Kabanata 11Body Shot
Tumunog ang aking cellphone na nasa lamesa. Kinapa ko ito at sinagot.
"Hello Sel!" Si Sam. Kinusot ko aking mga mata.
"Hi Sam. Ang aga mong mambulabog." Bagong gising na sabi ko. Anong meron? Sabado naman ngayon at walang pasok. Wala rin naman kaming napag-usapan na gala.
"Aga ka dyan. 10 na kaya! Birthday ni Gardner today. Inimbitahan niya ako para daw may kasama ka." Hinila ko ang aking kumot. Ayaw ko pang bumangon.
"Iyon ba talaga ang dahilan, Sam?" Narinig ko siyang tumikhim sa kabilang linya. Natawa ako. Mga ilang linggo narin ko siyang nahahalata about nga sa pinsan ko.
"Tawa ka dyan! Bumangon ka na tulog mantika." Pang-aasar niya. Napairap ako sa sinabi niya. Well, totoo namang tulog mantika talaga ako. Siguro kapag nagka sunog ay isa ako sa mata-trap. 'Wag naman sana. Wala pang ganap sa amin ni Aki.
"Gardner ka naman." Panunukso ko. Narinig ko siyang umalma kaya humagalpak na ako sa tawa. Nagising na buong diwa ko. Kailan niya pa nagustuhan ang pinsan kong babaero?
"Mag ayos ka na bruha. Pupunta ako dyan sa inyo." Pagtatapos niya sa usapan.
"Aye! Mrs. Valdemar." Sabi ko at ibinaba ang tawag. Siya naman ang maasar, ginising niya ako.
Wala pang isang oras ay tapos na akong mag-ayos. Isang simpleng black dress lang na two-inches above the knee at white na sneakers. Pababa na ako ng makita ko si Aki na nasa sala at kausap si papa. Ano to? Namamanhikan? Napailing na lang ako sa naisip. Masyado akong advance!
Nang makababa ako ng tuluyan ay napatingin silang dalawa sa akin. Tinitigan ni Aki ang suot ko at sinuri ito.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Aki.
"Birthday ng pinsan mo ngayon at kayo daw ang in-charge sa pagbili ng cake." Si papa ang sumagot. Kanina pa pala sila nag-uusap? Napairap ako. Panigurado akong sinet-up ako ni Sam. Sabi niya siya ang pupunta rito!
"Ganoon ba kabigat ang cake para kaming dalawa pa ang bibili?" bulong ko pero narinig ata ni Aki iyon. Tinitigan niya ako ng masama.
"Maiwan ko muna kayo." Paalam ni papa ng mag-ring ang cellphone niya. Kinuha ko ang toasted bread na may butter at isinubo iyon. Sumalampak ako sa kabilang sofa sa tapat niya.
"Anong klaseng damit iyan?" Sabi niya. Napatingin ako sa kaniya. Nakalagay ang kaniyang dalawang kamay sa dibdib. He really know how to pissed me off!
"Ang iksi." Dagdag pa niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Why do you care?"
"Get up and change." He said.
"Ayoko nga." Pagmamatigas ko. Kinain ko ang natitirang tinapay sa mesa.
"Fine." Sabi niya at tumayo. Pikon!
"Saan pala tayo pupunta, Aki my loves?" Tinitigan niya ako. Nginitian ko siya at nag peace sign. Nagkibit balikat na lang siya at tuluyan ng lumabas ng bahay. Ang cute niya sa suot niyang v-neck white shirt na tinernuhan ng black jacket.
"Alis na po kami tito." Pagpapaalam niya kay papa. Tinanguan lamang siya nito at ako naman ay nag-wave lang.
Diretso siyang sumakay sa kaniyang sasakyan. Bastos! Ni hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto. Tumabi siya sa driver samantalang ako ay nasa likod lang nila.
BINABASA MO ANG
Stay With Me (Victoria Girl's Series #1)
Roman d'amour" Stay. No matter how hard it is to be with me. I need you. Please, stay with me..." Si Seleucia Maria Valdemar ay isang tipikal na babae. Ordinaryo at may mabuting puso, galing sa isang mayaman na pamilya. Tulad ng iba ay mayroong mahal si Sel. Bat...