Kabanata 29Sheet
Maghapon niya akong hindi pinansin. Lumabas ako sa kwarto niya dahil wala rin naman akong mapapala roon. Hanggang sa nag hapunan ay hindi siya bumaba. I'm worried, kasi hindi pa siya kumakain.
I decided to prepare a Creamy Lemon Chicken Pasta. Kung ayaw niya bumaba ay pupuntahan ko na lang siya. Ano ba kasing kasalanan ko?
I'm just so excited to see Ryan, again. For many years na hindi kami nagkita ay talagang nangulila ako, hindi lang sa kaniya kundi sa mga taong naiwan ko rito at syempre pati si... Aki. Normal na reaksyon lang 'yon diba?
Kumatok ako at pinakinggan muna kung anong ginagawa niya. Nang walang narinig ay tuluyan ko na itong binuksan. I saw him in his study table na may nirereview na papeles. He's wearing a white shirt and a black short. Nakakunot ang noo niya habang nagbabasa. Ni hindi man lang nag angat ng tingin sa akin. Suplado! Nagpatuloy ako at sinara ang pinto.
Lumapit ako sa kaniya at nilapag ang dalang pagkain sa kaniyang lamesa. Napansin ko ang dala kong baunan kanina. Kinuha ko ito upang ibaba na lang. Mukha namang wala siyang balak kainin 'to. Sayang lang.
I was about to get it pero agad niyang tinabig ang kamay ko bago nag angat ng tingin sa akin. Mahina lang pero nagulat ako sa ginawa niya.
"What are you doing here?" Masungit niyang tanong at agad na bumalik sa dating ginagawa.
I can smell his shower gel and mix of mint. May tinitignan siyang kung ano sa kaniyang laptop. My lips protrude and immediately turn in a thin line dahil sa matalim niyang tingin.
Oo nga, ano bang ginagawa ko rito? Well, basically I brought a good for him because I'm worried.
"I'm asking you." He impatiently said while looking at me intently.
Pero syempre hindi ko sasabihin na nag aalala ako sa kaniya 'no. Nakakatawa lang na may mga ganitong ugali rin pala ang mga lalaki. Lakas magtampo.
I leaned to his table. Yumuko ako para mag lebel ang mukha namin. Nanatili ang mga mata niya sa akin. Mukhang hindi nagulat. Kung nagulat man ay hindi ko nahalata. Grabe 'tong lalaki na 'to. Wala na ba akong kamadag o alindog man lang? He can make me feel insecure na pinaka ayaw ko.
"I'll sleep here." I said huskily.
He smirked at sumandal sa kaniyang swivel chair. Napakurapkurap ako, nagulat sa sariling sinabi. My gosh! What did just I say?
"Really?" Panunuya niyang sabi at bumaba ang tingin sa aking dibdib.
Binaba ko rin ang aking tingin. I'm wearing a spaghetti strap for pete's sake! My cleavage shown, kayang kaya mag hello. Bahagyang nag init ang aking pisngi. Baka isipin nito na inaakit ko siya. My goodness!
Tumikhim ako at umayos ng tayo. I breathed heavily dahil parang nawala lahat ng oxygen sa baga ko. I tried to compose myself again bago nagsalita.
"I just brought you some food." I stated the obvious. Pinagmasdan ko siya at may paglalaro parin sa kaniyang mukha. Nakakainis!
"Hindi 'yan ang sinabi mo kanin-"
"I'm just kidding. Hindi mo ba alam kung ano ang biro sa hindi?" Mataray kong sabi.
Pinilit kong gawing iritado ang boses para matakpan ang kahihiyan. Awkward silence filled the room.
He sighed heavily.
"Alright. Bring it back 'cause I won't eat it." Ngayon, naka focus na siya ulit kaniyang laptop.
"What?" Kumunot ang noo ko. "Sayang naman 'yong effort ko sa paggawa niyan." I sounded so annoyed.
BINABASA MO ANG
Stay With Me (Victoria Girl's Series #1)
Lãng mạn" Stay. No matter how hard it is to be with me. I need you. Please, stay with me..." Si Seleucia Maria Valdemar ay isang tipikal na babae. Ordinaryo at may mabuting puso, galing sa isang mayaman na pamilya. Tulad ng iba ay mayroong mahal si Sel. Bat...