"Mahal... ang ganda pala ni Heaven ano. Yung kutis nya sobrang kinis tapos yung mukha nya sobrang ganda para talaga syang anghel na nanggaling sa langit. Ngayon ko lang naintindihan,kaya pala halos naglulupasay ka nung iniwan ka nya para se ex nya..."
"Ang over naman non Mahal.."
"Bakit Mahal totoo naman diba? Nung time nga na yon tayo nagkakilala eh. Dahil sa sobrang kalasingan mo halos ibangga mo na yung sarili mo sa kotse ni Ate Jinri. Kaya nga hanggang ngayon ata mainit pa din dugo nya sayo. Muntik mo daw syang gawing kriminal, eh saktong sya yung nag dadrive nung kotse..."
"Hahaha yah! Natatandaan ko yun Mahal. Ewan ko ba Mahal sa twing naaalala ko yun eh natatawa nalang ako. Kelangan umabot ako sa puntong halos magpakamatay pa ako dahil sa sobrang broken hearted ako sa kanya..."
"Normal lang yun Mahal.. minahal mo kasi sya ng sobra.."
"Nung time na yun ayos lang naman Mahal na iwan nya ako for Paulo basta magsabi lang sya ng totoo, kaso masyado nyang ginamit ang kagandahan nya kaya ayan tuloy naging two timer sya. Pero Mahal sobra kong pinag papasalamat yung mga nangyari na yun. Alam mo ba kung bakit?"
"Bakit naman Mahal?"
"Simple lang kung hindi nangyari ang lahat ng iyon wala ka sana sa buhay ko. Siguro para akong pakawalang di alam san pupunta. Kaya nga nung nakilala kita Mahal nasabi ko sa sarili ko na totoo nga yung kasabihan na kapag may nawala at nanakit sayo may dadating na mas better. At hindi lang basta better ang binigay sa akin ni Lord isang perfect na asawa at ina ng mga anak ko.. Kaya salamat sayo Mahal..."
"mhuwek.. Ini-echos mo ako Mahal ha.. Ikaw talaga dinadaan mo nanaman ako sa mga ganyang da moves mo kaya love na love kita eh..."
"Mahal ha,,, totoo lahat ng sinabi ko at walang halong pambobola. At lahat ng nangyayari sa atin mula noon hanggang sa mga oras na ito ay sobra kong trine-tresure kaya salamat Mahal. Huwag ka sanang magsawa na intindihin at mahalin ako.. Teka nga Mahal, umamin ka nga nagseselos ka ba?"
Halos di makasagot si Apple at tinitigan lang ng matagal ang asawa.
Pilit binabasa ni Luke ang nasa isip ng asawa at sa tingin nya tama nga ang hinala nya.. Kaya hinalikan nya ito sa mga labi upang maiparamdam sa asawa na sobra nya itong mahal..
"ikaw talaga Mahal kung anu-ano ang iniisip mo. Bakit Mahal may dapat ba akong ipagselos?" binalikan din sya ng panibagong tanong ni Apple.
"syempre Mahal wala kang dapat ipagselos kasi ikaw lang naman ang nagmamay ari nito oh.." at itinuro ang puso nito. "ikaw lang ang nag iisang nag mamay ari ng puso ko..."
"kaya Mahal ipalagay mo na yang isip mo okay? Hindi ako nagseselos kasi malaki ang tiwala ko sayo na hindi mo ako sasaktan. Sa halos dekada nating magkasama subok na subok na kita Mahal ko..." si Apple.
"Mahal, sabihin mo lang ha kung di ka komportable na makatrabaho ko si Heaven. Magagawan ko naman yun ng paraan Mahal. Pwede kong ipasa yung project sa co-engineer ko. Ang importante naman Mahal naka pirma na sila ng kontrata mabilis nalang yun kung ipapasa ko sa iba yung project.."
"Luke! Yan ang wag na wag mong gagawin Mahal ha? Ayaw kong masira yang reputasyon mo sa kompanya para lang sa napaka non-sense na bagay. Mahal humarap ka nga sa akin.. Malaki ang tiwala ko sayo at alam kong di mo ako lolokohin. Ang daming hirap na ang napagdaanan mo para lang maabot mo yang posisyon mo tapos mababahiran lang ng di magandang image dahil sa akin, kaya Mahal wag mo yang gagawin, please.."
"mahal, ito din tandaan mo nagsikap akong maabot lahat ng ito para sa iyo at sa mga anak natin. Kaya, kaya ko din itong i-give up anytime para din sayo. Aanhin ko naman yung tagumpay nato kung yung pinaka mamahal ko namang asawa ang masasakripisyo. Sapat na din naman yung naipundar at naipon natin para makapagsimula ng bagong buhay..."
"willing kang gawin iyon Mahal?"
"oo naman, mag sabi ka lang Mahal anytime pwedeng pwede..."
"Eh kung sabihin kong ayaw ko Mahal?"
"Wueh... parang kabaliktaran naman ng nararamdaman ko eh. Feeling ko ayaw mong makatrabaho ko si Heaven? Mahal 1 year and a half na makakasama ko si Heaven and most of the time magkasama kami sa field kaya maiintindihan ko kung di ka komportable.."
"Hay naku! Ikaw talaga Mahal ang dami mong alam. Basta sure naman ako na di mo ak kayang lokohin kaya wala na tayong dapat pag usapan pa tungkol jan ayos ba yun Mahal? Matulog na tayo at maaga pa ang alis mo bukas diba?"
"Oo nga eh. Dadating na daw yung mga materials bukas at galing talagang states. Mayaman kasi ang napangasawa ni Heaven at mayamang negosyante. Kaya ang gusto ng asawa nya madaliin ang project. Actually Mahal ma oobliga kami na madaliin kasi sila na ang nagprovide ng lahat ng materials. Kahit papano nabawasan ang trabaho ko para mag canvas pa ng mga gagamitin..."
"Talaga Mahal? Akala ko ba yung ex nya ang pinagpalit nya sayo tapos iba ang asawa nya?"
"Hindi daw nag work yung relationship nila ni Paulo kaya ayun sa iba sya napunta..."
"Ganun ba? Ang hirap naman pala ng pinagdaanan ni Heaven nuh?!"
"Oo? Siguro?! Teka Mahal parang wala na tayong ibang topic kundi sya lang. Eh yung check up mo nga pala kay Dra. Beth kamusta?"
"Ha..!?? Ah eh... o..okay naman Mahal. Sabi ni tita Beth tataasan daw nya yung dosage ng gamot ko... tapos mapapadalas yung pagbalik ko sa clinic nya.. siguro twice or once a week.. "
"Bakit Mahal? I mean diba naging maayos na yung result ng mga test mo the past 3 months kaya nga kanina ka nalang pinabalik tas biglang parang back to zero ka uli?"
Nahinto at tila napapaisip si Apple sa mga sinabi ni Luke.
"Apple... Mahal.. meon ba akong dapat malaman?"
"Ay naku Mahal wala okay? Relax ka lang gusto lang talag ni tita Beth na mas mabantayan at maalagaan yun kalagayan ng puso ko lalo pa at nagiging stable na ang puso ko..."
"Sigurado kaba? Hindi kaba nag sisinungaling Mahal? Alam mo naman kung ano ang number 1 rule sa relasyon nating to diba? Walang sekreto. Dapat alam ng isat isa ang lahat as in lahat..."
"Oo naman Mahal, wala kang dapat ipag alala okay? Maayos ang lahat at wala akong inililihim sayo... i love you Mahal, Mahal na Mahal kita..." pilit nilalambing no Apple ang asawa upang magawa nyang maputol ang usapan nila tungkol sa naging resulta ng check up nya kanina...
"Mahal ha kilala kita, ramdam kong nagsisinungaling ka.. kahit sarili mong tita yang cardio mo i swear mapapa amin ko talaga sya ng totoo..."
"Ah.. so ganon. Wala kana palang tiwala sa akin ngayon? Ha Luke?"
"Hindi naman sa ganun Mahal, hindi biro yang Coronary Heart Disease na merun ka Mahal. Ayaw ko lang na magpakalampante. Please Mahal.. kasi hindi ko alam ang mangyari sa akin kapag nagkataong bigla kang mawala sa akin, sa amin ng mga anak natin dahil lang naglihim ka jan sa sakit mo..."
Nakaramdam si Apple ng kirot ng marinig iyon mula sa asawa. Kaya himinga ito ng malalim at niyakap ang asawa.
"Mahal, promise ko sayo, wala lang ito. Yung pag punta ko ng madalas sa clinic ay di naman nangangahulugan na may mali na at di na maayos ang kalusugan ko.. magtiwala ka lang sa akin Mahal at maayos akot walang kahit ano man ang mangyayaring masama. Magpapakabuhay ako para sa mga anak nat8n lalong lalo na sayo.."
"Sige Mahal magtitiwala ako sayo, at sana ay wag mo akong biguin.."
"Promise Mahal! Matulog na tayo Mahal... Goodnight.. i love you..."
"I love you too Mahal.."
At magkayakap na natulog ang mag asawa..
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
When Love Hurts...
Fanfiction5 years na naging mag kasintahan sila Luke at Apple ng mag desisyon silang magpakasal. Naging masaya at puno ng pagmamahal ang 10 taon nila bilang mag asawa. Nagkaroon ng matalino, masayahin at magagandang kambal. Larawan sila ng masaya at halos per...