Kabanata 1

176 12 7
                                    


Kabanata 1

Zanier

Mabilis na lumipas ang isang buwan. Noong nakaraang linggo ay naging busy kami sa pagpa-practice para sa graduation. Ang bilis talaga ng panahon.


Pinagmasdan kong si Aki kanina na nagtalumpati sa harap. Inipit ko na lang ang aking labi para na rin pigilan ang kilig. Ang taong gusto ko ay napaka talino, hindi maitatanggi iyon. Kaya, napakalabo rin na mapansin niya ako.



"Congrats insan!" Bati sa akin ng pinsan kong si Gardner. Grumaduate rin siya. Buti nga eh at nahabol niya pa iyong isa niyang subject. Matalino sana itong pinsan ko kung hindi nga lang loko-loko.



"Salamat, ikaw din." pagbati ko rin sa kaniya. Nakita kong palapit sa gawi namin si Aki. 'Wag kang assuming Sel, nariyan kasi ang best friend niyang si Gardner. Hindi siya lumapit para batiin ka, sabi ng isip ko. Sasaktan mo lang sarili mo.



Tinanaw ko ang mga estudyanteng masayang-masaya kasama ang mga magulang nila. Sina mama at papa naman ay kausap lang ang mama at papa ni Aki sa gilid.


"Uy! Si Zanier oh. Crush mo iyan diba?" Panunuksong sabi ni Gardner sa akin. Nanlaki iyong mga mata ko. Ang ingay niya!


"Wag ka ngang maingay dyan!" Saway ko at hinampas siya sa braso niya. Gusto pa ata akong ibuking. Hindi nakakatuwa!



"Gardner pare, congrats!" Pagbati ni Aki nang tuluyan na siyang makalapit sa amin. Sabi na eh, si Gardner nga ang pupuntahan hindi ikaw at hindi magiging ikaw. Tumahimik na lang ako sa gilid. Mahirap na.



"Ikaw nga iyong dapat i-congrats pre! Valedictorian ka! Malupit ka talaga!" Tatawa-tawang sabi ng pinsan ko. Tinapik niya pa ito sa balikat. Talagang close sila, huh? Umiiling-iling na lang si Aki habang nakangiti. Malupit talaga itong si Aki, nasa Section 1 siya, magkaklase sila ni Gardner samantalang ako naman ay nasa Section 2.



Napansin kong lumingon siya sa akin. Napaigtad ako dahil hindi ko iyon inaasahan. Masyado na ba akong maraming nainom na kape at parang nagiging nerbiyosa. Masyado rin ata akong matagal nakatitig sa kaniya, kaya napansin ako.



"Congrats." Malamig na pagbati niya, kasing lamig ng yelo. Parang labag sa loob. Unti-unti ko siyang tinignan upang magtama ang aming paningin.



"Sa-salamat, ikaw din. Ang galing mo!" Masayang sabi ko kahit nautal pa sa una.


Humagikhik lang si Gardner sa gilid. Baliw talaga.



Nagkaroon ng celebration sa bahay ni Aki. Syempre, there's something to celebrate. Valedictorian ba naman. Pinapunta ako ni Tita sa bahay nila at hindi mapagkakailang maraming tao.



Hinanap ng mga mata ko si Aki at Gardner pero si Gardner lang ang nakita ko. Nakiupo ako sa tapat ng pinsan ko na may kausap na mga babae. Kahit kailan talaga ang lalaking ito, maharot.


"Sel!" Nagulat ako sa pagtawag sa akin ni Sam, nandito rin pala siya. Akala ko naman kung sino.


"Upo ka rito Sam." Sabi ko at iminuwestra ang kamay sa bakanteng upuan. Nakita kong tumitig sa kaniya si Gardner.



Mga ilang minuto pa ang lumipas nang nag-announce na ang emcee. Tumahimik ang lahat. May espesyal daw na bisita mula pa sa ibang bansa. Sino kaya iyon?


"Ladies and gentleman, let's all welcome this young lady fresh from New York, Alyssa Madison Coleman." Pagpapakilala ng emcee at nagpalakpakan ang lahat. Nakipalakpak na rin ako.


"Gardner!" pagtawag ko sa pinsan ko. "Sino ba iyan?" pagtatanong ko sa kaniya. Saglit niyang iniwanan ang mga girls na kausap niya.



"Ayan? Si Madison iyan. Long time crush ni Zanier." Pagpapaliwanag niya. Biglang sumikip iyong puso ko sa sinabi niya. Sana pala hindi na lang ako nagtanong.



Tinitigan ko ang babaeng nasa stage na ngayon ay nakangiti sa lahat.


Maganda.


Sobrang ganda.


Iyon ang salitang bagay sa kaniya. Kahit onse-anyos pa lang kami ay hindi mapagkakailang maganda talaga ito at mestiza pa. Napatingin ako sa sarili, walang wala kung ikukumpara sa kaniya.



"Uy! Ayos lang iyan, Sel." Mahinang sabi ni Sam. Pinilit kong ngumiti. Nahalata niya siguro ang pagtahimik ko.



Maya-maya pa ay lumapit na si Aki sa table namin, tumabi siya kay Gardner.



"Congrats nga pala, Aki." Sabi ng katabing babae ni Gardner. Napaangat ako ng tingin doon sa babae. Walang hiya! Ako lang dapat ang tumawag sa kaniya ng 'Aki.'


Pero sino nga ba naman ako? Masyadong pa-entitle. Everyone can call him naman like that.


Inilapat ko na lang ang tingin ko sa hawak kong baso. Wala akong karapatang pigilan iyong babae sa pagtawag sa kaniya noon. Alam kong tumingin sa akin si Aki dahil sa naaaninag ko siya, kaunti. Alam niyang ako lang ang tumatawag sa kaniya noon.




"Zanier, will be fine." Maikling sabi niya sa babae na ikinagulat ko.

Stay With Me (Victoria Girl's Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon