Kabanata 17

128 5 1
                                    

Warning: SPG
Read at your own risk.
__________________________

Kabanata 17

Birthday Gift

"Sel, bakit mo sinabi iyon?" Takang tanong sa akin ni Jack.

Tinignan ko si Aki na ngayon at paakyat na ng bundok. Inalalayan niya pa ang kaniyang kasintahan habang umaakyat sila. What a sweet moment.

"Sorry Jack but I can't tell you." Napayuko ako. I know, masama iyong ginawa ko. Dinamay ko siya.

Hinawakan niya ang kamay ko. Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Ngumiti siya at pinat ako sa ulo. "I know you have reasons."

Naiiyak ako. Mahirap pala iyong may problema ka pero hindi mo masabi sa iba.

"Thanks for understanding, Jack."

"Tara na, akyat nadin tayo!" Aniya at hinawakan na ang kamay ko.

Narating namin ang tutok ng bundok. Naglatag sila ng tela at doon kami naupo. Inalalayan pa ako ni Jack. Narinig ko naman ang pagtikhim ni Aki. Tinignan ko siya at kita ko ang inis sa kaniya.

"Tara kantahan na natin si Zanier." Sabi ni Ariana at binuksan ang cake na dala niya. May container kasi silang dala. Doon nila inilagay ang mga pagkain namin.

"Happy birthday to you, happy birthday to you..." Paulit-ulit nilang pagkanta na hindi ko naman sinabayan. Hawak ni Ariana ang cake na sinindihan niya at ipinaihip ito kay Aki. Napaka sweet nila, grabe. Kahit ampalaya ay lalanggamin. Kahit na ang tulad kong bitter ay nasi-sweetan sa kanila.

"Make a wish first." Sabi ni Ariana. Pumikit si Aki bago inihipan ang kandila. Nagpalakpakan ang lahat, maging ako din.

"Anong wish mo?"

Umiling si Aki, halatang ayaw sabihin.

"Ano ka ba, Ariana! Bawal sabihin ang wish. Hindi magkakatotoo." Sabi ng pinsan ko. Ngumuso lang si Ariana.

"Malamang, hiniling niya na tumagal kayo. Ang ganda mo kaya para pakawalan pa." Nagbibirong sabi ni Lincoln. Lahat sila ay nagtawanan except me, of course. Kulang na lang ay maglagay ako ng belong itim sa ulo ko para ipagsigawan na nagluluksa ako.

"Ayos ka lang?" Binulungan ako ni Jack ng mahalata niya na ang tahimik ko. Tumango lamang ako at ngumiti.

"Make a wish tayo." Suhestyon ni Lincoln. Ngayon ay nagsisisi na ako na sumama ako rito.

"Ariana first, syempre girlfriend." Dagdag pa ni Lincoln.

"I wish you everything. I'll always love you." Maiksing tugon nito. Humiyaw si Lincoln.

"Brief yet meaningful." Sabi nito ng tumatango-tango.

Ilang birthday wishes pa bago ang turn ko.

Napalunok ako ng malalim bago nagsalita.

"I wish you all the best, Aki. Mag iingat ka palagi. Sana tumagal ang relationship niyo at bawasan ang pagsusungit. Continue to study hard. Yun lang." Sabi ko at pekeng ngumiti.
Nakita kong titig na titig si Aki sa akin. Kaya ako na lang ang nag iwas tingin.

Lumapit sa akin si Ariana at niyakap ako.

"Thank you, Sel." Pagpapasalamat nito sa wish ko. If you just know na hindi naman iyon totoo, for me iyon ay kabaliktaran especially sa sinabi kong tumagal sana kayo.

Ilang kwentuhan pa ang naganap ng niyaya ako ni Ariana na akyatin ang puno ng mahogany. Ewan ko kung ano ang trip niya. Siguro ay para magpa-impress? Gusto ko rin nun kaya tumayo ako. Umangal pa sina Aki at Jack pero tumuloy padin kami. Magaling ako umakyat ng puno, ano. Ewan ko lang itong isa.

Stay With Me (Victoria Girl's Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon