Kabanata 9

118 9 0
                                    


Kabanata 9

Tandem


Inihampas ko ang bag ko sa aking kama sa sobrang pagkainis. Ang tanga ko! Pagkakataon ko na iyon pero sinayang ko lang. Tapos ito ako ngayon, iiyak-iyak. Hinubad ko ang ID ko at inihagis ito sa kung saan. Umupo ako sa aking higaan. Sinapo ko ng aking palad ang aking mukha. Hindi ko na napigilan ang pag-iyak.


"Wala kang kasing tanga, Sel." Sabi ko sa sarili ko. Si Aki at Ariana magkasabay na umuwi. Nagpapakipot lang naman ako eh. Sasabay naman talaga sana ako kung hindi lang dumating itong si Ariana.


Sa pag-iisip ko ng malalim ay may kumatok sa pinto. Dali-dali kong pinunasan ang aking mga luha at humarap muna sa salamin bago binuksan ang pintuan.


"I'm just checking you." Sabi ni mama nang buksan ko na ang pinto. Bigla kong naisip ang tungkol sa play.



"Come in." Pag-anyaya ko sa kaniya. Pumasok siya. Umupo kami sa kama ko.


"What happen to your things, baby?" Kunot-noong tanong niya. Hindi ko pala nailigpit ang mga gamit na inihagis ko kanina.


"It's nothing ma." Sinubukan kong gawing kaswal ang boses ko.



"Ma. Is it true? May kinalaman ba kayo tungkol doon sa play?" Pag-uusisa ko.



Hinawakan ni mama ang kamay ko. "Anak, napagkasunduan kasi namin ito." So, confirmed. May kinalaman sila. Binawi ko ang kamay ko at tumayo.


"Ma naman, alam mo namang weakness ko ang pag-arte. Dinagdagan mo lang ako ng trabaho at alalahanin." Inis na sabi ko. Tumayo rin si mama.


"I'm sorry baby. I just want you to improve your acting skills." Paliwanag ni mama.


"Not in this way ma. Why of all people si Aki pa ang napili niyong maging kapareha ko?" Muli kong pagtatanong.


"You like him, right?" Natigilan ako sa sinabi niya. Shoot! Tinamaan ako roon. Hindi man lang nakaiwas.


"Maliligo muna ako, nabasa ako." Sabi ko at dire-diretsong pumasok sa banyo.


Lumumlob ako sa tub. Inilubog ko ang sarili sa tubig, hanggang sa lebel ng aking bibig.



"You like him, right?"

"You like him, right?"



Nag-echo ang sinabi sa akin kanina ni mama. Tama siya. Oo, gusto ko parin talaga siya. Gustong-gusto. Mahigit tatlong taon ko na siyang gusto at patuloy paring gugustuhin.

***


Kinabukasan ay nanlalanta akong pumasok sa paaralan. Unang pagkakataon na tinamad ako bukod sa pagpasok tuwing umuulan. Isa kasi iyon sa kinatatamaran ko. Ngayon ang unang practice namin ni Aki para sa play. Ni hindi ko nga alam kung paano ko siya haharapin eh.



"Sel!" Binangga ako ni Sam.


"Ayos ka lang?" Pag-usisa niya sa akin nang hindi ako umimik at tila hindi natinag sa pagbangga niya. Tumango lang ako.


"Ngayon ang unang practice niyo diba? Good luck!" Sabi niya at niyakap ako. I'm thankful that I have a best friend, I'm thankful that I have Sam.



Kaagad akong pumasok sa pintuan ng theater room nang makarating ako doon. Dahan dahan kong isinara ang pinto at naglakad patungong stage. Ilang hakbang pa lang ay nakarinig ako ng hagikgikan.



Stay With Me (Victoria Girl's Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon