Kabanata 6Ngiti
Naguguluhan pa rin talaga ako sa kaniya. Konti na nga lang ay mapagkakamalan ko na siyang bipolar. Minsan parang may pakialam siya sa akin, madalas wala. Pinapaniwala ko na lang ang sarili ko na he's just a protective childhood friend rather than a jealous one. Mas masakit kasi iyon, naga-assume ka sa wala.
Mabilis na lumipas ang dalawang taon sa buhay namin. Sa taong ito ay tutuntong na kami sa ika-siyam na baitang. Nakarating sa akin na may nililigawan na nga daw itong si Aki at syempre hindi ako iyon. Magdadalawang taon na rin daw. Pakipot iyong babae, kasi kung ako iyon sinagot ko na siya kahit hindi pa siya nanliligaw. Natawa ako sa naiisip ko, ako naman kasi ang parang nanliligaw sa kaniya.
Nilanghap ko ang sariwang hangin dito sa Tanawan, isa ito sa pinagmamalaki ng Victoria bukod sa Marago Gardens. Actually, maraming magandang lugar dito sa amin kaya hindi na kailangan pang mangibang-bayan. Learn to appreciate your own place bago ang iba.
" Whoa!" Tili ko. Dinama ko ang bawat tubig na tumatalsik sa akin. Napaka payapa. Tinanaw ko si Aki na nasa bandang dulo ng bangka na nasa malayo nakatingin. We're so close yet so far. Ako ang kasama niya sa bakasyong ito, pero iba ang nasa isip niya. Ibinagsak ko na lang ang tingin ko sa aking mga paa. Wala na nga yata talaga akong pag-asa.
"Narito na tayo." Sabi ng mama ni Aki. Napalingon ako sa gawi nila. Lahat sila ay excited na mag snorkeling. Hinubad na nila ang kanilang dobleng damit na nasa loob ay bikini. Nakakabilib! Kahit na may anak na sila ay maganda parin ang hulma ng kanilang katawan. Sinaklob nila ang life jacket for safety na rin. Sila papa naman ay nagtanggal lang ng t-shirt.
"Ano pang hinihintay mo Sel, tara na!" Pag aanyaya ni mama. Nginitian ko na lang siya at sinenyasang mauna na sila. Nakita kong nagsipaglubog na sila at tanging kami na lang ni Aki ang naiwan dito sa bangka.
Inilabas ko ang cellphone ko at pinicturan sina mama. Wala na yatang mas sasaya pa na makita mo na masaya sila. Inilipat ko sa front cam at ako naman ang nag picture. Inanggulo ko pa sa gawi ni Aki para masama siya sa picture.
"Stolen picture is rude." Sabi niya. Napaigtad ako sa gulat. Alam niya? Nilingon ko siya at nagtama ang aming paningin.
"Hi-hindi naman kita kinukuhanan." Pagsisinungaling ko. Iniwas ko na ang tingin sa kaniya at nag-picture na lang ulit.
"Talaga? Hand me your phone." Paghahamon niya. Inirapan ko na lang siya. Ibinalik ko ang cellphone ko sa aking bag at tumayo.
Hinubad ko ang jacket na suot ko. Naka one-piece bikini ako sa loob. Nakita kong malagkit ang tingin sa akin ni Aki. Hindi ko na lang siya pinansin. Tinanggal ko ang tali sa aking mahabang buhok dahilan upang bumagsak ito. Hindi na ako nag atubiling isuot ang life jacket. Kung malulunod man ako, hihilingin kong si Aki ang magperform ng CPR.
Tumalon na ako. Sobrang sarap sa pakiramdam at ang lamig ng tubig. Napakalinaw sa ilalim. Wala ring basurang nagkalat sa ibaba. Pagkaahon ko ay nasalubong ko ang nagtatangis na bagang ni Aki at nanlilisik na mga mata niya. Anong meron?
"Are you crazy? Get this." Sigaw niya at ibinato sa akin ang life jacket.
Napangiti ako. "Bakit parang takot ka yata na mamatay ako?" Pang-aasar na tanong ko.
"I'm not. Ayoko lang mawalan ng anak sina tita." Balewalang sagot niya. Ganoon pala ha?
"Here, get this!" Sigaw ko sa kaniya at inihagis pabalik ang life jacket. "I can manage." Swimmer kaya ako. Inenroll ako nina mama dati sa isang swimming club.
Nasalo naman niya ang binato ko. Sumisid na ako sa ilalim. Sana may oxygen ako para mahawakan ko iyong mga corals, ang kaso wala. Next time na lang siguro.
Naramdaman ko ang pagbulusok ng tubig sa akin gilid. Nang nilingon ko ay si Aki pala. Umangat ako at nakita ko siya. Nginitian ko siya pero hindi niya sinuklian.
"Bakit hindi mo dinala dito iyong nililigawan mo?" Pagsisimulang tanong ko. Kumunot ang noo niya.
"Why do you care?" Bagot na sagot niya. Napatango ako "So, meron pala talaga." Tumikhim siya.
"You really know how to ruin the moment." Sabi niya.
"Wala namang moment." Sabi ko at ngumuso. Bigla niyang pinisik ang tubig at tinamaan ako. Hindi talaga siya tumigil hangga't parang hindi pa ako nalulunod.
"Stop haha stop." Natatawang sabi ko. Kahit yata ilunod niya ako ay masaya parin ako. Parang baliw, ano?Huminto siya onti at nakita kong ngumiti siya. For the first time, nakita ko rin siyang ngumiti. Gumanti rin ako at binasa rin siya ng tubig.
Sana lagi siyang ganito, lagi kaming ganito. If time would just stop for a while. Then I'll feel blessed.
BINABASA MO ANG
Stay With Me (Victoria Girl's Series #1)
Romance" Stay. No matter how hard it is to be with me. I need you. Please, stay with me..." Si Seleucia Maria Valdemar ay isang tipikal na babae. Ordinaryo at may mabuting puso, galing sa isang mayaman na pamilya. Tulad ng iba ay mayroong mahal si Sel. Bat...