_YOU POVs_
Kararating palang namen sa kwarto namen dito sa hotel ng tawagin ako ni kaye.
KAYE: (yourname)?
YOU: Oh.
KAYE: Pwede mo ba akong samahan may pinabibili kase si manager busy kase ung mga staff ikaw nalang naisip ko medyo marame kase ang pinabibili ni manager .
YOU: Sige magpapalit lang ako.
Nakakapagtaka dahil diko akalaing kakausapin niya ko. Kumuha lang ako ng shirt at pants saka ako nagpalit. Lumabas din agad ako nandun parin si kaye kung san ko siya iniwan.
YOU: Magpaalam muna tayo kay eonnie.
KAYE: Nakapag paalam nako.
YOU: Ganun ba kung ganun tara na.
Tumango lang siya saken at sinundan kolang siya hanggang sa makalabas kame. Halos dikame mag usap sumakay kame sa taxi at may binanggit siyang lugar halos isang oras din ang nakalipas bago kame makarating sa pupuntahan namen.
YOU: Malayo na tayo sa hotel na tinutuluyan naten kung di ako nagkakamali.
Di niya ko sinagot dumeretso siya sa mga bilihan parang isang tyangge nagkalat ang sari saring bilihin may mga accessories, damit, at ibat ibang pagkain. Kung may oras lang akong mamili ng ganito ay ginawa kona. Tinignan ko si kaye na palinga linga din sa mga bilihin.
Ano kaya ang pinabibili sakanya ni manager.
KAYE: Ah (yourname) okey lang ba sau na magkita nalang tayo dito mamaya maghati tau sa bibilhin para matapos agad tayo. Tatawag ako sau o tumawag ka saken pag tapos kana mamili.
YOU: Hindi ko kabisado ang lugar na ito.
KAYE: Parehas lang naman tayo. Di naman tayo maliligaw dito wag ka mag alala tatawagan agad kita bibilisan ko ang pamimili.
Wala nakong nagawa nung may inabot siya sakeng papel tinignan ko ito. Listahan ng ipapamimili ko.
KAYE: Magkita tayo dito okey wag ka masyado lalayo tatawag agad ako.
YOU: Sige ingat ka.
Umalis na siya tinignan kopa siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko tumingin ako sa paligid at nagsimulang maglakad para hanapin ang mga bibilhin.
Pagabi na pero wala padin akong nabibili naisipan kong tawagan si kaye.
YOU: Patay na! Naiwan ko ang phone ko at wala pala akong dalang pera.
Shit!
Wala akong choices kung di hanapin si kaye. Napayakap ako sa sarili ko ng biglang may bumagsak na malamig sa braso ko kaya napatingala ako.
Nagssnow.
Halos ikutin ko ang buong pamilihan pero diko mahanap si kaye. Madilim na at lalong lumalakas ang pag ulan ng yelo nagsasara nadin ang ibang tindahan gusto ko man umuwi wala akong pera at hindi ko alam kong pano bumalik sa hotel. Diko na alam kung saan ako pupunta.
Kaye nasan kanaba kase!
Tatlong oras nakong pa ikot ikot at sobrang nilalamig nako naghanap ako nang masisilungan buti nalang may nakita akong waiting shed kaya sumilong agad ako. Gusto ko man sa mga convenient store kaso wala ng bukas lahat sarado na dahil sa lakas ng storm. May mga sasakyan na mga natakpan na ng yelo at halos wala nakong makitang tao na naglalakad. Napaupo nalang ako at niyakap ang tuhod ko sa sobrang lamig.
BINABASA MO ANG
LOVE and SACRIFICE STORY
Teen FictionIsa kang fangirl na adik sa kpop group lalo na sa bts pangarap mong makita sila ng personal at pangarap mong makapagtrabaho sa korea para sa pamilya mo. Pero pano nga ba mababago ang buhay mo sa oras na makapunta kana ng korea. Magiging magulo ba an...