Seventeen

665 39 33
                                    

Maagang nagising si Luke upang bigyan ng munting sorpresa ang asawa. Nais nya itong lutuan ng almusal.. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa mga labi ni Luke ang ngiting hatid ng pag uusap nila ni Apple ng gabing iyon...

Flashback...

Apple: Luke, anong nangyari sa ating dalawa? Naalala ko 15 years ago,,, pinaka una sa listahan ng pangako natin sa isat isa na hinding hindi tayo magloloko o mangangaliwa. Kasi diba,  pareho tayong naniniwala na hindi mo kakayaning saktan ang taong mahal mo kung totoo ang pagmamahal mo sa kanya. Pero Luke,, bakit nagkaganito? Bakit kahit anong pilit ko sa sarili kong sabihin na ayos lang ang lahat. Isang gabing pagkakamali lang yun, at hindi dapat makasira sa relasyon nating dalawa.. Kahit anong gawin ko Luke, sobrang sakit dito oh...

Ramdam ni Luke ang sakit sa bawat salitang binitiwan ni Apple kaya tanging pagyakap na lamang sa kanya ng mahigpit ang nagawa nito.

Ilang minuto ding tahimik si Luke at tila pinapakinggan lang ang bawat hagulgol ng asawa na unti unting dumudurog sa puso nya.. Bumuntong hininga ito at nagkaroon na ng lakas ng loob na magsalita.

Luke: Mahal alam ko, walang kahit ano mang salita ang pwedeng makapag patama ng pinaka malaking pagkakamali ko... Pero alam ng Dyos Mahal na hindi ko ginusto lahat ng nangyaring ito. Kung may time machine lang na nabibili sa kung saan mang lupalop ng mundo hahanapin ko at kahit ikaubos pa ng savings ko ang presyo non wala akong paki alam bibilhin ko yun para lang maitama ang maling gabi na yon...

Hinawakan niya ang mukha ni Apple at pinunasan ang mga luha nito...

Luke: Mahal, hindi kita pipilitin na patawarin ako agad. Naiintindihan ko ang galit na nararamdaman mo sa ngayon. Tanggap ko. Sana lang Mahal huwag naman sanang umabot sa puntong kakamuhian mo na ako at tuluyan mo ng ibaon sa limot lahat ng meron tayo.. At tuluyan mo na akong iwan kasama ng mga  anak natin. Hindi ko kakayanin iyon Mahal ikamamamatay ko. Nakikiusap ako sayo...

At tuluyan ng ibinuhos ni Luke ang mga luha nyang kanina pa gustong lumabas mula sa kanyang mga mata. At nang marinig ni Apple ang mga salitang iyon sa asawa ay tuluyan na din syang nagpadala sa totoo nyang nararamdaman.

Itinaas nya ang mukha ni Luke at tinitigan sa mga mata...

Apple: Ang hirap Luke, sobrang ang hirap hirap lang tanggapin ng mga nangyayari sa atin ngayon.. Alam ko at nararamdaman ko mula sa kaibuturan ng puso ko na hindi mo din gustong mangyari ang lahat ng to. Pinipilit kong intindihin ang lahat Luke..

At humagulgol sya muli ng iyak na tila sumasabay na din sa bigat ng emosyong nararamdaman ni Luke.

Apple: Mahal....

Napa angat ng tingin si Luke ng marinig iyon sa asawa.. Ngayon nalang nya muling narinig ang salitang iyon sa kanya na halos ikalunod ng puso ni Luke sa tuwa..

Luke: Mahal...

Apple: Mahal, alam mo ba nung unang araw na bumalik ako dito sa Maynila, wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak inilabas ko lahat ng sakit na naramdaman ko. Hanggang sa umiiyak pa din ako sa mga sumunod pang araw. Nakakatawa nga eh, biruin mo, nakakapagod din pala ang umiyak. Ayun na nga pagkatapos kong mapagod sa pag iyak bumalik lahat sa akin lahat ng masasayang ala-ala natin. Mula nung unang araw tayong magkita.. Hahaha naalala ko pa non magpapakamatay ka at napili mo pa talaga ang sasakyan ni Ate Cora. Hanggang sa nagkakilala tayo, naging magkaibigan.. Hanggang sa naging magka-ibigan. Nag grow tayo together, hanggang sa nangarap at hanggang sa tinupad natin ang mga pangarap natin ng magkasama. At nadagdagan pa lahat ng masasayang memories natin ng magpakasal tayo, binigay ni Lord sa atin si Angel at si Angelo at marami pang iba. Halos hindi mabilang ng mga daliri sa kamay at paa ko kahit isama pa natin mga daliri mo yung mga happy memories natin together..  kaya sabi ko, ano ang panama nong isang gabig iyon sa dami ng mga masasayang nangyari sa buhay natin. Na realize ko lang Mahal, halos inilatag ni Lord yung 15 years natin ng may matuwid na daan. Ano ba naman itong pagsubok na binigay nya sa atin. Wala akong karapatan na kwuestionin sya. Ang kapal naman ng mukha ko kung ganon... Kaya Mahal handa na akong harapin ang pagsubok na to ng kasama ka.. Salamat Mahal sa oras na binigay mo sa akin para makapag isip ako at makapagnilaynilay.. Handa na ako Mahal,,, handa na akong tanggapin ka ng buong buo at walang pag aalinlangan. Kaya hawakan mo ang mga kamay ko at sabay tayo ulit babangon.. Mahal na mahal kita Luke at walang makakasira non.

When Love Hurts...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon