Kabanata 12Trap
Napairap na lang ako sa inis dahil sa sinabi noong si Ariana.
"Sure!" Aniya sa excited na boses. Halatang party-goers.
Muli kong nilagok iyong inabot sa akin. Samantalang iyong nasa gilid ko naman ay nakatitig lang sa akin pero umiinom din.
"What?" Inis na baling ko kay Aki dahil sa paninitig niya.
"You should not drink." He firmly said. Hindi ako sumagot at humalikipkip.
Nakita kong tumayo si Gardner kaya't sinundan ko siya ng tingin. Hindi kalayuan ay may sinagot siyang tawag.
"Yes, tita?" I know si mama ang kausap niya. How I wish na 'wag akong ilaglag nitong pinsan ko. Lumingon siya sa gawi ko at tyaka muling sumagot. "Yes tita, she's here. Nandito naman si Sam ta. Hatid ko na lang po siya bukas ng maaga." Magalang na sabi ni Gardner bago patayin ang tawag. Nakahinga naman ako ng maluwag. Nginitian ko siya.
"Let's start!" Masayang sabi ni Gardner pagkaupo. Inilagay nila iyong bote sa mesa at pinahiga ito. Tanging iyong bote lamang ang nasa lamesa.
"Kung sino ang matatapatan nito..." Itinuro ni Lincoln ang bote "...ay siya ang ide-dare sa kung sino ang dapat niyang i-body shot." Paliwanag niya.
Lahat sila ay nagkantiyawan. Napahiyaw pa nga si Ariana na bida-bida.
Sinimulan na ang game. Pinaikot na nila ang bote. Ako lang ata ang kabado. Si Sam kasi ay parang masaya pa. Pigil hininga ako at tumigil sa pag-inom noong matapat kay Aki ang bote. Napapikit ako sa inis at dismaya narin lalo na ng i-dare siya ni Jack kay Ariana.
Binuhusan ni Lincoln si Ariana ng wine sa leeg. Natuwa pa talaga siya kahit na nabasa siya. Sa parteng iyon, doon niya hahalikan si Ariana.
Napalunok ako ng malalim sa nakita ko. Tinitigan ko sila para madama ko ang sakit. Wala akong balak alisin ang paningin ko. Gusto kong sampalin ako ng katotohanan. Buong akala ko pa naman ay tatanggi siya sa gagawin pero hindi. Kunwari pa siyang ayaw niya.
Malaya siyang binigyan ng karapatan ni Ariana na hagkan ang leeg nito. Ang sakit! Napapangiti si Ariana sa kiliti nang lumapat na ang labi ni Aki roon. Nag-iwas ako ng tingin at bahagyang tumingala. I don't want to be a loser. Hangga't maaari, susubukan kong maging masaya.
Natapos ang dare sa kanila nang hindi ako tumingin. Akala ko ay kaya kong sikmurain, pero mali ako. Sa dulo, ako parin ang talo. Fucking shit!
Muling pinaikot ang bote. Natapat ito kay Jack. Nawalan na ako ng gana sa laro nila. Tumahimik na lang ako sa gilid at hindi na uminom.
"Sel." Sabi ni Gardner. Lahat ay napatingin sa akin. Nagkibit-balikat ako.
Lumapit sa akin si Lincoln at kinuha ang kamay ko. Binuhusan niya iyon ng wine tulad kay Ariana. Kinalabit ni Jack si Aki sa balikat para sana paalisin ito, ngunit hindi ito pumayag.
"What pare?" Tensyonadong sabi ni Jack.
Nagulat ako nang kuhanin ni Aki ang kamay ko. Tiningnan niya ako ng mabuti bago inilapat ang kaniyang mga labi roon. Tinitigan niya ako habang ginagawa niya iyon. Gusto kong bawiin ang kamay ko mula sa kaniya pero napakagat-labi na lang ako. This guy is driving me crazy!
Bahagya niyang sinipsip ang dulo ng mga daliri ko at hinagkan ang palad ko. Shocks! I'm so damn affected to his kisses! Sa kamay pa lang ito, what more kung sa labi ko na? Bigla akong napaisip kung ilang babae na kaya ang napag-praktisan niya. He's so expert!
Natapos ang dare pero parang nakalutang parin ako sa ere. Hindi na umalma si Jack pero iyong pinsan ko ay nakangiting-aso.
Muli akong tinagayan ni Gardner nang agawin iyon ni Aki at siya ang uminom.
"That's mine!" Protesta ko. Halos mabaliw na ako sa inis sa kaniya. Kinuha ko iyong bote at lalagukin na sana ang laman pero inagaw niya uli.
Sa sobrang pagkainis ko ay napatayo na lang ako at nag desisyong lumabas na lang.
"What are you doing here?" I heard a familiar voice of a man behind me. "You like body shot, right?" nang-aasar na tanong niya. Sinundan niya pala ako. Hinarap ko siya. Bumaba siya sa hagdan at humalikipkip.
"Isn't it obvious! Naiinis ako sayo!" bulyaw ko. "Ano bang problema mo ha?"
Nagkibit balikat siya. Abnormal!
"Bakit ka ba ganiyan ha, Aki? Noong una ayaw mo akong painumin, pangalawa kunyari ka pang ayaw sa game pero nag enjoy ka naman sa inyong dalawa ni Ariana at tapos iyong body shot ko! Bakit mo ba ako pinipigilan?" I'm lost. Lost my patience.
"Isn't it obvious kung bakit kita pinipigilan?" Panggagaya niya sa sinabi ko kanina. Nakangisi siya.
Uminit ang pisngi ko. No! I won't fall for his trap. Pa-fall lang naman itong si Aki tapos kapag nahulog na ako ay hindi naman ako sasaluhin.
"Damn you, Aki and with your smile! I won't fall for your trap, again." Sabi ko at tuluyang pumasok sa bahay.
BINABASA MO ANG
Stay With Me (Victoria Girl's Series #1)
Romansa" Stay. No matter how hard it is to be with me. I need you. Please, stay with me..." Si Seleucia Maria Valdemar ay isang tipikal na babae. Ordinaryo at may mabuting puso, galing sa isang mayaman na pamilya. Tulad ng iba ay mayroong mahal si Sel. Bat...