Kabanata 31
Bwesit
"Alam mo..." Nanggigigil kong duro sa kaniya. Kung ako lang si Eugene ng Ghost Fighter baka kanina pa 'to tumumba.
After the scene in Mostelo ay hinatak niya ako pauwi. Palibhasa hindi niya kaibigan kaya wala siyang pake. Siguro kung si Alysson pa 'yon baka nakabaon na si Gardner sa lupa. I hate it! Bakit ko ba naisip 'yong babaeng 'yon? Nakakairita sa sistema.
"...kapag may nangyaring masama kay Sam. Ikaw! Ikaw ang malalagot sa akin!" Sigaw ko.
Inis na inis ako sa kaniya. We should follow Gardner and Sam. Baka may masamang mangyari dun. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili.
Pinagmasdan ko si Aki na nakaupo sa paanan ng kama habang nakanguso. Hindi man lang siya nasindak sa sigaw ko. Halos lumabas na ang usok sa ilong ko. It grows bigger than the normal everytime na sinisigawan ko siya. Actually, kanina ko pa siya binubulyawan pero ganyan lang ang reaksyon niya.
Lumapit ako sa kaniya. Nag angat siya ng tingin sa akin.
"Did you hear me?" Halos pasinghal kong sabi.
His lips protrude. His hand is resting to his chin. Hinahawak-hawakan niya 'yon.
"Hindi mapapahamak ang kaibigan mo." Seryoso niyang sabi.
Napairap ako sa pagkainis. Nakapamaywang ko siyang hinarap. Gardner looked so dangerous kanina. He look like a wild beast animal ready to eat his prey. Tapos hindi mapapahamak? Are you kidding me?
"Paano ka nakakasiguro, huh?" I gritted my teeth.
Bahagyang naka angat ang kaniyang kilay. Hindi pwede. Galit ako dapat. 'Wag kang paakit dyan. Nag iwas ako ng tingin. Tinuon na lang sa lamp na nasa gilid. Napalitan na niya 'yong lamp na nabasag. Kailan? Well...
"Obviously, they love each othe-"
Hindi ko alam kung anong part doon ang nakakatawa. Tinitigan ko siya at tyaka humalakhak dahilan ng pagkunot ng noo niya.
"Love?" Natatawa kong tanong. "Love ba 'yong paiiyakin ka?"
Tumatawa parin ako at pinunasan ang luha ko. Naiyak ako sa kakatawa. But then it fade, slowly...
Our eyes met. Parang gusto kong bawiin 'yong sinabi ko. Ako ba? Hindi ba ko umiyak? Natawa ako sa naisip. Well true love shed tears. Hindi mo naman iiyakan kung hindi mo mahal. So, sa part ni Sam mahal niya talaga siguro si Gardner... ang siraulong 'yon. Saan kaya sila ngayon? Shall I call Tito Gary?
Umayos siya sa pagkakaupo. Hinawakan niya ang kamay ko at pinaglaruan. Bumaba ang tingin ko roon. He's drawing circles on my thumb, nakakakiliti 'yon hmm...
"Can we not just talk about it?" He sighed. "Pinaasa mo na nga akong pupunta ka sa plantation kanin-"
"That's because I'm with Sam!"
He sighed again. Tumayo siya at hinawakan ako sa aking pisngi. His one hand is still playing with my thumb.
"Hindi ka talaga papatalo, ano? You changed a lot."
Tumaas ang kilay ko. Did I? Sabagay, noon lagi akong mag gi-give in sa kaniya. Kung ano gusto niya ay okay lang sa akin. Hindi ako umangal ni nagreklamo. Before, I'm already contented on the way he treat me. Kahit nga sulyap lang niya ay okay na ako. Solve na ang buong isang linggo. Hindi ko alam kung paano niya ako nagsabing nagbago. Kinokontra ko na ba siya? Well, that's one thing I learned in life. Life is not about giving. Sometimes, you need to receive too. Ang unfair naman kasi. Lalo na kapag na naabuso ka na. You know, sobrang kabaitan. Siguro kung nagbago man ako, hindi parte roon ang pagmamahal. Hinawakan ko ang kamay niyang nakalagay sa aking pisngi.
BINABASA MO ANG
Stay With Me (Victoria Girl's Series #1)
Romans" Stay. No matter how hard it is to be with me. I need you. Please, stay with me..." Si Seleucia Maria Valdemar ay isang tipikal na babae. Ordinaryo at may mabuting puso, galing sa isang mayaman na pamilya. Tulad ng iba ay mayroong mahal si Sel. Bat...