One

3.1K 46 11
                                    

"Wow! Mahal sobrang ganda naman dito, grabe.." masayang sabi ni Apple sa asawa.

"Buti naman at nagustuhan mo mahal.." sagot ni Luke sa kanya.

"Grabe mukhang maeenjoy ko dito mahal. Matagal tagal na din tayong di nakakapag beach. Sana pala sinama na natin mga bata nuh?"

"Mahal naman minsan kailangan din nating magmomol.. just the two of us. You, me in this relaxing and very romantic place. And im hoping na talagang napangiti kita dahil dito kita dinala.." sabay back hug ni Luke sa asawa.

"Anong momol ka jan. Diba sabi mo nga company outing to. Malamang di din tayo makapag quality time nito kasi job related pa din ang lakad nato.. teka mahal asan na nga pala mga ka officemate mo? Napaaga ba tayo ng dating?" Pagtataka ni Apple.

"Yung totoo mahal hindi ito company outing. Talagang sinadya kong dalhin ka dito kasi gusto kong dito mag celebrate ng 10th year wedding anniv natin..."

"Oh my God..  talaga ba mahal?"

"Happy 10th wedding anniversary mahal and let me add our 5 years back then when were couple pa. Happy 15 years and counting mahal.."

"Luke,,,, mahal... sobrang.. sobrang di ko inaasahan to.. akala ko nga nakalimutan mo na.." at humagulgol ng iyak si Apple.

"Makakalimutan? Talaga lang mahal ha? Sa 15 years na yan may naalala kaba na nakalimot ako sa anniversaries natin?" Pagmamalaki nito.

"Huhuhu.. sobrang na touch at nasurprise ako mahal.. hindi ko talaga to inasahan." At lalo pang humagolgol si Apple ng iyak.

"Mahal naman dinala kita dito para mag enjoy at mag unwind, hindi para paiyakin ka. Masyado kang naka focus sa amin ng mga bata to the point na nakakalimutan mo ng paligayahin ang sarili mo. I hope mahal itong pagpunta natin dito ay makapag parelax sayo. You really deserve this. I love you mahal.."

"Alam mo mahal ang swerte, swerte ko sayo. You never fail to surprise me. Thank you.." sagot naman ni Apple sa kanya.

"No mahal ako ang maswerte. Binigyan ako ng dyos ng perfect wife. Salamat sa walang sawa mong pag aalaga sa amin. At mahabang pasensya na binibigay mo. Sa masarap na pagkain na inihahain mo sa araw araw. Sa paglalambing mo. Sa pagiging hands on mom mo. Thank you for giving me our 2 wonderful kids. Thank you for giving up your career para sa pamilya natin.Kulang ang buong araw nato mahal para masabi ko lahat ng mga bagay na meron ka na higit kong pinagpapasalamat."

"Ok fine hahaha talo na ako. Ang dami na nung sinabi mo eh. Wala ka dapat ipagpasalamat mahal kasi lahat yon ginawa ko  dahil gusto ko at higit sa lahat sobrang mahal na mahal ko kayo ng mga anak natin."

"Tama na nga to mahal.. hindi na matatapos to. Gusto ko mag enjoy tayo dito. Imaginin nalang natin na 2nd honeymoon natin to. Okay ba yon?" Pagiiba ni Luke sa usapan.

"Sige mahal okay na okay yun.." sagot ni Apple  sa asawa.

"Una muna nating gawin kumain na muna tayo kasi kanina ko pa naririnig yang tyan mong kumakalam.." pagbibiro ni Luke.

"Oo nga mahal eh ikaw kasi ura urada kaba naman mag aya na dadalhin mo ako sa company outing ayan tuloy di man lang ako nakapaghanda ng almusal natin. Pati mga bata di ko pa naasikaso ng maayos.."

"Shh.. stop it mahal. Andun si Mommy kayang kaya nya mga kiddos natin ok? Kaya wag mo na silang alalahanin.."

"Sige! Sabi mo eh tara na mahal gutom na ako..."

"Wala ba akong reward na kiss..." tila batang nag pout ng lips si Luke.

"Sus kiss pang pala eh uuummmmwwuuaahhh.."

When Love Hurts...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon