_YOU POV's_
Lumipas ang tatlong linggo na nandito lang ako sa bahay walang trabaho kaya sobra nakung nahihiya kay Kaye. Pero kahit papano naman may pera ko kaya bumibili din ako ng kailangan namen. Aalis ako ngayon para maghanap ng trabaho.
Simula nung mangyari yun hindi kuna nakita ang BTS bago sila umalis nung isang araw dahil daw magsisimula na ang mga LiveShow nila para sa comeback nila. Hinanap nila ko kay Kaye pero dahil sa alam ni Kaye na ayaw kung magpakita sinabi niya nalang na naghahanap akung trabaho kahit ang totoo niyan nasa bahay lang ako. Nung nandun pa sila sa kabilang apartment lage silang pumupunta dito kaya nasa kwarto lang ako palage. Marame akung gustong malaman sa mga nangyari pero siguro hindi pa ito ang tamang oras para dun.Nasa isang mall ako ngayon nagbabakasaling may makita akong hiring na work dito. Pumasok muna ko sa starbucks para bumili ng coffee dahil wala pang laman ang tiyan ko dipa ko nag aalmusal maaga akung umalis sa apartment kaya tulog pa si Kaye dahil day off niya ngayon. At nagpapasalamat parin ako kay Jungkook dahil napakiusapan niya si granny na doon muna ko sa apartment nila hangga't wala pa kung trabaho o matirhan sinabi sakin ni Kaye na ginawa daw ni Jungkook yun para saken. Gusto ko man siya pasalamatan ng personal diko nagawa dahil ayaw kung magpakita sakanila..
"OUCH!! ARAY KO NAMAN ANG INIT!!"
Nagulat ako dahil may nabangga ako at ang masama padun natapunan ko siya ng Coffee.
YOU : Omy! I'm sorry po. Sorry po.
"No it's okey hindi rin kase ako tumitingin sa dinadaanan ko"
YOU : Sorry talaga natapunan kupa po kayo ng Coffee ang dumi napo ng damit niya.
"May pampalit naman ako ayos lang yun..? Mukhang pilipina ka"
YOU: Opo kayo din po ba?
"Yes. Hmm wait lang punta muna ko sa restroom need ko na magpalit ang lagkit e. Kung okey lang sayo pwede pahintay ako"
YOU : Sige po hintayin ko nalang kau dito..
Pumasok na siya sa loob ng restroom. Maganda siya at mukhang mabait. Kung tanungin ko kaya siya kung may alam siyang work sa suot niya kase mukhang papunta siya sa meeting or work.
Makalipas lang ang sampung minuto dumating na siya.
"Okey na. Tara coffee tayo mukha kaseng dimo pa naiinom yung Coffee mo natapon lang lahat.."
YOU: S-sige
Siya nalang daw ang bibili ng Coffee kaya naman umupo nalang ako sa lamesa na nasa labas ng Starbucks dumating naman siya agad na may hawak na tray na may Coffee and Bread..
"Kailan kapa dito sa korea?"
YOU : Mag aapat na linggo palang ako.
"Anong trabaho mo? Agency ba ang tumulong sayo para makapagtrabaho dito?"
YOU : A-ahh hindi yung tita ng kaibigan ko yung tumulong sakin.
"Ganun ba san ka nagtratrabaho? "
YOU : ta-tatlong linggo nakung walang trabaho dahil natanggal ako.
"W-what. Waeyo? Sa anung dahilan?"
Ikinuwento ko sakanya ang nagyari pero hindi ko binanggit isa man sa BTS dahil alam ko naman na baka hindi rin siya maniwala.. Kaya naman nagbanggit nalang ako ng ibang pangalan ..
"Ayy grabe naman pala. Pano ka niyan san ka nakatira?"
YOU : Nandun parin ako sa apartment ni granny napakiusapan kase ng apo niya pero nahihiya nadin ako kaya naghahanap talaga ako ng trabaho para makaalis nadun.
BINABASA MO ANG
LOVE and SACRIFICE STORY
Teen FictionIsa kang fangirl na adik sa kpop group lalo na sa bts pangarap mong makita sila ng personal at pangarap mong makapagtrabaho sa korea para sa pamilya mo. Pero pano nga ba mababago ang buhay mo sa oras na makapunta kana ng korea. Magiging magulo ba an...