"Okay ka lang Apple?" Tanong ng Tita Betty sa kanya. Halata sa mukha nito ang takot.
"Yung totoo tita sobrang natatakot ako. Ang daming naglalaro sa isip ko. Paano kung after nito, hindi magtagumpay paano kung mas lumala pa. Tita kapag nawala ako paano ang mga anak ko, si Luke papano sya? Papano ang pamilya ko? Tita punong puno ako ng takot... Tita..." at tuluyan ng humagolgol ng iyak si Apple...
Halos nanlambot si Tita Betty sa mga narinig nya kay Apple.. "wag ka mag salita ng ganyan Apple, kakayanin mo! Hindi ka mawawala! Ngayon pa ba tayo susuko? Nalampasan mo nga noon na nasa sinapupunan mo pa sila Angelo at Angel ngayon pa ba? Wala tayong hindi kakayanin Apple. Lakasan mo lang ang loob mo. Iwasan mo yang pagiyak iyak mong yan. Mas lalo lang tataas ang blood pressure mo at mahihirapan tayo magturok ng gamot sayo kasi hindi stable yang mga vital signs mo. Kaya umayos ka..." mataas man ang tono ng boses ng Tita nya ay alam nya kung ano ang gustong ipahiwatig nito.
"tama ka Tita... Lalaban ako! Para sa mga anak ko at para kay Luke..." kahit na hirap sa pagsasalita dahil sa pag iyak ay pilit pa din pinapalakas ni Apple ang loob nya.
"That's good. Iiwan muna kita at mag iikot pa ako sa iba kong pasyente. Ang maganda mong gawin ngayon ay ang kalmahin ang sarili mo. Tawagan mo ang mga bata pati si Luke. Kumuha ka ng lakas ng loob mo sa kanila... Maya maya may mga nurse na mag checheck ng vital signs mo bago ako magbigay ng mga gamot okay?" tatalikod na sana ito ng tawagin syang muli ni Apple..
"Tita, thank you.. Maraming salamat.."
"kung gusto mo talagang makabawi sa akin, please anak magpakatatag ka. Kasama mo akong lalabanan yang sakit mo okay? Aalis na muna ako.." agad talikod ni tita betty dahil di na nya napigilan ang sariling maluha.. Hindi sya dapat magpakita ng kahinaan ngayon sa harap ni Apple...
----------
APPLE'S POV...
Hindi ako dapat panghinaan ng loob ngayon. Mas kailangan ko pang magpakaitbay para sa mga anak ko.. Huminga muna ako ng malalim bago ko tawagan ang Momy ni Luke..
"Hello Apple anak?"
"Momy.. Kamusta po kayo jan? Pasensya na po at ngayon lang ako nakatawag, medyo malayo po kasi talaga ang byahe, madalas pa po mawalan ng signal..."
"okay lang naman kami ng mga bata. Alam kong makukulit itong mga apo kong to,.pero napaka tamlay nila ngayon. Gawa na din siguro ng pagka miss nila sa inyo ni Luke. Ngayon lang kasi nangyari na pareho kayong wala sa tabi nila..." pakiramdam ko ay kinurot ang puso ko sa mga narinig ko sa Momy ni Luke. At muli nanaman akong naiyak. At napa singhot pa ako na ikinapansin naman ni Momy.
"Apple okay ka lang ba? May problema ba anak? Para kang umiiyak eh..."
"ay ma wala po! Sinipon ata ako sa byahe namin. Ang layo po at ang alikabok pa.. Sya nga po pala Momy pakausap naman po ako sa mga bata..."
"sure anak! Saglit lang at tatawagin ko sila..." habang wala pa si Momy sa phone ay saglit muna akong huminga. Uminom ng tubig upang di mapansin ng mga bata ang boses ko..
"Mama... " sabay bati ng mga anak ko sa akin.
"Angelo, Angel, kamusta ang mga babies ni mama?" Pilit kong kinakalma ang boses ko.
"Mama, sobrang nakakamiss kayo ni Papa, kelan po ba kayo uuwi?" Si Angelo na naglalambing ng sobra.
"Ma,.uwi kana please.. sobrang namimiss kana namin.." at si Angel na tuluyan ng umiyak.
"Ano ba yan mga anak pinapaiyak nyo naman si Mama, sige ganito ha pipilitin namin ni Tita Beth na matapos ang medical mission in two days para makasama ko na ang mga babies ko..."
BINABASA MO ANG
When Love Hurts...
Fanfiction5 years na naging mag kasintahan sila Luke at Apple ng mag desisyon silang magpakasal. Naging masaya at puno ng pagmamahal ang 10 taon nila bilang mag asawa. Nagkaroon ng matalino, masayahin at magagandang kambal. Larawan sila ng masaya at halos per...