Kabanata 20Magsama kayo
Pambayad utang.
Iyan ang patuloy na tumakbo sa aking isipan. Tulala at hindi parin ako makagalaw sa kinatatayuan. Milyong boltahe ang bumalot sa akin lalo na nang nagsimula siyang maglakad patungo sa akin. Halong kaba at kaligayahan ang aking nararamdaman. Sinundan siya ng tingin ng mga taong nasa paligid. Hindi parin natitigil ang pag flash ng mga camera.
Gusto kong umatras at tumakbo pero naguguluhan pa ako sa sitwasyon. What the heck? Nasisilaw at napapakurap-kurap ako habang palapit siya. Hindi ko alam kung dahil sa flash or dahil sa kaniya. Well, maybe both?
May nagsasabi sa akin na hindi ito tama. Na dapat lang ay umalis na ako, dahil hindi naging maganda ang huli naming pagkikita. May bahagi naman sa puso ko na nagsasabing hayaan lang. Tutal, ako rin naman ang may kasalanan. I should face the consequences.
Ilang hakbang ay tuluyan na siyang nakarating sa akin. Uminit ang gilid ng aking mga mata. How I miss this man, so much. Sa malapitan ay mas lalo ko lang napagtanto na ang laki ng pinagbago niya. He's so manly now. Bawat parte ng pagkatao ko ay pinupuri siya.
His perfect jaw. His brown eyes. His narrow but perfect sculpted nose. His lips, I wonder if it tastes the same. He's a God's masterpiece. So damn perfect.
Nag angat ako ng tingin sa mga mata niya. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya. Is he happy to see me? He's still the same Aki before, his cold stare na mas malamig pa sa Antartic.
Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko kayang lumaban ng titigan. Ako ang nalulusaw sa amin. I heard him chuckle, sumilay ang isang pilyong ngiti sa kaniyang mga labi. Bigla akong nairita sa naisip, ito ba ang ginagamit niya sa mga babae? Kahit sinong paggamitan nito ay mapapasunod niya.
"Still affected to me?" Pagmamayabang na tanong niya. Nasa gilid ko siya. Gustuhin ko mang umirap dahil sa kayabangan niya at hindi ko nagawa. Na-miss ko iyon, iyong pagiging mayabang niya.
Inilagay niya ang kanang kamay sa bulsa at ang kaliwa ay hinapit ang bewang ko upang mapalapit ako sa kaniya.
Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. The flash of the camera starts again, iba lang ngayon dahil mas dumami na. Doon ko nabatid na pag-arte pala ang ginagawa naming dalawa. Nanatili ang tingin ko sa kaniya, samantalang siya ay diretsong nakatingin sa harap at bahagyang nakangiti.
Ilang minuto akong nasa ganoong ayos bago napag isipan na gayahin na lang ang ginagawa niya. Humarap din ako at tipid na ngumiti. I realized we are like a prince and a princess. We're both wearing the same color. And the people taking our pictures is our followers.
Matapos nun ay binitawan na niya ang baywang ko. Bigla akong nakaramdam ng lamig sa tiyan ko. Ano na naman ba ang iniisip ko? Sabay naming nilingon ang emcee nang magsalita ito.
"Grabe! We didn't know na may girlfriend pala itong si Mr. Mercado." Naa-amaze na sabi noong Chesca. Tumango ang katabi niyang lalaki.
"Nalagasan na ang bachelor's list. Ikaw Ches? When will you get, yours?" Pabirong tanong nung isa.
Napangiti na lang ako. Iyong katabi ko naman ay seryoso. Nilibot ko ang paningin at nakita ko narin si papa. He owe me an explanation.
Lumapit ito sa amin kaya ipinakilala rin ng emcee.
"Let's give a round of applause to Mr. Lucio Valdemar." He said and the crowd clap. Nakipalakpak nadin ako.
"Good evening ladies and gentlemen. Thank you for coming to my daughter's engagement party..." Dad started to speak.
So, he know about this? Bakit pakiramdam ko ay sinet-up ako. Kukomprontahin ko talaga siya mamaya. Sumisikip iyong dibdib ko.
"You, okay?" Napalingon ako sa nagsalita. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko. Concern?
Kunwari ay wala akong narinig at dumiretso ang tingin sa harap.
Alam ko 'to. I've read some romantic novels before. I never know na applicable pala ito in real life. Kwento ng isang babaeng dati'y mayaman na ngayon ay pambayad na ng utang. How ridiculous. Napailing ako sa naisip.
Of all people, bakit sa lalaki pang ito ako pinagkasundo? Well maybe dad know that I like him, before? Sinong niloko ko... Alright I still like him, but not the way I like him before.
"What do you need?" Mahina ngunit mariin kong tanong sa katabi. He look at me with confusion. Maang-maangan? I badly want to shout straight to his face but I don't. Nakakahiya.
"I don't get you. You're the one who needs me." He said. Wow! Just wow. Ano 'to? Pinagmumukhang ako pa ang may masamang balak. Umakyat ang iritasyon sa akin at hindi iyon maipagkakaila.
"Oh yeah... Pambayad utang?" Bumaling ako sa kaniya at plastic na ngumisi.
Nabaliktad ang sitwasyon. Siya naman ngayon ay naiirita, no... he's probably mad with his hawk like eyes. Ang talas, do he always do that? Hinahasa niya siguro ito, ang talim.
"What did you say?" His thick eyebrows shot.
Tumikhim ako at nag iwas tingin. Humalikipkip at kunwari'y tumingin sa aking ama na ngayon ay nagsasalita. I can feel na he's looking at me. Bahala ka diyan.
Ipinadyak ko ang aking kaliwang paa nang naramdamang namanhid ito. Marahil dahil sa ilang minuto na akong nakatayo. And goodness, my heels are high!
Sa gilid ng aking mata ay nakita kong may kinausap si Aki sa gilid na lalaki. Nagpatuloy na lang ako sa pagtingin sa aking papa at nagpanggap na nakikinig. Pero noong nainip ay bumaling muli ako sa puwesto kung saan si Aki.
Awtomatikong umiwas ako, nang bahagyang lumapit ang mukha niya sa akin. Fuck! We almost kissed! Buti na lang at mabilis ang responses ko.
"The hell!" Mahinang sabi ko. I don't want people to know na we're fighting. Na hindi naman talaga kami. What will they think kung malaman nila, hindi ba? Kahit papaano ay marunong naman akong umarte. The last time is when we had a play... Where he first kiss me.
"Let's go." He said and grab my hand. Bakit? Anong balak nitong mokong na 'to? Nagpumiglas ako ngunit hinawakan niya ang palapulsuhan ko.
"Stop... The media might see us, like this." Mariin niyang sabi ngunit hindi ako nagpatinag at ganoon din siya. Anong akala niya sa akin, sasama ng ganoon lang? Pareho kaming ayaw patinag. Kapwa nagsusukatan ng tingin. I hope the media won't have the idea.
Ilang minuto ay siya nag mismo at bumitaw. Laking tuwa ko at nagmalaki pa.
"Akala mo sasama ako sayo." I smirked.
"Your feet hurts, right?" Sabi nito. Ewan ko at biglang gumuho ang loob ko. Not because I think of something else. It's not! Okay?
Tinignan ko siya. Ngunit nilampasan lang niya ako ng tingin dahilan upang mapatingin din ako sa direksyon kung saan siya nakatingin.
Parang tinamaan ng ilang libong punyal ang aking dibdib. There I saw a beautiful white but fair woman. She's quite familiar to me. I wonder kung saan ko siya nakita. She looks so elegant. Kaya naman pala natameme itong isa. Dire-diretso itong nagtungo kay Aki at niyakap ito. What the hell? Hello... Fiancee here!
"I miss you, Zanier." Sabi nito sa malanding tinig. Pakiramdam ko ay labis na iritasyon ang lumamon sa akin. Kaonting gatilyo na lang ay makakasabunot ako ng babae. Pero I hold back lalo na when he responds to her.
"I miss you too..." He said.
Fuck life! My middle finger wants to salute them but I remained like that, tulala at gulat. My automatic response is to walk-out. Magsama kayo!
BINABASA MO ANG
Stay With Me (Victoria Girl's Series #1)
Romance" Stay. No matter how hard it is to be with me. I need you. Please, stay with me..." Si Seleucia Maria Valdemar ay isang tipikal na babae. Ordinaryo at may mabuting puso, galing sa isang mayaman na pamilya. Tulad ng iba ay mayroong mahal si Sel. Bat...