Kabanata 8

97 9 1
                                    


Kabanata 8

Let's go


Daldalan at ingay ang bumungad sa akin noong pumasok ako sa room. Kahit si Ryan na kasama ko ay hindi ko pinansin. Dire-diretso lang ako sa pag-upo sa aking upuan.



"Musta, Sel?" Sabi ni Sam na katabi ko sa upuan. Bahagya akong tumungo at sumagot. "Paano ba ito, Sam? Gaganap kami ni Aki sa play at bukas na ang practice." Pagtatapat ko. Inilapat ko ang mukha ko sa mesa. Gulong-gulo na ako.


"Ha? Teka, di ko gets. Paano iyon eh diba gumagawa pa tayo ng booth for next week?" Naguguluhang tanong ni Sam.


"Exempted na sila ni Zanier." Pagsingit sa usapan ni Ryan. Hindi ko namalayan na nariyan lang pala siya sa gilid namin.



"Talaga? Support kita, Sel. Malay mo dyan na kayo magkamabutihan ni Papa Aki." Pang-aasar ni Sam habang sinusundot ang tagiliran ko.


Tumikhim si Ryan kaya tiningala ko siya. Parang nag iba iyong awra niya.



"Ayos ka lang Ry?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya. Tumango lang ito at ngumiti.



"Cheer up, Sel. I'm here for you." Sabi niya at ginulo ang buhok ko. Nagpaalam siya sa amin ni Sam dahil may aasikasuhin daw siya sa booth.



"May naamoy ako dyan kay Ryan." Tataas-taas kilay na sabi ni Sam.


"Ha?" Kumunot iyong noo ko. "Hindi naman mabaho si Ry ah." Inosenteng sagot ko. Binatukan niya ako.


"Aray!" Pagdaing ko. Hinawakan ko ang parte ng ulo ko kung saan niya ako binatukan.



"Shonga! Ano bang laman ng utak mo, Sel? Alam kong hindi mabaho si Ry. Iba iyong tinutukoy ko." Aniya.


"Ano pala?" Saad ko.


"Parang crush ka ni Ry." Sabi niya sa mahinang tono. Hindi ko napigilang tumawa.


"Ewan ko sayo." Natatawang sabi ko.


Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ni Sam nang mag ring ang phone ko.



"Excuse me, Sam." Paalam ko sa kaniya bago sagutin ang tawag.



Calling Mama...

Accept                 Decline



"Hello ma?" Sabi ko nang masagot ang tawag.


"Baby. Hindi ka pala masusundo ni Manong Predo today. Ihahatid niya kasi ako sa client. Mag-cab ka na lang or makisabay kay Gardner," tumigil siya sa pagsasalita. "Kung gusto mo pwedeng kay Zanier na lang, okay?" Binigyang diin ni mama ang huli niyang pangungusap na may halong pang-aasar.



"What? Why? Ma, no way!" Natatarantang sagot ko. First time kong hindi masusundo. Magiging masaya ba ako or malungkot? At isa pa, ayaw kong maki-ride kay Aki no. Ayaw ko ba talaga?



"Bahala ka na. Sige mag iingat ka." Sabi ni mama at ibinaba ang tawag. Anong gagawin ko? Mamaya pa uuwi iyon si Gardner dahil may basketball practice pa sila. Si Aki? Pakialam ko doon. Tama! Magca-cab na lang ako.



Maaga ang uwian namin dahil sa gumagawa lang naman kami ng booth. Nauna ng umuwi si Sam sa akin dahil aalis daw silang magpa-pamilya. Saktong naglabasan ay tiyaka naman bumuhos ng malakas ang ulan. Bakit ngayon pa? Kamalasan day ko ba?



Buti na lang at may payong akong dala. Wala sa bokabularyo ko ang pagpapatila ng ulan. Mainipin kasi ako. Kinuha ko ang payong sa bag at binuksan ito at tuluyan ng sumugod sa ulan.



"Sel!" Narinig ko ang pamilyar na boses na sumisigaw. Lumingon ako. "Sel, wait!" Humihingas na sabi ni Ryan. Huminto ako. Wala siyang dalang payong.



Napaatras ako ng bahagya nang bigla siyang nakipayong sa akin. Sobrang lapit namin sa isa't isa. Ngayon ko lang natitigan ng malapitan si Ry. Mapupungay pala ang mga mata niya.



"Gosh! Basang basa ka. Ano bang pumasok sa isip mo at sumugod ka sa ulan?" Pangangaral ko sa kaniya. Kinuha ko ang aking panyo at pinunasan ang buhok niya. Tumawa lang siya.


"Wala kang sundo? Sabay ka na sa akin." Pag aanyaya niya. Nakaka-tempt yung offer niya. Ibinalik kong muli ang panyo sa pinaglalagyan nito.


"Nope. I'm okay I'll just take a cab." Pagtanggi ko. Nakakahiya kasi kung makikisabay ako.



"Okay, ikaw bahala. Favor, pwede bang pahatid na lang ako sa parking lot?" Aniya at itinuro ang direksyon kung saan naka-park ang sasakyan niya. Sumang-ayon ako at inihatid siya roon. Konsensya ko pa kung magkakasakit siya.



"Salamat nga pala, Sel." Sabi niya nang makarating kami sa sasakyan niya.


"It's okay." Nginitian ko siya.



"Gawain ba ng girls na ihatid ang lalaki?" Pang-aasar na tanong ni Aki. Nakatayo siya sa harap ng sasakyan nila. Nandiyan siya? Buong akala ko ay may basketball practice sila ni Gardner ngayon. Hindi siya sumama?



Lumapit siya sa amin. Inilagay niya ang isa niyang kamay sa kaniyang bulsa, samantalang ang isa naman ay hawak-hawak ang payong.



Bumaling ako kay Ryan. "Sige na pumasok ka na. Aalis na ako." Sabi ko kay Ry. Nagpasalamat siyang muli sa akin bago tuluyan ng pumasok. Pinanood kong umalis ang sasakyan niya bago napagpasyahang umalis na rin.



"Sumabay ka na." Kaswal na sabi niya. Huminto ako sa paglalakad at nilingon siya.



"I'll take a cab." Ani ko.


"Sumakay ka na. Sa tingin mo ba kapag iniwan kita rito ay mapapatawad ako ni mama? She'll cut me into four." Pagkumbinsi niya.


"I don't care, Aki. Kahit katayin ka pa ni tita." Pagdepensa ko.


Nasilayan kong umangat ang gilid ng kaniyang labi. Napalunok ako. Don't do that Aki! Hindi mo alam kung ano ang epekto niyan sa akin.



"Really?" Hinawakan niya ang kaniyang baba at hinaplos ito.


"Matitiis mo bang masugatan itong mukha ko na mahal na mahal mo?" Paawa niyang sagot. Syempre hindi, Aki.



"Of course, sino ka ba?" Matapang na sagot ko. Biglang umasim ang mukha niya at nawala sa mood. His patience is short, really short. Kabaliktaran ng height niyang 5'9.


"Zanier!" Boses iyon ng babae. Si Ariana pala, ang Queen Bee. So, ito pala iyong nililigawan niya? Okay. Ang ganda niya. Iyon lang ang masasabi ko. Walang wala ako kung ikukumpara.


"Can you give me a ride?" Sabi nito sa isang malanding tono. Tumingin sa akin si Aki kaya nag-iwas tingin ako. I don't want him to see me hurting. Saglit itong tumitig sa akin bago muling bumaling kay Ariana.



"Sure, let's go?" Anito.

Stay With Me (Victoria Girl's Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon