Kabanata 5
Walk-out
Nakipag high-five siya kay Gardner nang makarating siya dito.
"Akala ko ba may brainstorming tayo ngayon?" Nagtatakang tanong ni Aki. Tinapik lang siya sa balikat ni Gardner. "Easy pre, puro tayo aral eh." Natatawang sabi nito.
So, set up lang pala ang lahat ng ito? Loko talaga itong pinsan ko.
Bumitaw na ako kay Jack pagkatapos ng tugtog. Buong akala ko pa naman ay magseselos siya kapag nakita niya kami na magkasama. Pero hindi pala. Napagpasyahan ko na lang umupo sa may sofa. Dumating din si Sam na kagagaling lang sa kusina.
"What did I miss? Tumawag kasi si Tatiana." Umupo rin siya sa tabi ko.
"Juice?" Iniangat niya yung baso.
"No, thanks, hindi ko pa ito tapos." Sabi ko at ipinakita ang baso na binigay ni Jack kanina.
"You know what, umalis na pala si Tat. Nag migrate na pala sila sa abroad." Pinaglaruan niya ang baso sa mga kamay niya.
"Really?" Kumunot ang noo ko.
"How come she didn't tell me? Bakit daw?" Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya. Uminom muna ng kaonti si Sam bago ako muling sinagot.
"May trouble daw sa school. Nakaaway niya pala si Gretchen." Balewala niyang sagot.
"Eh diba yung mga Aquino yung may-ari ng school na iyon?" Pagtatanong ko. Nakapagtataka, kailan pa naging badass si Gretch? Naging kaklase ko iyong noong Grade 3 kami at hindi siya ganoon.
"Oo, kaya nga siya napaalis." Napatango na lang ako. Well, people change. Kailan kaya magiging feelings change? Para magbago naman yung kay Aki.
Speaking of Aki. Nagtatawanan sila ngayon. Shocks! Nag iinuman sila! Lumapit ako sa gawi nila.
"What the hell, Gardner! You drink?" Hinablot ko ang hawak ni Gardner na inumin. "Isusumbong kita kay tita kapag hindi ka tumigil." Pagbabanta ko at inilapag ang basong inagaw ko sa kaniya sa mesa. Tumawa lang ito. Nakita ko ang malalim na pagtitig sa akin ni Aki. Ginantihan ko rin yun. Pati rin siya ay umiinom. Turn off ako!
"Easy ka lang Sel. Nagkakasiyahan lang." Sabi ng pinsan ko na halatang nakainom na.
"Bahala kayo!"Sigaw ko at nag martsa para bumalik sa kinauupuan ko. Lagot kami nito kapag nalaman ito ni tita.
Sumalampak ako sa pagkakaupo. "Anong nangyayari, Sel?" Baling na tanong sa akin ni Sam.
"Ang bwesit na Gardner na yan. Sa oras na malaman ito ni tita hindi lang siya ang malalagot kundi ako rin." Iritang sagot ko. Ngumisi lang si Sam. Inirapan ko lang siya.
Nahagip ng mata ko na lumapit sa amin si Jack. Buti pa ito, hindi sumasali sa inuman. Akala ko pa naman banal iyong Aki na yun.
"Ayos ka lang, Sel?" Pagtatanong ni Jack. Kumunot iyong noo ko. "Do I look like okay?" Sarkastikong sagot ko. Napangiti na lang siya sa isinagot ko sa kaniya. Nagulat ako noong tumayo siya.
"What now?" Iritadong sabi ko sa kaniya nang hawakan niya ang kamay ko.
"Do you play billiard?" Tanong niya. Nirolyo ko ang mga mata ko. Hindi ako marunong but it looks interesting. Tumayo rin ako.
Pumunta kami sa bahagi ng bahay nila Gardner kung saan nandoon ang bilyaran. Sports ito ni Gardner at malupit siya rito. Kinuha ni Jack ang stick at tinasahan ang dulo nito gamit ang isang kulay bughaw na bagay.
"Watch." Sabi niya at pumwesto. Itinulak niya ang stick at sapul! Ang galing niya.
Napapalakpak ako sa kahusayan niya. "Magaling! Pwede paturo?" Nakangiting tanong ko. Tumango naman siya.
"Sure. Come." Lumapit ako at pumwesto naman siya sa likuran ko. Hinawakan niya ang mga kamay ko at inasinta ang bola. Nag-bend kami ng kaonti at kaonti na lang ay lalapat na siya sa may likuran ko. Hindi ko iyon pinansin, hindi naman siguro ganoong uri ng tao si Jack.
Aasintahin na sana namin iyong bola nang may humatak kay Jack. Napalingon ako upang malaman kung sino. Buong akala ko ay si Gardner iyon pero hindi pala. Si Aki.
"What pare?" Nagtatakang tanong ni Jack kay Aki. Kahit ako nagtataka rin. Anong trip nito?
Hindi siya pinansin nito at hinatak ako palabas ng bahay.
"Ano ba?" Pagpupumiglas ko at sinubukang hatakin ang kamay mula sa kaniya pero sadyang malakas siya. Kinakaladkad niya ako!
"Sabing bitiwan mo ako eh!" Sigaw ko at tuluyan na niyang binitawan ang kamay ko. Nasa labas na pala kami ng bahay. Nasa garden kami.
"What do you want?" Inis na tanong ko sa kaniya. "Ano bang problema mo? Naglalaro lang kami Jack-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Umigting ang kaniyang panga.
"That's my point! You want him to touch you?" Bulalas niya. Nanlalaki ang mga mata ko, nagulat ako sa reaksyong ibinigay niya sa akin.
"Ano naman iyon sayo?" Pagsagot ko sa kaniya. This time, hindi na siya makatingin ng diretso sa mga mata ko.
"So, nagpapahawak ka pala sa lalaking kakakilala mo pa lang?" Panunumbat niya. Hindi maaari ito. Tama ba itong iniisip ko? Is he jealous?
"Are you jealous?" Pag-uusisang tanong ko. Nakita kong napalunok siya.
"I'm not. Why would I? I don't even care about you." Sabi niya ng hindi nakatingin sa mga mata ko.
"That's my point Aki! You don't care about me, but him? He is!" Sigaw ko sa kaniya.
"Edi magsama kayo." Sabi niya at nag walk-out. He really left me dumbfounded.
BINABASA MO ANG
Stay With Me (Victoria Girl's Series #1)
Romance" Stay. No matter how hard it is to be with me. I need you. Please, stay with me..." Si Seleucia Maria Valdemar ay isang tipikal na babae. Ordinaryo at may mabuting puso, galing sa isang mayaman na pamilya. Tulad ng iba ay mayroong mahal si Sel. Bat...