Kabanata 3Durog
Ito na ang araw na napagdesisyunan kong bisitahin si Aki sa room nila. Kabado talaga ako baka kasi hindi niya magustuhan. Hawak hawak ko ng mahigpit ang love letter na isinulat ko. Ibibigay ko na ba? Saglit ko itong inilapag katabi ang bag ko.
Nandito ako ngayon sa field. May PE class kami. Ano ba naman kasing klaseng ideya ang ibinigay sa akin ni Sam eh.
Pinagod ko talaga ng bongga ang sarili ko. Tumakbo ako at nagtatalon pampa-alis ng kaba.
"Hi Sel! Water break?" Sabi ng kaklase kong si Ryan at inabutan ako ng isang bottled water.
"Salamat." Nginitian ko siya at kinuha ang tubig at ininom.
Nakita kong lumapit sa akin si Sam. Nagpaalam na sa akin si Ryan at tuluyang umalis.
"Nakikipag-usap ka kay Ryan?" Nang uusisang tanong sa akin ni Sam.
"Oo, inabutan niya nga ako ng inumin." Sabi ko at ipinakita ang bote. Napasinghap na lang siya.
"Sel! Ano ibibigay mo na ba?" Tanong sa akin ni Sam sa akin. Umupo siya sa tabi ko.
"Hindi ko talaga alam Sam. Nagdadalawang isip nga ako eh." Sabi ko at nangalumbaba.
Ano kaya magiging reaksyon niya?
*imagination*
"Aki! May letter ako para sa iyo." Sabi ko at inabot sa kaniya ang letter.
"Talaga? Salamat dito Sel." Kinuha niya ang letter at niyakap niya ako.
*end of imagination*
Hays. Asa naman si ako.
"Bahala na Sam. It's now or never." Sabi ko at tumayo. Tumayo rin siya.
"Kaya mo yan. Tiwala ako sayo." Sabi niya at tuluyan na akong umalis.
Kasalukuyan kong tinutungo ang room niya. Kabado talaga ako. Parang kakawala na ang puso ko sa ribs ko. Naririnig ko ang kabog ng puso ko.
Ito na. This is it pansit!
Kumatok ako sa room nila. Nariyan na pala ang teacher nila.
"Ma'am pwede pong pa-excuse kay Mercado po." Sabi ko sa teacher nila.
Narinig ko itong sumigaw at tinawag si Aki.
Tumayo si Aki at lumabas ng room nila. Noong makita niya ako, bakas sa mukha niya ang disappointment.
"Pwede ba kitang makausap?" Sabi ko at bahagyang itinago ang papel na pinaghirapan kong isulat.
"I have no choice, ano yun?" bagot na tanong niya.
Hinila ko siya sa may locker room banda. Doon ko inabot ang papel na hawak ko.
"Ano ito?" Sabi niya na may halong pagtataka. Kumunot ang kaniyang noo. Dali-dali niyang binuksan ang papel.
"Love letter?" Natatawang sabi niya na may halong sarkasmo.
Tumango naman ako at ngumiti.
"Nagustuhan mo ba?" Tanong ko.
Nakita kong nilukot niya ang papel. Nanlaki ang mga mata ko.
"Ipinatawag mo ako sa klase para lang dito?" Inis na tanong niya at pinunit ng tuluyan ang papel.
"Tigilan mo na ako." Pagkasabi niya noon ay itinapon niya ang papel sa sahig.
Walang pasubali ko iyong pinulot, kasama ko naring pinulot ang puso kong dinurog niya.
"Kawawa naman. Na-busted ni Zanier." Sabi noong isa. Wala akong pakialam kung kutyain man ako ng ibang tao. Ang mas masakit ay iyong ginawa ni Aki sa akin.
Dumami na ang bulong-bulungan. Binalewala ko iyon. Tumayo ako at pinahid ang mga luha na nasa aking pisngi at tuluyang umalis.
BINABASA MO ANG
Stay With Me (Victoria Girl's Series #1)
Roman d'amour" Stay. No matter how hard it is to be with me. I need you. Please, stay with me..." Si Seleucia Maria Valdemar ay isang tipikal na babae. Ordinaryo at may mabuting puso, galing sa isang mayaman na pamilya. Tulad ng iba ay mayroong mahal si Sel. Bat...