Kabanata 16Bakit?
Dahil gustong maligo nina Gardner sa Tanawan ay sumama ako. I want to make memories, isa pa were leaving soon which is one week from now. Pinayagan din naman ako nina mama at papa. They just told me to care of myself. Actually, these past few days after I got diagnosed ay lagi ng sumasakit ang ulo ko at nahihilo. Dumating sa pagkakataon na gusto kong ipukpok ang ulo ko sa pader but mom is always there to hug me. Minsan sinasabunutan ko ang aking buhok pero she touched my both hands while she's crying. Halos kasing laki na raw ng kamao ko ang tumor ayon sa doktor.
We already fix my papers at school too. Mag ta-transfer na ako sa America. No one knows about this. I don't have a plan. I don't want to see their pity towards me, tutal babalik naman ako pagkagaling ko.
Humalikipkip ako at pinagmasdan silang nagbabasaan. I'm going to miss my cousin kasi kahit sa kaniya ay hindi namin ipapaalam. He might be a playboy and a badass but whenever I'm lonely, I can always count him in.
"Tara na Sel! Let's swim." Pagyayaya ni Gardner sa akin. Nakita kong tumingin sa akin si Aki na naliligo rin. Katabi niya si Ariana at si Sam naman ay kausap si Lincoln.
Hindi ako sumagot. Umupo ako sa buhangin. Humalakhak siya. "Bahala ka nga." Aniya.
Halos mabaliw na ako sa problema ko but my doctor advised to avoid being stress pero hindi ko mapigilan.
"Sel..." Kinilabutan ako ng tawagin niya ako sa pangalan ko. Tinignan ko siya habang lumalapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko. Why did he left Ariana alone?
"Bakit hindi ka pumunta noong araw na ipinatawag kita kay Sam?" Pagtatanong niya.
My mom asked Sam a favor to not tell anyone about doon sa pagkakahimatay ko. Clueless si Sam pero I know she's starting to be curious. Kahit na nagdududa siya sa biglaang favor sa kaniya ni mama ay ginawa niya parin ito.
"Jack..." Panimulang sabi ko. "Jack and I go on a date." I lied. Patawarin nawa ako ni Jack sa ginawa ko. Dinamay ko pa siya rito. Nakarinig ako ng ilang mahihinang mura mula sa kaniya.
"Jack? That asshole! Why did you choose him?" Inis na sabi niya.
Bumaling ako sa kaniya at pekeng ngumiti."I'm happy with him-"
"Fuck! Dammit!" Napapikit ako sa mura niya. Sinuklay niya ang kaniyang buhok gamit ang mga daliri.
"So, what Sam told me is really true? Alright." Sabi niya bago tuluyang umalis. Galit siya, galit na galit.
Naiiyak ako, sobra. Iyong taong ito ay halos ginawa ko ang lahat para mapansin niya ako, pero ngayon ako na mismo ang nagtutulak sa kaniya palayo. Tumingala ako para pigilan ang luhang nagbabadya ng pumatak sa pisngi ko. This is good for the both of us. Hindi baleng ako na lang ang masaktan, 'wag lang siya. Wala rin namang assurance itong sa amin. I don't want him to suffer.
Ilang araw nadin ng hindi na ako pinapansin ni Aki. Simula noong eksena namin sa Tanawan. Well, ganito naman siya noon. He's back to his old self, maganda nga iyon para hindi na ako mahirapang umalis, bukas. Kaso, hindi ko paring mapigilang masaktan lalo na't nakikita ko silang dalawa ni Ariana.
"Nood tayo ng movies mamaya." Pag aanyaya ni Ariana. Nasa field ako, naka upo sa ilalim ng puno. Nakita ko pang sumulyap si Aki sa akin pero noong nagtama ang aming paningin, ay nag iwas siya ng tingin.
So totoo pala iyong tsismis. Sinagot na daw nitong si Ariana si Aki. Si Ariana pala iyong dalawang taon ng nililigawan ni Aki.
Umiling ito. "No. Sa Talavera na lang tayo."
BINABASA MO ANG
Stay With Me (Victoria Girl's Series #1)
Romance" Stay. No matter how hard it is to be with me. I need you. Please, stay with me..." Si Seleucia Maria Valdemar ay isang tipikal na babae. Ordinaryo at may mabuting puso, galing sa isang mayaman na pamilya. Tulad ng iba ay mayroong mahal si Sel. Bat...