_KIM TAE HYUNG POVs_"Sobrang kalasingan mo muntik kana pag fiestahan sa internet. Pag nagkataon na wala ako dun baka kumalat na ang litrato mo sa internet! Ano ba kaseng problema mo bakit uminom ka ng ganun kadame! "
"Malambot ang labi, masarap sa pakiramdam ang paghalik niya at namimiss ko ang halik niya! Wtf! Ano bang iniisip ko nababaliw na ata ako! Haist!"
Unti unti kong minulat ang mga mata ko. Dahil sa biglang sumagi sa isip ko ang sinabi nayun ni (yourname) kagabe.
Kahit na lasing ako alam ko ang ginawa ko. Kahit na lasing ako dinig ko ang mga sinabi niya.
Naalala ko ang ginawa kong paghalik sakanya na hindi ko inaakalang aabot ako sa ganun. Alam kong nabigla siya sa ginawa ko. Alam kong mali pero hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko. At bigla ko din naalala ang sinabi ko sakanya bago ako tuluyan makatulog.
"Akin kana lang ulit.. Please."
Bigla nalang lumabas sa bibig ko ang salitang yun diko alam kong dulot rin ba ng kalasingan ko yun.
At bakit na sa bar siya kagabe sa bar kung nasan din ako nagkataon lang ba yun. Pero nagkataon man o hindi malaki ang pasasalamat ko sakanya dahil nandun siya kung wala siya dun sigurado akong kalat na ang litrato ko sa social media pag nagkataon lagot ako at magiging malaking issue yun.
Hinalikan ko siya kagabe dahil sa narinig kong sinabi niya at dahil din gusto ko. Nakakamiss..
Bahagya akong napaningiti sa naiisip ko pero inalis kodin agad yun baka bigla siyang mailang saken dahil sa nangyari kagabe siguro dapat ay magpanggap nalang muna ko na walang maalala sa nangyari para hindi siya mailang saken.
TAMA! Magpapanggap ako na walang alam sa lahat ng nangyari kagabe.
Umupo ako mula sa pagkakahiga sa sofa at sinabunutan ang sarili kong buhok sobrang sakit ng ulo ko!
V: Shit!
Ang sakit! Tumayo ako at dumeretso sa banyo na katabi lang ng kusina nila. Kailangan kong maligo para kahit papano mabawasan ang sakit ng ulo ko.
****
_YOU POVs_
Nagising ako sa sinag ng araw na nasa mukha ko na tumagos sa bintana ng kwarto ko. Kinapa ko ang cellphone ko na nasa desk na katabi ng kama ko tinignan ko ang oras 10am na pala.
YOY: Grabe napasarap ang tulog ko.
Nakangiti akong bumangon at kinuha ang towel ko para maligo. Papasok nako ng banyo ng may biglang sumagi sa isip ko.
"Akin kana lang ulit.. Please. "
>>>⭕_⭕<<<
Shocks! Si V nasa baba nga pala siya! Nabitawan ko ang towel na hawak ko at dali daling lumabas ng kwarto ko at bumaba agad ko siyang tinignan sa sofa kung san siya natulog kagabe.
WALA SIYA!
Hindi pwede to! Kailangan ko siyang makausap! Kailangan kong sabihin sakanya na wag niyang ipaalam na dito siya natulog!
YOU: Nasan kanaba! Dika pwedeng umuwi! Bakit ba kase napasarap ang tulog ko! Bakit ba kase hindi ako nagising ng maaga!
Para akong tanga na nagsasalita mag isa. Napahilamos ako sa mukha ko at tumingin sa may bandang kusina.
>>>⭕_⭕<<<
Si Taehyung kakalabas lang niya ng banyo at ang nakakagulat padun naka boxer lang siya. Wala siyang suot na pang itaas pinupunasan niya ng towel ang basa niyang buhok habang nakayuko ang ulo. Bigla nalang akong napatingin sa katawan niya.
BINABASA MO ANG
LOVE and SACRIFICE STORY
Teen FictionIsa kang fangirl na adik sa kpop group lalo na sa bts pangarap mong makita sila ng personal at pangarap mong makapagtrabaho sa korea para sa pamilya mo. Pero pano nga ba mababago ang buhay mo sa oras na makapunta kana ng korea. Magiging magulo ba an...