Kabanata 25

140 5 0
                                    

Kabanata 25

Surprise

Maaga akong gumising para sa pinaplano kong pagbawi. These past few days, feel ko nagiging mabait na sa akin si Aki. Pero hindi parin mawala sa akin ang doubt, na baka this is part of his revenge? I don't know. Mahirap na kasing umasa. Actually, kasalanan din natin kung bakit tayo nasasaktan. It's our choice na umasa. Hindi naman kasi lahat ng ginagawa niya ay may motibo na, baka masyado na tayong nagiging assuming.

"Good morning po, ma'am." Naabutan ko si Ate Lea na nasa kusina na.

Kumuha ako ng isang sandwich, na hinanda ni Ate Lea. Agad ko iyong nilantakan at nang naubos ay kinuha
na ang apron at isinabit iyon sa akin.

"Saan po ako magsisimula?" Tanong ko habang tinatali ang apron sa aking likuran. Sinulyapan ko ang orasan na nakasabit dito sa kusina. Ala-sais palang ng umaga.

"Hiwain mo ito." Inabot niya sa akin ang mga rekado na agad ko namang tinanggap. I know how to cook naman. US taught me to be independent. Nga lang, sa mga Filipino dish ay hindi masyado.

Since, mukhang magtatagal naman ata ako rito. Explore ko na lang itong kitchen, napakalaki at kumpleto sa gamit. Araw-arawin ko siguro ang pagluluto, tutal its interesting naman.

"Anong oras po ba bangon niya?" Patuloy ako sa paghiwa. Hinati ko sa gitna ang talong at hiniwa pa ito ng maliliit.

"7:00 po ma'am. Aalis po siya ng mga 7:30. Bakit po pala hindi ka sumasabay, ma'am?"

What she said shoot me. Bakit nga ba? I don't know, too. Hindi ko lang feel. Pakiramdam ko nga ay nagiging masama na ako. Dahil sa wala akong masagot ay nanaig ang katahimikan sa amin. Tanging paghihiwa ko na lamang ang naririnig.

Ate Lea told me that Aki really prepared last time. Kaya pala ganoon na lang ang pagpigil ni Ate Lea sa akin. Mali naman kasi siya, sana sinabi niya na lang sa akin na may hinanda para sa akin. Kaso, hindi na iyon surprise, hindi ba? Ang gulo ko.

"Naku, ma'am. Nag set pa si Sir ng table sa gitna ng flower plantation ma'am." Ani ni Ate Lea.

Well, he has a romantic side too. Napatango ako ng marahan. He's not like this, way back... Sa katunayan, ako ang nagi-insist sa aming dalawa.

"Tapos na!" Napapalakpak ako nang matapos kami. Inatake ng mabangong amoy mula sa kare-kare ang ilong ko. I know, masarap ito. Amoy pa lang pamatay na.

"Nariyan na si Sir, ma'am." Nilingon ko si Ate Lea na tapos nang mag ayos ng mga pinggan. Sinulyapan ko ang mala adonis na naka faded blue maong, black boots and white shirt na si Aki. His scent is so manly, ano kaya ang pabango nito? Sigurado akong mamahalin.

"You cook this?" Aniya habang tinitignan ang pagkain.

"Ye-yes." Mabilis na tango ko. Nakakahiya, nakita niya ba ang paninitig ko sa kaniya?

Tumango siya at sumulyap sa akin bago umupo. Umupo na rin ako. Alangan namang hintayin ko pang ilahad niya ang aking upuan tulad ng sa mga pelikula. Not that I want that, well... who won't like it? I just don't want to be over demanding.

"Here." Nilagyan niya ang aking pinggan ng maraming kanin. Hilaw akong ngumisi, I'm on a diet! Sigaw ko na hindi naman isinatinig.

"Thanks." Sabi ko ng lagyan niya pa ako ng marami ring ulam. Like what, Aki? Gusto mo ba akong lumobo? Sarap na talagang magreklamo.

"You should eat more." Kumuha narin siya ng para sa kaniya. Halos lumuwa ang mata ko sa dami ng kaniyang kanin. Sabagay, boys needs more energy. Handa sa anumang digmaan, mapa trabaho o sa kung anuman 'yan...

Stay With Me (Victoria Girl's Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon