ako.

"Thank you sa pagsama sa akin kagabi." I smiled. Ngumiti rin siya sa akin, he tap my head.

"You're always welcome, babe." Sabi niya bago tumayo.

"I'm going to take a bath." Paalam niya kaya tumango naman ako.

Nagulat ako ng dumiretso siya sa comfort room ko dito sa kwarto, akala ko'y babalik na siya sa building nila. May damit ba siya dito? O baka kumuha na siya sa room niya kanina habang tulog pa ako.

It's already 6:30, tama lang. Second day ng foundation day namin ngayon, ayos lang kahit anong oras pumasok. I get his phone and I opened it, napangiti ako ng makita kong ako yung wallpaper niya habang natutulog. I thought he's not a romantic type of man, but he's turning into one.

Ilang minuto rin ang itinagal niya sa CR bago siya lumabas. He's rubbing his hair using my towel?! Like what? He used my towel that is color pink. Argh, how I love this man.

"Ganon ba talaga yung shampoo mo?" He asked. Napakunot noo naman ako.

"Bakit?"

"It's cold on the head, and It is very scented." He said.

Birthstone Academy: School of RíogaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon