Forgiveness & Acceptance

921 53 54
                                    

Heaven: Apple?

Apple: Heaven? Heaven, gising kana... Wait lang tatawagin ko lang si Doc...

Heaven: Wag na,,

Apple: Saglit lng to Heaven..

Heaven: Okay lang ako, gusto lang kita maka-usap Apple..

Apple: Magkakausap din naman tayo mamaya, sa ngayon ang importante matingnan ka ni Doc. Halos 48 hrs ka ding tulog...

Heaven: Please.. Ayos lang ako.. Pwede bang dito kana muna sa tabi ko...

Wala ng ibang nagawa si Apple kundi ang sundin ito..

Apple: Ikaw talaga, ano ba yang gusto mong sabihin at hindi talaga pwedeng mamaya..

Inabot ni Heaven ang mga kamay ni Apple at hinawakan ng mahigpit..

Heaven: Apple,, maraming salamat sa lahat ha? At sorry sa lahat ng atrasong nagawa ko sayo..

Apple: Heaven.. Diba sabi ko naman sayo kalimutan na natin lahat ng yon. Kung sa kaso pa case close. Kaya wala kana dapat ihingi ng sorry at kung anu ano pa.. Wag kana masyado mag isip.

Heaven: Hindi.. Hayaan mo kong gawin ko to. Kahit sa ganitong paraan man lang maiparamdam ko na sobra sobra ang pagsisisi ko..

Apple: Heaven wala na sa akin lahat ng yon...

Heaven: Alam mo Apple, noong araw na nagkita kami uli ni Luke nakita ko sa mga mata nya yung saya. Yung totoong saya na hindi ko naibigay sa kanya ni minsan. Tapos nung minsang nagkita tayo kasama mo ang buong pamilya mo nakaramdam ako ng inggit. Nasabi ko sa sarili ko, bakit ganun lang kadali para sa kanila ang makahanap ng kaligayahan? Samantalang ako lahat naman ginawa ko na para naman maging maligaya. Tama noon ang mga tao na wala akong kakuntentuhan at kaligayahan sa buhay ang alam ko lang ay ang manira ng buhay ng iba. Sa sobrang inggit at pagka desperada ko ipinaako ko ang anak namin ni Paulo kay Luke.

Natigilan si Heaven sa pagsasalita at naiyak..

Heaven: Apple, sa kabila ng masasamang nagawa ko sayo hindi ko alam kung papano mo nagagawang pakitaan pa din ako ng kabutihan. Hindi ko to deserve Apple. Dapat sa akin, pinapabayaan at pinaghihigantihan..

Apple: No... Hindi..

Heaven: Napakabuti ng puso mo Apple. Salamat sa lahat lahat. Alam mo ba may na realize ako...

Apple: Ano yun?

Heaven: Hindi man ako naging maswerte sa pagkakaroon ng lalaking magmamahal sa akin ng totoo, naranasan ko namang mahalin ng hindi ko na kailangan ng sobrang effort. Yung kahit hindi mo hiningi kusang ibinigay. Salamat sayo Apple,, atleast bago man ako mawala sa mundong to, minsan sa buhay ko may tama ng nangyari sa akin. At ikaw yun Apple. Salamat sa pagpaparamdam sa akin ng unconditional love. Ni minsan sa buhay ko hindi ko na imagine na mararanasan ko pala ang magkaroon ng totoong kaibigan. Alam mo bang ikaw ang kino-consider ko na angel ko.. Kaya salamat..

Naputol ang usapan nila ng pumasok si Luke.

Luke: Mahal na check ko na si baby Lu... (natigilan ito sa pagsasalita ng makitang gising na si Heaven) youre awake....

Heaven: Sa tono ng pananalita mo Luke parang hindi ka naman natutuwa na makita akong gising na...

Luke: Hindi.. Nagulat lang talaga ako. Nakita na ba sya ni Doc Mahal?

Apple: Hindi pa nga Mahal eh. Ayaw nya kasi, okay lang daw sya at ang gusto nya ay mag usap muna kami..

Heaven: Wag kayong mag alala masamang damo ako, kaya hindi pa ako basta basta kukunin ni kamatayan... Tamang tama ang dating mo Luke. Gusto din sana kitang makausap...

When Love Hurts...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon