CHAPTER TWENTY FIVE ( 25 )

164 8 2
                                    

_YOU POV's_

AFTER 2 MONTHS..

Sa nakalipas na dalawang buwan si Jimin ang tanging naging sandalan ko. Tinupad niya ang sinabi niyang hindi niya ko iiwan. Sa dalawang buwan na nakalipas hindi madali ang pinagdaanan ko dahil halos gabi gabi akong umiiyak minsan pa nga absent ako sa trabaho buti nalang gumagawa ng paraan si Eonnie. Sa dalawang buwan na nakalipas nayun araw araw ko silang nakikita araw araw ko silang nakikitang masaya habang ako tinitiis ang sakit na nararamdaman ko. Hindi nag bago ang pakikitungo nila Jimin,Jhope,Jungkook,Hyung Jin,Hyung RM,Suga at Eonnie sa katanuyan nga mas naging malalapit pako sakanila. Sumasaya ako pag kasama ko sila pero pag nag iisa na lang ako hindi ko na mapigilan ang hindi umiyak.

Si Kaye kasama parin namen siya dito sa apartment mag uusap lang kame kung tungkol sa trabaho minsan nga kahit kinakausap niya ko ay hindi ako sumasagot kaya si eonnie nalang ang kumakausap sakanya sa tuwing kakain hindi ako sumasabay sakanila. At kay V katulad ng kay Kaye mag uusap lang kame kung tungkol ito sa trabaho.

Hindi ako umiiwas nilulugar ko lang ang sarili ko sa tama. Dahil hanggang ngayon hindi ko parin alam ang dahilan kung bakit nila ginawa saken yun.

Sobrang sakit parin sa tuwing naiisip ko na ang dalawang importante sa buhay ko ay niloko ako.

Pero sa dalawang buwan na lumipas naging matatag ako dahil yun sa tulong ni Jimin nawala ang pagkaiyakin ko dahil lage niya kong pinasasaya. Bilib ako sakanya dahil nagtyaga siya saken hinayaan niya kong iyakan siya at hinayaan niya kong sabihin ng paulit ulit sakanya na mahal ko si V pero wala akong narinig na reklamo sakanya kahit na nasasaktan na siya.

Sa dalawang buwan na lumipas unti unti kung narerealize na maswerte ako dahil may Jimin na nagmamahal saken. Maswerte ako sakanya pero naguguilty ako dahil hindi ko masuklian ang pagmamahal na pinararamdam niya saken dahil sa nakalipas na dalawang buwan si V parin ang mahal ko.

Si V na sinaktan ako ng sobra.

Pero siguro heto na ang tamang oras para kalimutan ang nararamdaman ko kay V. Siguro heto na ang tamang oras para buksan ang puso ko para kay Jimin.

NONNA: Masyado atang malalim ang iniisip mo.

Napatingin ako kay eonnie nandito kame ngayon sa apartment nakabihis na siya may lakad siya ngayon kasama si Hyung RM,Hyung Jin,Jungkook,Jhope at Jimin pinapupunta sila ni manager sa bighit si V,Suga at kaye nasa apartment nila ngayon madalas na nandun si Kaye dahil nga kay V.

NONNA: Aalis nako. Heto nga pala paki daan sa apartment nila iabot mo kay V kailangan niya kaseng pirmahan yan nakalimutan kong ipadala kay Kaye dederetso nakase ako sa bighit. No choice lang talaga please.

Inabot ko ang isang envelope at nilapag sa my sofa.

YOU: Sige.

Ngumiti siya saken bago lumabas ng bahay. Alam kong ayaw saken iutos ni eonnie to pero no choice lang talaga siya dahil wala si kaye. Umakyat nako at naligo pagtapos kong maligo naghanap ako nang masusuot white shirt,jeans,and shoes lang ang sinuot ko nag ayos lang ako ng konti bago bumaba. Kinuha ko ang envelope na para kay V saka lumabas ng bahay. Hindi nako nahirapan sa pagsakay ng taxi dahil paglabas ko meron agad. Makalipas lang ang kalahating oras ay nasa harap nako ng condo nila umakyat ako at kumatok.

TOK..

TOK..

TOK..

TOK..

Bumukas ang pinto. Si kaye.

KAYE: (yourname)?

Hindi na niya ko tinawag na bes dahil alam niyang hindi kayang tanggapin ng tenga ko yun.

LOVE and SACRIFICE STORY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon