Kabanata 22

109 3 1
                                    

Kabanata 22

Marry


Nagising ako sa sikat ng araw mula sa labas. I groaned when I saw an image. Si Ate Lea na binubuksan ang kurtina dahilan upang pumasok ang sunlight mula sa labas. I turn to the right side of the bed para talikuran siya.


I badly want to sleep. Hindi ako halos nakatulog kagabi sa kaiisip. Why Aki is treating me that way? Hindi ba dapat ay galit siya sa akin, sa ginawang pang iiwan ko sa kaniya? O baka nagbibigay malisya lang ako? Or maybe this is part of his revenge? Sumama ang pakiramdam ko sa huling naisip.


"Ma'am Sel, sabi po ni Sir Zanier ay sabay na ho kayong mag-almusal." Sabi niya.



Napapikit ako ng mariin. Bakit pa? Hindi ba siya makakain mag-isa? Baka naman gusto niya ay subuan pa siya. Pathetic... Ano siya, baby? Baka naman ay gawin niya akong serbidora? My gosh!



"Pakisabi inaantok pa ako." Sabi ko at itinalukbong ang comforter sa akin.



Ayoko. Hindi ako bababa. Siguro mamaya kapag umalis na siya. Bahala siya diyan. Titiisin ko muna ang gutom.


"Sige po, ma'am." Si Ate Lea.


Napabuntong hininga ako nang narinig na sumara ang pintuan indikasyon na lumabas na si Ate Lea. Nanatili ako sa ilalim ng aking comforter.


I thought everything will be fine in my life after what happened to me in States. Dapat talaga ay nag stay na lang ako roon. Kahit na maghirap ako. Sa mga panahong katulad nito ay kailangan ko ng aruga ng isang ina. Kaso, anong magagawa ko? Wala na siya.


There's one thing I learned in my life now. Everyone must value their parent while they're still alive. Hahanap-hanapin mo sila. Kahit na minsan ay para silang sirang-plaka. Walang anumang bagay na tutumbas sa magulang, kahit sino... Wala.



Wala na akong malalapitan sa mga problema ko. You can say na I still have a dad pero iba talaga. I know most of us ay malapit sa ina, ngunit hindi ko nilalahat. May ilan na sa ama naman.



Tinanggal ko ang comforter at umupo sa kama. Tears burst into my eyes. If I can only rewind my life, then I will. Pero hindi... May mga bagay na hindi natin kailanman maibabalik.



Ilang oras ang nakalipas nang mapagdesisyunan ko na bumangon. Dumiretso ako banyo upang mag shower. Iyong kwarto ko noong nasa States pa kami ay kasing laki lang nitong banyo. Hindi ko akalain na yayaman ng ganito si Aki. I mean, mayaman na sila noon, gaya namin... Pero grabe lang, I wonder if it's all his effort or with Tito Arthur and Tita Anne's help?



Matapos kong maligo ay nagbihis na ako. I wear a huge white t-shirt and a black jersey short. The heck? Bakit ito lang ang laman ng closet? Siguro magpapabili na lang ako kay papa ng matinong damit, hindi gaya nito. Para akong maglalaro ng basketball.



Bumaba ako ng mag aalas-dies. Kumakalam narin ang sikmura ko. Siguro naman ay wala na siya. You know, he's working diba? Baka umalis na, sana...



Hindi ko mapigilang mamangha sa interior design ng bahay--- no, this is probably a mansion. Elegante at antique ang disenyo. Sumisigaw na mayaman ang nakatira rito.



Dinaanan ko ang living room, halos mabali ang leeg ko. Isang 42' inches television na tantsa ko ay malamang sa alamang ay HD. Lalo na sa chandelier na nakasabit sa gitna. Sa anyo nito ay halatang may kamahalan. Sa presyo nito at mabubuhay na ako ng tatlong buwan.



Bago pa tumulo ng tuluyan ang laway ko ay nilisan ko na ang lugar at dumiretso sa dining area. The kitchen is huge with a complete cooking materials.


Stay With Me (Victoria Girl's Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon