Pagkamulat ng mga mata ni Heaven ay agad nyang nakita si Apple. Pinagmamasdan nya ito habang abala sa paghihiwa ng prutas..
Apple: Uy, Heaven gising kana pala. Pasensya di ko agad napansin.. Gusto mo ba ng mansanas? Eto oh, ipinagbalat na kita.. Or gusto mo kumain ng lugaw? Yun nga lang plain lugaw lang to, sa ngayon ito lang daw muna ang pwede sayo, pwede din naman ang boiled egg. Meron din dito dala ni Luke. Pinaluto ko sya bago pumunta dito..
Napangiti si Heaven habang nakikinig lang kay Apple.
Heaven: Salamat. Mamaya na lang...
Apple: Si...sige.. Bakit natatawa ka?
Heaven: Nakakatawa lang na ang mortal kong ka away sya pa ang nag aasikaso sa akin ngayon. Kalokohan nga naman ng tadhana...
Apple: Hindi naman kalokohan ang tawag don. Siguro ito yung way ni God para pagtagpuin tayong dalawa.. Alam mo na ..
Heaven: Whatever... Sya nga pala nasabi na ba ni Doc ano ang gender ng baby?
Apple: Ay oo! Teka lang kukunin ko yung copy ng ultrasound... Sigurado akong matutuwa ka...
At pagka abot ni Apple kay Heaven ng ultrasound ay napaluha ito..
Apple: Sabi ko na sayo eh.. Mapapasaya ka .
Heaven: Apple, sobrang saya ko. Magkakaroon na ng baby brother si Rachel...
Apple: Oo, kaya dapat mas mag pakalakas kapa ngayon. Para sa mga anak mo..
Napayakap si Heaven kay Apple at tinugunan naman nya ito..
Heaven: Apple, ano bang nagawa ko sayo bakit ganito ka kabait sa akin? Ni minsan wala akong natandaan na may nagawa akong mabuti sayo. Kung tutuusin, pareho naman tayong stranger sa isat isa. At sa pagkatanda tanda ko bigla na lang akong umeksena sa inyo at nang gulo pa. Bakit? Bakit ang bait bait mo? Hindi ba dapat kinamumuhian mo ako, yung sagad sagaran hanggang buto pero halos kabaliktaran lahat ng mga nangyayari...
Apple: Heaven, pang teleserye lang lahat ng yan. Yung tipong kapag inapi ang bida gaganti laban sa mga tumapak sa kanya. Pero hello, reality check.. Hindi ganun sa totoong buhay. Magulo na nga ang naumpisahan magdadagdag pa tayo ng panibagong gulo. Eh di mas lalong tumagal at naging komplikado ang kwento. At ayaw ko ng ganun. Nakakapagod yung lagi nalang nakikipag away, nakikipag tagisan ng galing... Sa huli wala naman tayong mapapala. Kaya wag kana masyado mag isip. Mas dapat natin pagtuonan ngayon yang kalusugan mo at paparating na blessing at angel sa mga buhay natin...
Heaven: Angel? Tinuturing mong blessing at anghel ang batang ipinagbubuntis ko? Kahit na halos sirain nito ang pamilya mo?
Apple: Oo naman. Tsaka bakit naman sinasabit mo ang bata sa mga nangyayari sa atin? Heaven, walang kasalanan ang baby. Mas pinanghahawakan ko ang paniniwala ko na may dahilan lahat ng nangyayari sa atin. At yang baby sa sinapupunan mo blessing yan, dagdag sa pamilya natin yan.. Kaya kapag gumaling kana magbabonding tayo kasama si Angel at Angelo tapos si Rachel tapos ang baby boy na malapit na din nating makasama... Excited na ako! Sya nga pala, ano ang gusto mong ipangalan natin sa kanya?
Heaven: Lucas Dale..
Napa angat ng mukha si Apple at napatitig kay Heaven.
Apple: Lucas Dale? Parang masyado namang familiar ang pangalan na yan or nag aassume lang ako..
Heaven: No... Gusto ko talaga syang ipangalan sa inyong dalawa ni Luke.. At dahil Luke John naisip ko ang name na Lucas at sa second name mo naman ang Dale.. Lucas Dale... Ang ganda diba?
Apple: Oo... Oo naman... Pero bakit sa amin mo ipapangalan yung bata? Pwede namang combination ng pangalan mo at ni Luke.. Huwag ka mag alala hindi magiging isyu sa akin yun..

BINABASA MO ANG
When Love Hurts...
Fanfiction5 years na naging mag kasintahan sila Luke at Apple ng mag desisyon silang magpakasal. Naging masaya at puno ng pagmamahal ang 10 taon nila bilang mag asawa. Nagkaroon ng matalino, masayahin at magagandang kambal. Larawan sila ng masaya at halos per...