_PARK JIMIN POV's_
Maaga akong nagising dahil maaga kameng aalis ngayon pabalik sa bighit. Naligo ako at inaayos ang mga gamit ko tinignan ko ang oras sa phone ko 6:48 am. Baka tulog pa si ( yourname ).
Lumabas ako sa kwarto at dumeretso sa kwarto ko kung nasan si ( yourname ) kumakatok ako pero walang nagbubukas.
JIMIN: ( yourname )? ( yourname )? gising kanaba? papasok nako ah?
Binuksan ko ang pinto at tinignan ang kama pero wala siya doon pati sa cr ay wala siya. Nasan yun? Lumabas ako at pumunta sa kusina naabutan ko si eomma na nagluluto.
JIMIN: Goodmorning eomma.
Tumingin siya saken at binati din ako.
EOMMA: Goodmorning.
Lumapit ako at humalik sa pisngi niya.
JIMIN: Eomma nakita niyo ba si ( yourname ) wala kase siya sa kwarto ko.
EOMMA: Ne. Maaga siyang nagising kasama niya si ang kapatid mo sabi nila ay mamamasyal daw sila sa tabi ng dagat.
JIMIN: Bakit hindi ako ginising ni jihyun Loko talaga yun.
EOMMA:Hayaan mo na. Sabik na sabik makausap si ( yourname).
JIMIN: Tsk. Sige po susundan ko lang po sila para makakain na aalis na po kase kame ni ( yourname ) ngayon.
EOMMA: Hah? ang bilis naman ata.
JIMIN: Pinababalik napo kame ni manager.
EOMMA: Ganun ba
Lumungkot si eomma dahil sa sinabi ko kaya naman niyakap ko siya.
JIMIN: Babalik po ako dito pag hindi na kame masyadong busy.
EOMMA: Promise mo yan ah.
JIMIN: Opo.
EOMMA: Sige na puntahan mo na yung dalawa para makakain natayo.
JIMIN: Sige po.
Iniwan ko na si eomma sa kusina. Pumasok muna ko sa kwarto ni jihyun at kinuha ang jacket at mask ko. Pag tapos nun lumabas nako at naglakad na papunta sa beach. Nang makarating na ko napangiti ako dahil nakita ko nanaman ang dagat nato ang sarap ng simoy ng hangin. Naglakad lakad lang ako hanggang sa may matanaw akong dalawang tao na nakaupo habang nakaharap sa dagat. At alam ko kung sino sila si ( yourname ) at si jihyun.
Lumapit ako pero hindi nila ko napapansin. Pumuwesto ako sa likod nila pero sa sobrang busy nila sa pag uusap hindi ata nila ako napansin.
JIHYUN: Madalas kame ni hyung dito kasama si eomma at appa namimiss ko na ang mga ginagawa namen dati.
YOU: Bakit hindi niyo naba ginagawa ngayon yun.
Yumuko si Jihyun at nilaro ang buhangin na nasa harap niya.
JIHYUN: Hindi na. Dahil simula nung maging member si Hyung ng bts limitado na ang bawat kilos niya lage nalang siyang busy.
YOU: Madalas man busy ang kuya mo hindi parin kayo nawawala sa isip niya. Mabait ang kuya mo nagtratrabaho siya dahil sainyo.
JIHYUN: Alam ko naman yun eh. Hindi lang talaga mawala sa isip ko na hindi nanamen nagagawa yung dati.
Nakatitig ako sa likod ni jihyun dahil nalulungkot ako sa sinabi niya. Tama siya hindi nanamen nagagawa ang dating masasayang ginagawa namen mula nang pumasok ako sa bighit nawalan nako ng time sakanila.
BINABASA MO ANG
LOVE and SACRIFICE STORY
Teen FictionIsa kang fangirl na adik sa kpop group lalo na sa bts pangarap mong makita sila ng personal at pangarap mong makapagtrabaho sa korea para sa pamilya mo. Pero pano nga ba mababago ang buhay mo sa oras na makapunta kana ng korea. Magiging magulo ba an...