Kabanata 19Royal Blue
Matapos namin mag inuman sa bar ay umuwi na ako sa aking apartment. Hindi ito kalakihan, sakto lang sa apat na tao. Dito kami nanirahan nina mama at papa for 10 years. Unlike, Tat and Jack they have a mansion here in US. Mag-isa na lang akong nakatira rito. Dad went back to the Philippines para asikasuhin ang business namin na papalubog.
I get some cereal and milk in the fridge. I'm a little bit tipsy dahil sa pag inom. I sat on the sofa and turn on the TV, when my phone rang.
I look in the screen and it's papa.
"Pa..."
"Leucia, you need to come back here tomorrow..." Sabi ni papa sa isang napapaos na boses.
Nanlaki ang mga mata ko sa pagtataka. Bakit biglaan? Kung ako ang tatanungin ay ayoko na sana. Ayoko ng bumalik doon, though I miss my friends. Sina Sam at Ryan. I know, galit sila sa akin dahil hanggang ngayon ay hindi ko parin sila kino-kontak. Kahit sino naman ay magagalit.
"Our business is failing." Dugtong niya.
"Pa... Matagal ng fail iyan diba? I'll work here in States na lang." Sabi ko at hinilot ang sentido ko.
"Hindi pa ako nawawalan ng pag-asa, anak. I'll work so hard for this company at alam mo iyon. I hope you can do something para masalba ito." Malungkot niya na sabi.
I know and I understand. Minana pa ni papa itong business sa kaniyang great grandfather. Kahit sino naman ay hindi bastang isusuko ito.
"Okay pa..." Sambit ko though nag aalangan pa. Kakayanin ko ba?
"I'll book a flight for you. Thank you, baby." Aniya na may bahid ng kasiyahan. Ako naman ang babawi sa lahat ng sacrifices nina mama. Binaba na niya ang tawag. I rest my head on the sofa. Over thinking again.
Bawal pa naman ako ma-stress. Hindi pa ako handang bumalik doon. Takot akong marinig ang sumbat ng mga taong iniwan ko.
Sinalubong ako ng isang lalaking tantsa ko ay nasa mid-40's, pagkababa ko ng eroplano. Hawak-hawak niya ang isang puting karatula na may 'Ms. Valdemar' na nakalagay. Matamis niya akong nginitian kaya nilapitan ko siya.
"Good afternoon po, ma'am. Pinapasundo po kayo ni Mr. Valdemar sa akin. This way po ma'am." Sabi nito at tinuro ang labas. Tumango lamang ako at sumunod. Isang puting Lamborghini Gallardo ang sumalubong sa akin. I know it's very expensive. Akala ko ba ay nalulugi ang kumpanya?
Pinagbuksan niya ako ng pintuan. Kinuha niya ang maleta ko at inilagay sa compartment. Tipid akong ngumiti sa kaniya bago tuluyang pumasok nang sasakyan.
I search for my phone in my bag nang mag vibrate ito. Sinulyapan ko si manong na ngayon ay nasa driver's seat na.
"Are you in the car, right now?"
"Yes pa..."
May ilan siyang ibinilin bago binaba ang tawag. Tinanaw ko ang labas. Nandito na ulit ako sa Victoria. Sa lugar kung saan ako lumaki. Nag-aral. Nagkaroon ng kaibigan at lalaking... minahal.
Wala masyadong pinagbago. It's still beautiful. Ibang-iba ang atmosphere nito sa America. Simpleng pamumuhay na sobrang sarap sa pakiramdam. Nagtatayugang mga niyog at bukong nakahilera sa gilid ng kalsada.
Nga pala, saan ako tutuloy mamaya? Wala na kaming bahay dito sa Victoria. Sa kalsada kung ganoon? Napailing ako, mamaya ko na lang siguro iisipin. Hindi rin kasi binanggit ni papa sa akin.
BINABASA MO ANG
Stay With Me (Victoria Girl's Series #1)
Romans" Stay. No matter how hard it is to be with me. I need you. Please, stay with me..." Si Seleucia Maria Valdemar ay isang tipikal na babae. Ordinaryo at may mabuting puso, galing sa isang mayaman na pamilya. Tulad ng iba ay mayroong mahal si Sel. Bat...