_PARK JIMIN_
Nasundo ko na si (yourname) nakasakay na kame ngayon dito sa kotse at halos isang oras na kameng nasa biyahe. Hinintay muna ako ni Jungkook kanina bago siya umalis. Hindi ko alam kung bakit pinabalik na silang lahat ano kaya ang mahalagang sasabihin ni manager siguro naman ay sasabihin din niya saken yun pag nakabalik nakame ni (yourname) doon.
Kanina pa kame nasa biyahe pero hanggang ngayon wala pa ring nagsasalita samen kahit nung sunduin ko siya ay hindi kame nag usap. Dalawang oras din kameng bumiyahe bago makarating dito saamen pinark ko ang kotse sa labas ng bahay at lumabas na para pag buksan si ( yourname ) pero hindi pa man ako na nakalapit sa may pinto ng kotse ay binuksan na niya ito at mabilis na bumaba.
YOU: Nandito na ba tayo?
JIMIN: Oo tara na sa loob.
Naglakad nako at ramdam ko ang pagsunod niya. Binuksan ko ang pinto at niyaya siyang pumasok sa loob. Sinalubong kame ni eomma.
_YOU POV's_
Pumasok kame sa bahay nila at sinalubong kame ng may edad ng babae pero maganda parin kung hindi ako nagkakamali ito ang mama niya.
EOMMA: Andito na pala kayo. Tara sa kusina nag handa ako ng makakain niyo.
Lumapit siya saken at binati ako.
EOMMA: Annyeonghaseyo.
YOU: Annyeong po.
Nag bow ako at binati siya. Ngumiti siya saken kaya nginitian ko din siya. Ang ganda niya.
EOMMA: Ikaw ba yung P.A nila?
YOU: Opo.
Ngumiti mo na siya saken bago tumingin kay Jimin.
EOMMA: She's very beautiful.
JIMIN: Tsk!
⭕_⭕ ( your reaction )
Tama ba yung narinig ko ma-maganda daw ako.
EOMMA: Why jimin maganda naman talaga siya. Tara na kumain na kayo.
Hindi na nagsalita si jimin sumunod nalang kame sa mama niya papunta sa kusina para kumain. Nakakahiya.
JIMIN: Where's Appa and Ji Hyun?
EOMMA: Nasa labas ang kapatid mo pero ang papa mo bukas pa ang uwi niya dahil may aasikasuhin siya. Umupo na kayo at kumain.
JIMIN: Ganun po ba.
Nagsimula nakameng kumain at tulad ng kanila Jungkook sobrang sarap din ng pagkain kaya ang dami kong nakain.
YOU: Ang sarap niyo pong magluto.
EOMMA: Kamsa~ pinaluto talaga ni Jimin yang mga yan dahil sayo.
JIMIN: Eomma!
EOMMA: Waeyo? Bago ka umalis para sunduin siya diba sinabi mo saken na iluto ang mga to para sakanya.
JIMIN: Tsk
Hindi na muling nag salita ang mama ni Jimin pero nakangiti lang ito habang palipat lipat ng tingin samen ni Jimin nahihiya tuloy ako. Mabilis kameng natapos sa pagkain pagtapos namen kumain niyaya ako ni Jimin sa Veranda nila para sagutan na ang mga tanong na kailangan sagutin. Sumunod ako sakanya umupo ako sa isang maliit na upuan at ipinatong ang laptop sa maliit na lamesa sa harap ko umupo naman sa tabi ko si Jimin.
BINABASA MO ANG
LOVE and SACRIFICE STORY
Teen FictionIsa kang fangirl na adik sa kpop group lalo na sa bts pangarap mong makita sila ng personal at pangarap mong makapagtrabaho sa korea para sa pamilya mo. Pero pano nga ba mababago ang buhay mo sa oras na makapunta kana ng korea. Magiging magulo ba an...