Kabanata 4Move-on
Putspahamnida! Ang sakit pala talaga. Ayoko na talaga. Nag-stay lang ako dito sa kwarto ko at nagmumukmok. Ang sama niya sa akin.
Yakap-yakap ko ang aking unan nang tumunog ang aking cellphone.
Calling Insan Gardner...
Accept Decline
"Insan!" Bungad na tawag ni Gardner sa akin.
"Napatawag ka." Bored na sagot ko.
"Nabalitaan ko yung nangyari. Kumusta ka insan?" Bakas sa boses niya ang pag-aalala.
"Ayos lang ako." Pilit na tawang sagot ko.
"Punta ka sa bahay, we'll wait for you." Sabi niya and he hang up the call. Anong meron?
Naligo ako at nag-ayos. Nag pony tail lang ako. White shirt, naka jumper at sneakers.
"Ma, punta lang ako sa bahay nila Gardner." Paalam ko kay mama nang makita ko siya sa baba.
"Sige but make sure maaga kang umuwi ha. Before 11 nandito na. Magpahatid ka kay Manong Predo." Sabi ni mama at nanood na uli ng TV.
"I will po." Sabi ko at tuluyan ng umalis.
Nagpahatid na ako kay Manong Predo at inutusang bumalik na siya sa bahay. Pagkadating ko doon ay ang daming sasakyan. Don't tell me nagpaparty siya?
"Nandito ka na pala, insan." Sinalubong niya ako.
"Hindi ako inform na may party pala." Sabi ko na tatawa-tawa. Tumawa rin si Gardner.
"Wala namang party, konti lang ang tao sa loob. Tara pasok ka na." Sabi niya at gumawi na kami sa loob.
Kaonti lang naman pala talaga ang tao. Mas maraming lalaki kaysa babae.
"What's up guys! May ipapakilala pala ako sa inyo." Sabi niya at pumalakpak. Nagsilingon sila.
"Si Sel nga pala, pinsan ko." Pagpapakilala niya sa akin. Ngumiti na lang ako.
"Ako nga pala si Jack Efron, short for Efronzo." Sabi noong isang lalaki na hindi masyadong katangkaran. Mas matangkad pa din si Aki rito.
"Hello, I'm Sel." Pagpapakilala ko.
"Kumusta si Sel? Is she alright? Gosh!" Nagkukumahog na ni niyakap ako ni Sam. Nagulat ako sa inasta niya.
"Bakit ka nandito?" Tanong ko matapos ng isang yakap.
"Gardner called me that you're sick." Sabi ni Sam. Tinignan ko ang gawi ni Gardner. Something fishy. Hindi lang ito umimik at kinausap ang babaeng katabi niya.
"Are you?" Tanong ni Sam sa akin.
"Ah ye-yeah but I'm fine now." Pagsisinungaling ko.
"Girls, drinks?" Inabutan kami ni Jack ng juice.
"Oh thanks." sabi ko at kinuha ang baso. Ganoon din ang ginawa ni Sam, ngumiwi siya ng makita ang laman.
"I don't like orange juice. I prefer pineapple, excuse me." Sabi ni Sam at umalis. Naiwan kami ni Jack sa upuan.
"How are you?" Tanong niya nang tuluyan ng makaalis si Sam.
"I'm doing good." Sabi ko at ininom ang juice.
"Really? I heard you're not. What happen a while ago?" Tinumbok niya ang usapang ayaw ko.
"Can we just not talk about it?" I honestly said. Uncomfortable kasi eh.
"Oh sure. I'm sorry about that." Paghingi niya ng dispensa.
"No, it's okay." Sabi ko. Nginitian ko siya upang siguraduhin na ayos lang. Ngumiti rin siya.
Biglang tumugtog ang kantang "I'll Be" One of my favorite song.
Nagulat ako ng maglahad si Jack ng kamay.
"Shall we dance?" malumanay na tanong niya.
Narinig kong nagkantyawan sila. Well, hindi naman ako KJ eh. Tinanggap ko ang kamay ni Jack at tumayo.
I'll be your crying shoulder
I'll be love's suicide
Naramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko. Pumikit ako. Ang ganda nung tugtog. Naramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko.
And I'll be better when I'm older
I'll be the greatest fan
of your life.
Kalagitnaan na ng kanta noong may pumasok. Si Aki lang pala. Sorry ka move-on muna ako ngayon. Sa ngayon at sa piling iyon ni Jack.
BINABASA MO ANG
Stay With Me (Victoria Girl's Series #1)
Romance" Stay. No matter how hard it is to be with me. I need you. Please, stay with me..." Si Seleucia Maria Valdemar ay isang tipikal na babae. Ordinaryo at may mabuting puso, galing sa isang mayaman na pamilya. Tulad ng iba ay mayroong mahal si Sel. Bat...