Nine

604 29 8
                                    

Unti unting minulat ni Apple ang mga mata nya..

"Apple, anak finally gising kana..." halos naiiyak na sabi ni Tita Beth.

"Tita ano pong nangyari?" Utal utal na tanong ni Apple.

"After ng surgery ay halos 7 days ka ding unconscious kaya sobrang alalang alala ako sayo.. thank God at nagising kana..." umiiyak na sabi ni Tita Beth. Gustuhin man nyang yakapin ang pamangkin ay di nya magawa dahil sa may mga aparato pa ito sa katawan.

"Tita.. 7.. days? 7 days akong tulog? Papano ang mga anak ko? Si Luke? Nangako ako na pupuntahan namin sya.." umagos ang luha sa mga mata ni Apple at pilit pa ding nag sasalita kahit mahina pa..

"Patawarin mo ako Apple, hindi ko natupad ang pangako ko sayo. Nataranta ako natakot. Halos hindi ko na alam ang isasagot ko sa kanila. Kaya.. Kaya nasabi ko sa kanila ang sitwasyon mo.." tarantang sabi ni Tita Beth.

"Apple, anak.." napalingon si Apple sa babaeng tumawag sa kanya.

"Momy.." at di na nya napigilan ang sariling hindi maiyak.

"Apple, wag mo ng uulitin ha? Momy mo ako, tinuturing kitang parang tunay kong anak, pamilya tayo Apple. Hindi mo dapat sinasarili yung ganitong problema.."

"sorry Momy.." at tuloy pa din sya sa pag iyak..

"ssshh.. Enough anak. Hindi makakabuti sayo ang pag iyak mong yan. Tumahan kana okay? Ngayong andito na ako aalagaan kita.."

"Momy, ang mga anak ko kamusta?"

"nasa school na sila ngayon. Alam mo ba Apple, ilang araw ka na ding binabantayan ng kambal. Ayaw nilang umuwi at iwan ka." kwento ni Momy Cathy.

"hay naku Apple napaka swerte mo sa mga anak mo sobra ka nilang minamahal. Kaya dapat mas mag pakalakas kapa okay? Bawal ang nega.. Sya Cath, iiwan ko na muna kayo ni Apple at may mga ichecheck pa akong ibang pasyente..

"Sige Beth, ako na muna ang bahala kay Apple.."

"Tita, thank you.." pahabol ni Apple.

"pagaling kana para pambawi mo sa akin.. Sige na maiwan ko na muna kayo..." at tuluyan ng lumabas si Tita Beth ng kwarto..

Muling nabalik ang atensyon ni Apple kay Momy Cathy.. "Momy, si Luke po kamusta sya?"

Kumuha muna ng upuan si Momy Cathy at umupo sa tabi ni Apple.

"Apple, makinig ka. Wala akong choice kundi sabihin kay Luke ang kondisyon mo. Naawa ako sa anak ko. Halos mabaliw na sya sa sobrang pag aalala sayo. Dapat nga nung wednesday pa sya andito. Kaso ginigipit ata talaga sya ng bagong kleyente nya at di sya pinayagang umuwi. Pero kanina maaga syang tumawag, nakakuha na daw sya ng flight pabalik dito baka maya maya andito na yun.."

"Momy, sorry ha.. Sobra ko pa tuloy kayong pinag alala. Lalo na si Luke , alam ko namang busy sya at stress sa trabaho nya ngayon, dinagdagan ko pa tuloy.."

"alam mo Apple naiintindihan ko naman yang saloobin mo na ayaw mong ipaalam sa aming lahat pero anak.. Buhay mo ang nakataya jaan. Mahirap naman na malalaman nalang namin wala ka na.. Mas hindi maganda ang magiging epekto non sa amin, lalong lalo na sa mag ama mo ."

"Tama po kayo.. Momy.."

Habang nag uusap sila ay may biglang pumasok sa kwarto at halos humihingal na dumating..

"Luke....!!!" sabay pang sabi ni Momy Cathy at Apple.

