Twenty Two

711 44 14
                                    


Luke: Hhmmm.. Wow ang bango naman nyan Mahal..

Apple: Goodmorning Mahal.. Aga mo naman atang nagising.

Luke: Papano naman po kasi nagtaka ako nang pagmulat ng mga mata ko wala na sa tabi ko ang napaka ganda kong asawa. Bakit naman kasi ang aga mo nagluto Mahal? Tsaka ano muna yang niluluto mo?

Apple: Bulero pa rin talaga tong Mahal kong to oh! Una muna hindi kasi talaga ako dinalaw ng antok Mahal. Nung napansin kong mag uumaga na din naman na bumangon na ako at nagluto ng Pochero..

Luke: Wow.. Mukhang mapaparami nanaman ako ng kain nito. Pero bakit parang ang dami naman nyan Mahal?

Apple: Ah.. Padadalhan ko sana si Tito Calvine mo, tsaka makapagbaon kana din para pang lunch nyo. Makakain ka man lang sa trabaho mo ng lutong bahay hindi yung puro nalang pagkain sa labas nakakain mo.

Luke: Ang sweet naman talaga ng Mahal ko oh kaya napaka swerte ko talaga sayo.. Hmm.. Mwuah.

Sabay yakap ni Luke ng mahigpit sa asawa at binigyan ito ng halik sa noo..

Apple: Ayan nanaman po tayo!! Sya nga pala Mahal kamusta naman ka trabaho ang Tito mo?

Luke: Actually hindi tulad ng ine expect ko.

Apple: Anong ibig mong sabihin Mahal?

Luke: Akala ko kasi mahirap ka trabaho si Tito. Pero kabaliktaran lahat. Sobrang jolly nya. Strikto sya sa trabaho pero kapag nasa labas na at tapos na ang trabaho para syang nag iibang tao. Alam mo yun hindi ilang mga tauhan nya sa kanya. Akala ko wala ng matino sa side ng Tatay ko eh. Well si Tito Calvine ang nagpatibag non...

Apple: Ikaw kasi Mahal, masyado kang judgemental. Minsan kasi wala naman sa kung ano sya sa nakikita mo. Kapag nakasama mo na saka mo malalaman ang totoong sya..

Luke: I know. Guess what Mahal, in 1 month mauumpisahan na namin ang pag ko-construct ng resort sa Camuigine. Sa tagal ko sa industriyang to, ngayon lang ako na excite ng ganito..

Apple: Wow talaga ba? Sobrang happy at proud ako sayo Mahal. At dahil jan meron ka sa aking... Power hug. Hmmm...

Luke: Power hug lang Mahal? Dapat may kasamang ganito..

At inilapit ni Luke ang kanyang mukha sa asawa at inumpisahan itong halikan. Mula sa noo, sa magkabilang pisngi, sa ilong sa labi nito hanggang sa tenga at leeg..

Apple: Mahal, ang aga aga ha?!

Luke: Mahal, walang pinipiling oras ang kire kaya.. Wala kang magagawa.. I love you Mahal...

Patuloy sa paghalik si Luke sa asawa at wala ng nagawa si Apple. Pinagsaluhan nila ang umagang iyon ng puno ng pagmamahal.. (Bed scene mga bes, at dahil hanggang ngayon di ako magaling mag narrate kaya paganahin nyo na lang imagination nyo..😋🤣😂✌)

Nang masiguro na ni Apple na naka alis na ang asawa ay sya namang nag gayak upang umalis din. Dala ang niluto nyang Puchero at ilang mga prutas at pumunta na ito ng ospital...

--------

Pagkapasok nya sa kwarto ni Heaven sa ospital ay agad naman syang sinamaan ng tingin nito.

Heaven: Anong ginagawa mo dito?

Apple: Ah, kasi nagluto ako ng Puchero kaya naisipan kong dalhan ka baka sakaling hindi ka pa kumakain.

Heaven: Wala akong gana!

Apple: May dala din akong prutas may saging, manggang hinog tsaka mansanas. Gusto mo ba ipagbalat kita?

Heaven: Ayaw ko!

Ibinaba ni Apple ang mga dala nya sa mesa at naghain ng makakain ni Heaven. Kahit na inaayawan na nito lahat ng dala nya ay nais pa rin nyang subukang pakainin si Heaven.

When Love Hurts...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon