Kabanata 15

105 4 0
                                    


Kabanata 15

Diagnosed


The feeling is nostalgic! Unbelievable and unexpected! What happened earlier made me insane. Hawak hawak ko parin ang labi ko, actually kanina pa. Wala nga akong balak na punasan ito. Takot akong uminom man lang. Nababaliw na nga ata ako. First kiss ko ang first love ko, kakilig! Kahit naman siguro ay mararamdaman itong nararamdaman ko ngayon.



"Pangiti-ngiti ka dyan." Sabi ni Sam na umupo sa tabi ko. She handed me a bottle of water pero I refused to accept it.


"Ano iyong kanina? Bakit ka niya hinalikan?" Tanong niya. Siniko ko siya ng bahagya dahil ang lakas ng boses niya. Nakakahiya! Lumingon muna ako sa paligid bago sumagot. Baka kasi ay may nakarinig.


"Hindi ko din alam eh...." Kibit balikat na sagot ko. "...wala naman kasi iyon sa script."


"Baka gusto ka na rin niya." Panunuksong sabi niya.


"Masyado pang maaga para mag conclude." Seryosong sagot ko.


"Malay mo."


I don't want to give myself a false hope. Ang totoo niyan, hindi naman ang taong gusto natin ang nagpapaasa sa atin kundi tayo lang din. We let ourselves to assume.


Biglang nag ring ang phone niya.


"Wait. Si Gardner." Sabi niya at nagpaalam.


"Ano bang meron sa inyo ha?" Pahabol na sabi ko pero nag wave na lang siya.


Naguguluhan na ako sa kanila. Lagi silang nag uusap ni Gardner pero lagi ko parin namang nakikita si Gardner na may kasamang ibang babae. I'm afraid na baka masama si Sam sa listahan ng mga babae ni Gardner.



Sa kalayuan nakita ko si Ryan. Naglalakad siya palapit sa akin kaya napatayo ako. Nasa bleacher kasi ako dito sa field.



"Hello, Ry." Pagbati ko ng tuluyan na siyang makalapit sa akin. Tumango lang siya.


"Upo tayo." Sabi niya. Umupo naman kami. Tinignan ko siya. Bakas sa mukha niya ang lungkot. Bakit kaya?


"Upo lang pala. Wala namang tayo." Sabi pa niya. Humagalpak ako sa tawa.


"Kailan ka pa naging ganiyan? Lakas maka hugot ah." Natatawang sabi ko.


"Kanina lang." Sabi niya sa isang baritonong boses.



Tumigil ako sa pagtawa. He looks so serious and upset at the same time.

"May problema ba, Ry?" Pang uusisa ko sa kaniya. He lifted his head at tila namumula ang mga mata.


"Wala, wala naman." Sabi niya sa nababasag na boses.



Magsasalita pa sana ako ng biglang dumating si Sam na humahangos.



"Sumali ka ba ng fun run?" Bungad ko sa kaniya ng makalapit siya.


Inilagay niya ang kamay sa tuhod habang humihinga ng mabilis.


"Tawag ka ni Zanier." Sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko. Bakit?


Namutawi ang mga ngiti sa aking labi nang makarinig ako ng tikhim sa aking gilid. I forgot, nandito pala si Ryan.


"Alis na ako." Sabi niya at tuluyan ng umalis. Hahabulin ko sana siya pero pinigilan ako ni Sam.


Labis na ang ligayang aking nadama. Sa kalabisan nito ay tila wala ng paglagyang sisidlan. Mamaya ko na lang iintindihin ang problema ni Ryan. Ang mahalaga iyong sa amin ni Aki.


Ako kakausapin ni Achilles, ang aking long time crush? Hindi na ako mapakali! Daig ko pa ay bulateng binudburan ng asin sa aking pagkisay. Ano kaya ang sadya niya sa akin? Ottokhae! (What to do?) Magtatapat na kaya siya? Nagbunga na ba ang paghihirap ko? May kinalaman ba ito sa kiss namin kanina?


"Sel! Ano ba? Hinahanap ka na ni Zanier, baka magbago pa isip nun at magalit pa sayo." Saad ni Sam habang hinihila ang aking kamay.


Patayo na sana ako nang maramdaman ko ang pagkahilo. Hindi maaari ito! Bakit ngayon pa? Narinig ko na lamang ang malakas na pagsigaw ni Sam sa aking pangalan, at ang aking buong paligid ay binalot na ng kadiliman.


Nagising ako dahil sa pagkasilaw. Puti ang paligid. Nang tuluyan ng luminaw ang paningin ko ay nakita ko sina mama at papa na nasa gilid.



Umupo ako mula sa pagkakahiga kahit na masakit parin ang ulo ko. Ngayon lang ako hinimatay sa buong buhay ko.


"Ma, why are you crying?" Tanong ko dahil umiiyak si mama habang nakayakap kay papa.


Anong nangyayari? Did something bad happen or any bad news? Hindi nila sinagot ang tanong ko kaya pinili ko na lang na manahimik. Maya maya pa ay pumasok na ang doktor.


"Good afternoon po..." Bungad sa amin noong doktor. He's handsome and young. Matalino siguro ito.



Kumalas si mama sa pagyayakap kay papa. Pinunasan niya ang kaniyang mga luha.


"...this is the findings according to your laboratory. While you were asleep, you undergo to a MRI Scan." Nakita kong may binasa siya doon sa papel. "You're five hours asleep."


Nagsimula ng humagulgol si mama. Tumingin ang doktor sa gawi nila papa at binigyan lang siya nito ng isang go-ahead-look.


"You have a brain tumor." Sabi ng doktor. Halos mawindang ako at mawala sa sariling bait. Tumawa ako.


"Seriously dok? Aren't you kidding me?" Natatawang sabi ko.



"Kailangan mong maoperahan sa lalong madaling panahon, we need to check out if its cancerous or not." Seryosong sabi niya.



Natahimik ako at nakagat ang sariling labi.


"Excuse me." Sabi noong doktor at tuluyan ng lumabas.


Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko sa aking pisngi.



"Totoo ba ito, pa?" Sabi ko habang nakatingin sa kawalan. I'm too young for this. I have dream. This is so unfair! I thought that I'm healthy all throughout but what happen?



"Gagaling ka anak." Sabi ni papa. Napaiyak na ako ng tuluyan. I don't deserve this! Paano na lang sina mama? Ang pag-aaral ko? Mga kaibigan at si... Aki? Wala pa ngang umpisa ay ending na agad?


Nasapo ko ang aking mukha. I'm so stress. What if I die? There's a lot of what if's in my mind.



"Were leaving. Pupunta tayo sa America for yourmedication." Sabi ni mama na sobrang ikinagulat ko.    


AN: I need your feedback. <3

Stay With Me (Victoria Girl's Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon