Kabanata 32
Masakit
Masakit. Sobrang sakit ng puso ko, katawan, kaluluwa, atay, balun-balunan lahat na. Umuwi ako sa mansyon na hindi malaman ang hitsura. Mukhang ginahasa at nasagasaan ng tatlong ulit. Kaya naman pag uwi ko sobra ang pagaalala ni Ate Lea at ng iba pang mga kasambahay. Hindi ko nga rin alam kung paano ako nakapag drive ng hindi nababangga eh.
Hinila ko ang kumot sapat para matakpan ang katawan. Mahapdi ang mga mata ko, marahil sa pag iyak ko ng buong gabi. Nakahiga nga ako sa malambot na kama pero imbes na bed of roses ang dating ay bed of thorns at nails.
Wala ng mas sasakit pa ng malaman na hindi umuwi si Aki kagabi.
"Ma'am, hindi po talaga sinasagot ang phone." Si Ate Lea.
Kanina niya pa tinatawagan si Aki kahit hindi ko naman siya inutusan. Sabagay, she has the right since siya ang pinaka mayordoma rito. While me, I don't think that I have a right towards him.
Mabagal kong nginuya ang beef steak na pang tanghalian na. Late na kasi ako nagising so I escaped breakfast sa hindi kagustuhan.
Bumuntong hininga siya bago muling nagsalita. "Ma'am, ano po bang nangyari kagabi?"
Napahinto ako sa ginagawa. Hindi ko namalayang nabagsak ko pala ang tinidor, na gumawa ng maingay na tunog. Nag angat ako ng tingin sa kaniya. She looked so shock.
Nangyari? What the fuck? Sinusubukan ko ngang kalimutan pero heto siya't nagpapaalala. May sasabihin sana ako kaso biglang umikot ang aking paningin.
Agad na lumapit si Ate Lea at dalawa pang kasambahay. Agad nila akong dinaluhan.
"Ma'a-"
Bago pa man mangyari ang mga bagay-bagay ay bigla akong nakaramdam ng sobrang sakit ng ulo na may kasamang pag pintig. Gusto kong himatayin sa sobrang sakit. Sinubukan kong labanan pero biglang nagdilim ang lahat.
"Anak, halika"
Unti-unti kong naaaninag ang babaeng kahawig ko. May katandaan lang siya ng kaonti. Lumakad ako ng dahan-dahan patungo sa kaniya. Bukas ang mga braso niya upang ako roon ay yakapin.
"Pagod ka na ba, anak?" Punong-puno ng sinsiredad niyang tanong.
Nagsimula ng pumatak ang mga luha ko. Babaeng minahal ko ng sobra. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa masaganang luha.
"Ma-mama." Humahagulgol kong pag tawag.
Ngumiti siya at niyakap ako ng mahigpit.
"Kaya mo 'yan, anak. Kakayanin mo." Paulit-ulit niyang sabi.
Umiiyak ako nang magising. Isang panaginip pala ang lahat. Isang magandang panaginip.
"Ma'am, ma'am! Ayos lang ho, kayo?" Si Ate Lea.
Hinawakan ko ang gilid ng aking mata. Umiiyak nga ako. Dapat hindi muna ako nagising or sana hindi na lang ako nagising. Doon alam kong naroon ang aking kakampi.
Sinubukan kong umupo. Sobrang hirap man pero nagawa ko parin. Inalalayan ako ng isang kasambahay.
"Ano pong nangyari?" I managed to ask.
"Ma'am, nahimatay po kayo. Tapos umiiyak po kayo habang tulog." Sabi ng isang kasambahay.
Marahan akong tumango at binaling sa iba ang atensyon. Humahangos na dumating ang isang kasambahay dala ang cellphone. Pinasa niya 'yon kay Ate Lea na tinanggap naman nito.
"Hello po, Sir Zani-"
Hindi na natapos ni Ate Lea ang nasabi. Marahil narin sa pagkagulat. Naka loudspeak mode ang phone kaya rinig na rinig ko at kilala ko kung sino 'yon.
BINABASA MO ANG
Stay With Me (Victoria Girl's Series #1)
Romance" Stay. No matter how hard it is to be with me. I need you. Please, stay with me..." Si Seleucia Maria Valdemar ay isang tipikal na babae. Ordinaryo at may mabuting puso, galing sa isang mayaman na pamilya. Tulad ng iba ay mayroong mahal si Sel. Bat...