"Thank God! Thank God gising kana.. Hindi mo lang alam kung gaano ako nag alala sayo.." halos umiiyak na si Luke ng sabihin yon. At tanging paghaplos lamang sa ulo ni Apple ang nagawa nya, dahil hindi pa natatanggal ang mga aparato na nakadikit sa katawan nya..

"Im so.. Sorry Mahal.." at buhos ang luha at hagulgol na iyak ang ginawa ni Apple.

"sshh.. Mahal.. Please.. Stop crying na, hindi maganda yan sa sitwasyon mo please. You dont have to say sorry. I understand, i understand. Tama na yan.." pilit pinapatahan ni Luke si Apple sa pag iyak dahil ikaka stress nanaman nya ito.

"Im sorry, nadagdagan pa tuloy kita ng problema Mahal. Wag kang mag alala pag magaling na ako babawi ako sa inyo ng mga anak natin." Pilit pa din inaayos ni Apple ang pagsasalita dahil wala pa din syang tigil sa pag iyak.

"You dont have to say sorry Mahal. I understand. Tsaka wag mo na masyadong intindihin yun. Ang mahalaga ngayon okay kana. Dont worry too much..." sabi ni Luke sa pinaka malambing nitong boses.

"I love you Mahal..." tanging nasabi nalang ni Apple sa asawa.

"I love you more Mahal. Wala kang dapat ipag alala. Lagi nalang kami ang iniisip mo at inaalagaan ngayon oras naman para ako naman ang mag alaga sayo, kami ng mga bata.." patuloy pa din si Luke sa paghaplos sa ulo ng asawa.

"Apple, Luke aalis na muna ako at ng masundo ko muna ang mga bata.." sabi ni Momy Cath

"Okay Mom, thanks a lot..." pagpapasalamat ni Luke sa ina.

"Your always welcome ,son. Apple aalis na muna ako. Pagka balik ko kasama ko na ang mga bata.."

"Thank you ulit Momy..."

"Mahal..." tawag ni Apple sa asawa.

"ano yun Mahal ko?"

"thank you ha, salamat sa walang sawa mong pagmamahal at pag intindi sa akin. Kahit na naglihim ako sayo, eto ka..." hindi na pinatapos pa ni Luke ang asawa sa pagsasalita.

"tama na.. Tama na yan okay. Ang pinaka importante sa lahat okay kana at gising kana, hindi ko kakayanin kung talagang may mang yaring hindi maganda sayo.. May pasalubong ako sayo Mahal, kaso nakalimutan kong itanong kay Tita Beth kung pwede ka ba nito oh.. Youre favorite.. Pinya..."

"wow.. Mahal sobrang sarap nyan. Kaso malabo kung makain yan. Isa yan sa ibinawal sa akin dahil na din sa mataas ang acid contain nyan.. Nakaka iyak, naglalaway ako sa amoy.."

"Ganun ba? Hayaan mo na Mahal babawi nalang tayo pagka fully recover kana okay? I love you..."

"I love you too, Mahal.."

------------

Isang linggo ding inalagaan at binantayan ni Luke ang asawang si Apple...

"Mahal kailangan ko ng bumalik sa Cebu, promise gagawin ko ang lahat maka usap lang si Heaven na mag rerefer ako ng bagong Engineer na pwedeng mag take over sa akin."

"No Luke, kailangan mong tapusin yung kontrata mo, baka ikasira yan ng pangalan mo.."

"Mahal naman, mas importante ka kesa sa trabaho na yan! Mas gusto kong nakakasama kayo at nakikita at naalagaan,. My decision is final. Wag kana masyado mag isip okay? I got this. Take your rest at please wag matigas ang ulo kila Momy. Alam ko naman na ayaw mong inaalagaan, pero Mahal kahit ngayon lang kailangan mo munang magpakalas, para sa mga anak natin, para sa akin okay?" At idinikit ni Luke ang noo nito sa asawa at sinabing.. "i Love you, i'll update you from time to time.."

"Promise ko sayo Mahal magpapagaling ako, para pag balik mo uli malakas na ako. I love you more..."

At tuluyan ng umalis si Luke papuntang Cebu..

Itutuloy...

When Love Hurts...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon