Kabanata 23
Don't
Napamura ako sa isip nang sa ika-limang hotel ay wala paring bakante. Nagtataka ako kung nagkataon lamang o, ano ba. Pero hindi parin ako nawawalan ng pag-asa. Kahit bed space ay papatulan ko na. Maghahating-gabi na ang nasa labas padin ako. Niyakap ko ang sarili dahil sa masaganang ihip ng hangin.
"Manong, doon po." Turo ko kay manong driver. Ilang oras nading nagpaikot-ikot ang tricycle ni manong.
Umalis ako sa mansiyon ni Aki ng ala-sais. Sinadya ko iyon upang hindi maghinala si Ate Lea. Paalam ko ang pupunta lang ng grocery para mamili. Lingid sa kaalaman niya na lalayas ako. Hindi ako nag abalang magdala ng gamit upang hindi siya maghinala. Iniwan ko lahat maliban sa aking cellphone na in-off ko kanina upang hindi ako ma-kontak. Iyon lamang ay kung ko-kontakin ba at maliit na bag kung saan naroon ang aking wallet.
"Nandito na po tayo, ma'am." Sabi ni Manong at pinarada ang sasakyan sa isang hindi kalakihang hotel.
Alam na ni Manong ang gagawin. Sa ilang oras ba naming paikot-ikot ay sino ang hindi makaka kabisado. Gaya noong una ay hinintay niya lamang ako sa labas. Kung sabagay, hindi ko parin naman siya nababayaran.
Dumiretso ako sa pinaka tanggapan ng hotel. Sinalubong ako ng isang babaeng maganda ngunit may katandaan na. Nilibot ko ang paningin sa paligid. Ayos lang at mukhang disente naman. Kung dito ako magpapalipas ng gabi ay sa tingin ko ayos naman, mukha namang ligtas dito.
"Magandang gabi po. Welcome sa SR Hotels." Bati sa akin noong babae. Nabaling ang mga mata ko sa kaniyang nameplate, nakasulat doon ay Cecil. Nginitian ko siya.
"One room, please." I requested. Tumango lamang ito at tumingin sa computer. Tahimik lamang akong naghintay.
Napaangat ako ng tingin sa kaniya noong may tumawag sa telepono. Nag angat ako ng dalawang kilay sa kaniya.
"For a moment, ma'am." Sabi nito at kinausap ang tumawag. Humalikipkip ako habang naghihintay. Poor customer's service, ang bagal!
Iniisip ko na lalabas muna sana para bayaran na si manong na kanina pang naghihintay sa labas. Kaso, mukhang tapos nadin siya makipag usap sa kabilang linya.
"O... Okay po." Binaba na niya ang tawag at bumaling sa akin. Tinanggal ko ang aking kamay sa paghalukipkip, umaasa na sasabihin niya na ang room number ko.
"I'm so sorry, ma'am. Wala na po kaming vacant." Sabi nito na ikinagulantang ko. I muttered curses bago siya tinalikuran. Muli itong humingi ng pasensya sa akin. What the hell! Napaka paasa niya. At tyaka sino ba iyong kausap niya sa kabilang linya?
"Ms. Cecil send me all the files tom-" Hindi natapos ng isang pamilyar na babae ang sasabihin nang makita niya ako. Napaawang ang bibig ko sa gulat. She looks different now. She looks so matured with her red fitted dress and her black stilettos. Its been a long time since we saw each other. God knows how much I missed her!
"Sam." Hindi makapaniwalang sabi ko. Ang dami kong gustong i-kwento sa kaniya. Gusto ko siyang yakapin ng sobrang higpit hanggang sa matumbasan nito ang ilang taon naming hindi pagkikita.
I step closer para sana lapitan siya, ngunit umatras ito.
"Ms. Cecil, don't forget the files." Sabi nito at umamba ng aalis.
Hindi ako papayag na hindi ko siya makausap man lang. Kumusta na kaya siya? Dito ba siya nagta-trabaho? Naka-graduate ba? Sila na ba ni Gardner? Sa dami ng gusto kong itanong at sabihin ay hindi ko alam kung saan maguumpisa.
BINABASA MO ANG
Stay With Me (Victoria Girl's Series #1)
Romance" Stay. No matter how hard it is to be with me. I need you. Please, stay with me..." Si Seleucia Maria Valdemar ay isang tipikal na babae. Ordinaryo at may mabuting puso, galing sa isang mayaman na pamilya. Tulad ng iba ay mayroong mahal si Sel. Bat...