Seven

788 34 17
                                    

Flashback...

"Oh Apple, kanina kapa ba? Paesnsya kana at na late ako. Ano pa bang bago,traffic.."

"Ayos lang Tita Beth kakadating ko lang din naman.."

Si Tita Beth ay tyahin ni Apple at mismong nag aalaga sa kanya. Isa syang Cardiologist at sya din mismo ang tumitingin kay Apple.

"Ganun ba?! Sya nga pala asan si Luke? Haven't my secretary told you, i want you and Luke to come here?"

"Tita Beth, my importanteng meeting ngayon si Luke. At hindi sya pwedeng mawala doon kasi bagong project yun na hopefully eh makuha nya. Kaya ako nalang Tita.. gaano ba ka importante yan at kailangan talagang kasama ko pa si Luke?"

"Sobrang importante Apple. Kailangan mapag desisyunan agad..."

Halos natulala si Apple sa narinig... "tita tungkol ba to sa....."

"Oo Apple tungkol ito doon kaya gusto ko na involve si Luke dito.."

"Ti..ta.. pwede bang direchohin mo na ako? Hindi talaga pwede si Luke ngayon. Importante din yun trabaho na nya. Please Tita..."

"Okay tatapatin na kita, hindi maganda ang lagay ng puso mo Apple. After ng last laboratories and test hindi maganda or let me say hindi na nakakadaloy ng maayos ang dugo mo papunta sa puso. Kaya napapadalas ang pagsikip ng dibdib mo, hirap sa pag hinga at yung madalas na mabilis mong pagkapagod."

"Tita diba nag gagamutan naman ako? Kapag may follow up check up naman di ako pumapalya, healthy eating diet tulad ng inaadvice mo, healthy lifestyle lahat yun Tita sinunod ko pero bakit ganito?" At di na napigilan no Apple ang di maluha.

"Apple may mga bagay na hindi kayang i-explaine ng science, naming mga doktor. Kaya bilang cardiologist mo at bilang aunty mo andito ako, dadamayan kita. Gagawin natin ang lahat gumaling ka lang sa sakit mo. Weve been through this Apple and i know we will gonna make it okay?" Tumayo ito at nilapitan si Apple at niyakap. "Nothing is impossible Apple. Lalaban ka at kakayanin mo..."

"Tita.. bakit kailangan pang humantong sa ganito??"

"Tama na yang pag iyak Apple. Mas tumingin tayo sa positive and brighter side. Kung magpapadala ka sa lungkot ay frustration anytime pwede kang atakihin kaya please para sa mga anak mo at para kay Luke magpakatatag ka, andito ako.. gagawin ko lahat mailigtas ka lang. Ilang buhay na ang pilit kong iniligtas ikaw pa ba na sarili kong pamangkin?"

Sa mga narinig na yun ni Apple ay nakaramdam ito ng pagkakalma na nagpagaan ng kanyang loob..

"Salamat Tita, tama ka kailangan kong lumaban para sa pamilya ko.. ano ba ang mga options na pwedeng gawin tita?"

"Ayaw mo bang hintayin na natin si Luke? Para... atleast sabay kayong makapag desisyon?"

"Tita Beth may ipapakiusap sana ako sayo..."

"Parang alam ko na kung saan patutungo itong paki usapan na to.. kaya Apple no! Luke needs to know.."

"Tita sasabihin ko naman talaga sa kanya, wag lang muna ngayon. Madaming iniisip si Luke ngayon at ayaw ko ng dumagdag pa. Tita please..."

"Siguraduhin mo lang Apple ha na ipapaabot mo sa asawa mo ang tungkol dito kung hindi ako mismo ang pupunta sa kanya at mag dadala ng balita, nagkakaintindihan ba tayo?!"

"Oo Tita, so ano ang mga procedure na pwede nating gawin?"

"1st option natin ay ang mag pa admit ka at isasagawa sayo yung ballon angioplasty. Kung kaya ng katawan mo, pwede ka ding umuwi kinabukasan or kung hindi wala kang choice kundi ang magpahinga muna ng ilang araw sa ospital.."

When Love Hurts...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon