Kabanata 26

53 4 0
                                    


Kabanata 26

Love

Sa sumunod na araw ay namasyal kami ni Aki sa Tanawan. Hawak-hawak ko ang aking cellphone kung saan naroon ang kaniyang larawan na kinuhaan ko rito, 10 years ago... Natatandaan ko pa ang pagiging masungit niya at kung paano niya ako sinabihan na 'stolen is rude.'

"Give me your hand." He said. Dali-dali kong tinago ang cellphone sa aking bag. Nilingon ko si Aki na ngayon tinatangay ng hangin ang buhok. He looks so good in that angle. Nasa kaniyang yate kami na kasalukuyang binabaybay ang isang isla sa hindi kalayuan.

"Ayoko nga." Pakipot kong sabi at humalikipkip. Pinasadahan ko ng tingin ang dagat upang malayo ang tingin sa kaniya. It looks so peaceful yet dangerous. The waves are wild, sometimes.

"Hey..." Bulong niya sa aking tenga. Hindi ko maiwasang hindi makiliti kaya nilingon siya at tinulak sa dibdib.

"Why won't you enjoy the view instead?" Masungit kong tanong. Nakita kong umigting ang kaniyang panga. Hindi ko maiwasan ang pagtitig doon.

"I am enjoying the view." Seryosong sabi niya habang nakatingin sa akin. Nagtama ang aming paningin at delikado iyon para sa akin, once na hindi ako bumitaw ay siguradong matutunaw ako. Bolero.

Napairap ako pero hindi pa nakakababa nang umangat ako. I scream at the top of my lungs!

"Zanier let me go!" Half heartedly kong protesta. Kinulong niya ako sa kaniyang bisig habang ako ay nakakandong sa kaniya. Just like a romantic scene in a movie. Dagat as our view.

"Anong tinawag mo sa akin?" Mahinahon ngunit mariin niyang tanong. Pinaglalaruan niya ang aking mga daliri at nakakakiliti iyon.

"Za-"

"Aki. Call me Aki." Malambing na sabi niya na halos magpapikit na sa akin.

"H-huh?"

"Please?" Sabi niya at hinalikan ang aking braso. Kung hindi lang ako nakaka kandong sa kaniya ay paniguradong kanina pa ako nabuwal. Nakakapanghina ang mga sinasabi niya.

I really don't know what's with him at ganito siya sa akin. I don't mind it though, I'll just enjoy this day with him.

Ilang sandali pa kaming nasa ganoong kalagayan nang naabutan kami ng kapitan.

"Nandito na po tayo, Sir." Pinahinto niya ang makina. Nahihiya akong nag-iwas tingin samantalang ang lalaking ito ay parang wala lang. Naabutan niya akong nakakandong kay Aki!

Tumango lamang si Aki at tinignan ako. "Let's go."

Mabilis akong tumango at umalis sa pagkakaupo. Samantalang ang kapitan ang bumalik lamang uli kung nasaan siya.

Huminto kami sa isang paraiso, kung ito ba ang tamang salita para mailarawan ang kagandahan nito. Lumapit ako sa view deck ng yate para mas ma-enjoy ko ang view.

Nilingon ko si Aki at nakitang nakaupo lamang at seryoso akong tinititigan. Humawak ako sa railings at dinama ang hangin. Sana laging ganito lang ang buhay, payapa.
Binaba ko ang tingin sa dagat, malalim at malinaw ang tubig. Napangiti ako dahil sa pagkasabik.

Kaya naman hinubad ko na ang aking jacket para makita ang aking red thong one piece swimsuit. Umaalon ang natural wavy brown hair ko nang makakalas ito mula sa pagkakatali.

Nilingon ko siyang muli and a mockery smile plastered on my lips. Agad na nagbago ang kaniyang awra, mula sa pagiging seryoso ay napalitan ito ng pagkagalit at pagaalala.

"Seleucia, don't you dare to do whatever you're thinking." Pagbabanta niya. Asa naman siyang susundin ko siya!

Imbes na sumunod ay tinalikuran ko siya at tumalon. Sinalubong ako ng malamig na tubig. Dumilat ako at sobrang linaw talaga sa ibaba. Gustuhin ko mang bumaba pa ay baka hindi ko kayanin. Wala akong oxygen tank na dala, sayang.

Stay With Me (Victoria Girl's Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon